MIRA POV
NAGISING ako ng walang saplot at ganon din si Waldo. Magkatabi kami. Kaagad kong natampal ang aking noo nang maalala ang MGA nangyari. Babangon sana ako nang hinila niya ako at yumakap sa aakin ng mahigpit.
"Waldo ano ba?!!"inis na sambit ko.
"Parang mainit ata ang ulo mo? Samantalang kagabi ay sarap na sarap ka sa ginawa ko"natatawa pang aniya.
"How dare you!!"
"Bakit? Totoo naman ahh!"tila ba pang-aasar niya.
"Pero Mira seryoso. Sana mapatawad mo ako. Patawarin mo ako kung iniwan kita. At patawarin mo din ako dahil Kaya mo naisipang ipalaglag ang bata ay dahil sa akin!"seryosong sambit niya.
"Si Maja babalikan ko na siya. Solo lang siya sa kwarto"ani ko bago tumayo at nagbihis.
Tumayo na din siya at nagbihis. Pagkabukas ng pinto ay nagulat ako dahil biglang dumaan sina Yasser at Janina kasama si Maja. Nagkatinginan at nagkangitian sina Yasser at Janina nang nakita kami ni Waldo na magkasama.
"Ahm Mira nagising kasi si Maja kagabi. Iyak ng iyak hinanap ka namin pero hindi ka namin nakita kaya pinatulog namin siya sa aming silid"ani ng Prinsesa.
"Naku! Mga kamahalan pasensya na po sa abala. Maja, sorry hindi kita agad nabalikan"ani ko.
"Otay lang po yon tita"aniya.
"Diba birthday niya ngayon?"tanong ni Yasser.
"Opo kamahalan"sagot ko.
Sa totoo lang dahil sa sobrang pagkabusy sa trabaho ay nalimutan ko na.
"Ano ang gusto mo para sa birthday mo? Ano ang wish mo?"tanong ko.
"With ko po na tana matita ko na ang puntod nina Mama at Papa ta tementeryo"nakangiting sambit niya
Tila ba nakaramdam ako ng pagkakonsensya sa narinig. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago nagsalita.
"Sa room muna tayo Maja. May importante akong sasabihin sayo"ani ko sa kanya.
"Pati ikaw"Sabi ko kay Waldo kaya sumunod nga siya.
Pagpasok namin sa kwarto...
"Punta po ba tayo ng tementery?"tanong ni Maja.
"Hindi"sagot ko.
Yumuko siya at naiiyak pang na naman.
"Hindi tayo pupunta sa sementeryo dahil buhay pa ang mga magulang mo"sagot ko.
Kita sa mukha nilang dalawa ni Waldo ang pagkagulat.
"Atan po tila?"tanong pa niya.
"Nasa.. Nasa harap mo! Maja ako ang Mama mo!"ani ko.
Niyakap ko siya at napaiyak ako.
"Patawarin mo ako kung naglihim ako anak"naiiyak paring turan ko.
"Yehey mat mama pa ato! Eti mula po ngayon mama na po tawag ko tayo?"tanong niya.
"Oo anak"sagot ko.
"Tino po ang papa ko? Nataan tiya?"tanong niya.
"Si Waldo. Siya ang ama mo!"sagot ko.
"Totoo ba Ito? Akala ko ba ipinalaglag mo siya?"tanong ni Waldo.
"Hindi iyon totoo Waldo. Ayan siya! Ang ating anak!"ani ko.
Niyakap at kinarga ni Waldo ang kanyang anak.
"Ang aking unica hija!"aniya at pinaghahalikan si Maja.
"Nakikiusap lang sana ako. Huwag mo siyang kukunin sa akin!"ani ko.
"Pareho ko kayong kukunin"sagot niya...
MIRA POV
HINILING ni Waldo na manatili siya ng isang linggo sa palasyo at pinagbigyan naman siya ng hari. Magkasama sila ni Maja ngayon sa playground. Habang ako ay naririto sa loob. Naroroon din sina Yasser at Clyde.
"Bakit hindi mo samahan sa labas ang iyong mag-ama?"tanong
"Dito nalang muna ako kamahalan tsaka isa pa may gagawin na din naman ako mamaya"Sabi ko.
"Mahal mo parin ba siya?"tanong niya.
"Hah? Ahmm. Hindi!!"kinakabahang Sagot ko.
"Bakit hindi ka makatingin ng deretso sa akin?"tanong niya.
"Hindi mo naman kailangang ideny! Magkasama kayong natulog sa iisang kwarto. Imposible naman na walang-"
"Tama na po kamahalan baka may makarinig! Oo. Alam mo ISA nga akong malaking t*nga dahil sa kabila ng ginawa niya ay Mahal ko parin siya"sagot ko.
"Wala naman sigurong masama kung ipapaalam mo din Ito sa kanya. Para na rin kay Maja. Mas makakabuti sa kanya Kung lalaki siya nang buo ang pamilya"aniya.
"Hindi ko po alam. Bahala na!"sagot ko.
JANINA POV
NAGPAALAM ako sa kanila na mamimili lang sa grocery store pero ang totoo ay papunta ako sa ospital. Nagsama ako ng sampung imperial knights. Gusto nga sanang sumama nina Yasser at Clyde pero sinabi kong tsaka nalang. Si Waldo naman ay pumunta sa bahay ni Brandon. Naririto na ako sa ospital. Dalawa lamang sa imperial knights ang pinasama ko sa loob.
"Magandang umaga po doc"ang pagbati ko sa doctor na babasa sa resulta ng DNA test.
Naupo ako sa harap niya.
"Magandang umaga din naman kamahalan. Heto na ang resulta ng DNA. Kapag ang resulta"ani ko.
At binuksan na nga niya ang white envelope na hawak at binasa Ito.
"Ayon sa isinagawang pagsusuri, ay 95.888888%. magkadugo kayo"ani ng doctor.
Magpinsan kami ni Emma.
"Maraming salamat po doc"nakangiting Turan ko bago umalis.
Papunta na ako ngayon sa bahay ni kuya Brandon dala ang resulta ng DNA test. Sarado ang bahay niya. Parang walang tao.. pero nagdoorbell parin ako ng nagdoorbell wala talaga. Paulit-ulit na ding bumusina ung driver na kasama namin pero wala parin. Biglang nagring phone ko.. si Waldo tumatawag!!
"Hello Waldo! Asan kayo? Andito ako sa tapat ng bahay ni Brandon"ani ko.
"Hello Janina! Kamusta Ka??"
"J-jerome?"
"Ako nga. Kasama ko ang mga bayaw mo pati si Emma. Ang ASAWA KO"sagot niya.
"H*yop ka!!! Asan kayo???!!"galit na Turan ko
"Secret"natatawang sagot niya.
"Kung ako sayo, ipagdasal mo na ang kaluluwa ng mga Ito ahahahhha!"aniya.
"H*YOP ka!!"galit na Turan ko at pinatay ang phone.
"Babalik Tayo sa palasyo!! Kailangan natin itong ipaalam sa Hari at kay Yasser!"ani ko sa mga kasama ko.
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
RomanceSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...