KARINA POV
MATAPOS non ay lumabas na si Yasser at may kakausapin lang daw. Mayamaya pa, ay pumasok si Manang Miranda sa silid at may dalang pagkain kasama si Clyde.
"Hindi ka kumain kanina kaya dinalhan kita ng makakain. Ayos ka lang ba?"tanong niya.
"Oo naman po manang maraming salamat"ani ko.
"O siya sige maiwan ko na kayo marami pa akong gagawin sa ibaba"ani nito at umalis.
"Are you okay Mom?"nag-aalalang tanong ni Clyde.
"Oo naman. Ikaw kumain ka na ba?"tanong ko.
"Opo. Ahm Mommy pwede po ba akong matulog dito sa room ninyo ni Dad?"tanong niya.
"Oo naman"sagot ko.
"Yehey!! Makakatabi ko sa pagtulog sina Mom at Dad!"sambit nito at naglumundag sa ibabaw ng kama.
Pagkatapos kong kumain ay kaagad ko ring iniligpit ang aking kinainan. Hindi ko parin nakikita si Yasser marahil ay nasa labas. Ikinuha ko din si Clyde ng isang basong gatas at bumalik sa kwarto.
"Inumin mo muna Ito anak!"ani ko sa kanya at ininom nga ang gatas.
"Thanks Mom!"ani niya at humalik sa akin.
Napakasweet talaga niya. Nakakatuwa dahil sa totoo lang napapawi ang stress ko minsan kapag kasama ang batang Ito ngunit sa kabilang banda, nalulungkot ako para sa kanya dahil wala siyang kaalam-alam na wala na ang tunay niyang ina.
Kaagad kaming nahiga at inunan niya ang aking balikat.
"Kakantahan nalang kita para madali kang makatulog! Gusto mo ba?"tanong ko.
"Opo mommy!"ani niya at yumakap sa akin.
At inawitan ko nga siya ng Twinkle Twinkle little star habang pinapatulog.
YASSER POV
LUMABAS ako dahil nga kinausap ko ang mga kasambahay at nakausap ko rin si Jerome sa cellphone. Wala paring development. At maya-maya nga ay napagpasyahan ko nang bumalik sa kwarto. At nung nasa may pintuan na ako napansin kong nakaawang ang pinto ng silid. May narinig akong isang napakagandang tinig kaya sumilip ako sa loob. Nakita ko si Karina at si Clyde na nakahiga. Kinakantahan niya Ito. Napangiti na lamang ako.
FLASHBACK
KAAGAD akong umakyat sa aking silid ngunit bago pa man ako makapasok ay narinig ko si Janina na naawit. Napakaganda talaga ng tinig niya. Inaawitan niya si Clyde habang Ito ay pinapatulog niya sa crib nito.
"Twinkle, twinkle, little star,
How I wonder what you are.
Up above the world so high,
Like a diamond in the sky-"ang pag awit niya."Napakaganda talaga ng tinig ng aking asawa"biglang Sabi ko. Sinensyasan na lamang niya na tumahimik.
"Ako man ay tila inaantok din sa lamig ng boses mo"bulong ko sa kanya habang Kami ay nakahiga sa kama at magkayakap.
"Alam mo napakabolero mo talaga"natatawang bulong niya.
"Totoo naman. Hindi kaya kita binobola!"ani ko.
END OF FLASHBACK
Huwag kang mag-alala Janina dahil kahit may ibang babae dito sa bahay at kahit napasasaya niya kami ng anak mo, hindi parin kita malilimutan at hindi ako titigil hanggat hindi mo nakakamit ang hustisya. Magbabayad sila sa ginawa nilang pagpatay sayo.
NAPATINGIN siya sa akin ng bigla akong pumasok.
"Maganda ang iyong tinig Karina. May talento ka pala pagdating sa pag-awit?"bulong ko.
Hindi na siya umimik at sa halip ay sinenyasan na lamang ako na manahimik.
Halos magkapareho sila sa kahit na anong bagay.
KARINA POV
KAAGAD ding nakatulog si Yasser. Mahimbing ang tulog ni Clyde habang ako? Hindi ako makatulog. Maraming bagay ang gumugulo sa aking isip. Bakit ako nananaginip ng kung anu-ano? At bakit tila ba pakiramdam ko ay totoong naganap ang mga iyon kahit sa panaginip ko lamang nakikita. Waldo Falcon? Diana? Janina? Iyan ang mga pangalang lagi kong naririnig sa aking panaginip. Magdamag akong hindi nakatulog. Kahit na anong pilit ay talagang di ako makatulog. Inumaga na ako ng ganito.
"Gising ka na? Ang aga mo ata"ani ni Yasser na bagong gising lang.
"Hindi ako nakatulog"ani ko.
"Bakit? Magpapaquiz ako mamaya diba? Hindi ka man lang nakakuha ng sapat na tulog"ani niya.
"Hayaan mo nakapagreview din naman ako kahit papaano"tugon ko.
"Good morning Mommy! Good morning Daddy"bati ni Clyde na bagong gising.
"Good morning"sabay naming pagbati sa kanya.
Kaagad kaming bumaba at nagbreakfast. Matapos nito ay kaagad na akong naligo at nagbihis. Naghintay silang muli at kagaya ng dati, una muna naming inihatid si Clyde sa school niya.
"Is there any problem?"biglang tanong ni Yasser habang nagmamaneho patungo sa university.
"Sa aking panaginip, may pangalan akong naririnig. Nakikita ko rin siya sa aking panaginip. Waldo Falcon"ani ko.
Napatingin siya sa akin na tila ba gulat na gulat.
"Kilala mo siya?? Paano?"biglang tanong niya.
"Kagaya ng sinabi ko, sa panaginip ko lamang siya nakikita o naririnig. Siya ang taong gustong pumatay sa akin sa panaginip ko!"ani ko.
"Kilalang killer ang lalaking iyon kaya Hindi na ako nagtataka kung mapanaginipan mo man siya ng ganon. Huwag kang mag-alala Hindi ko hahayaang maganap iyon sayo Kaya ipanatag mo ang isip mo"ani niya.
Tahimik kaming nakarating sa university.
"Karina, ang lalim ata ng mga Mata mo"ani ni Mariel nang nakapasok ako sa classroom.
"Halos hindi ako makatulog kagabi. Hindi ko alam kung bakit"ani ko.
Magsasalita pa sana si Mariel nang biglang pumasok si Sir Jerome. Kaagad nga itong nagdiscuss. Habang siya ay nagsasalita ay nakarinig ako ng kung anu-anong ingay. Mga sigawan na hindi ko alam kung saan nagmumula.
"HABULIN SIYA!!"Sigaw ng boses ng lalaki.
Nakakabingi kung kaya tinakpan ko ng aking mga kamay ang magkabila kong tenga ngunit naririnig ko parin ang mga ingay.
"TIGIL!"Sigaw ng isa pa.
"HUWAG MO NANG PAHIRAPAN PA ANG IYONG SARILI DAHIL ITO NA ANG KATAPUSAN MO MAHAL NA PRINSESA"isa pang Sigaw na aking narinig.
Hanggang sa nakarinig ako ng isang humaharurot na sasakyan at nakarinig ako ng malakas na bagsak.
"JEROME! NASAGASAAN MO ANG PRINSESA!"Sigaw ng boses ng isa pang lalaki.
"Tulungan ninyo ako"mahinang tinig ng isang babae.
At matapos non wala nang ingay.
"Ms. Aquino okay ka lang?"tanong ni Sir.
Hindi ko na nagawang sumagot pa... Everything went black.
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
RomanceSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...