KARINA POV
NAGTUNGO ako sa opisina ng Hari upang siya ay kausapin tungkol parin kay Avenir.
"Iha ano ang kailangan mo? Maupo ka"ani niya.
"Daddy may itatanong Lang po sana ako"nahihiya pang ani ko
"Ano iyon?"tanong niya.
"Si Avenir po. Napag-alaman ko kasi na nagkaroon siya ng masamang record noon. Bakit parin po siya naging secretary?"tanong ko.
"Una sa lahat hindi Naman kasi ako ang pumipili ng mga magiging secretary ko kundi ang tribunal at Siya na nga ang napili"tugon ng Hari.
"Ngunit ang posisyong iyon ay para lamang po sa isang taong may pinag-aralan. Hindi para sa isang court lady Lang"ani ko.
"Anak habang naglilingkod siya dito, ay nag-aaral din siya at nakapagtapos. At matapos non nagsubmit siya ng application sa palasyo. Lahat ng aplikante ay sinuring mabuti at natuklasan na si Avenir ang pinaka kwalipikado sa lahat. Noong una ay Hindi ko Ito matanggap kaya umapela ako kaso ibinasura lang nila. Kinausao lang nila si Avenir at pinasumpa Ito na hindi na kailanman gagawa ng kalokohan"tungkol n ng Hari.
"Paano po kung gumawa ulit siya ng kalokohan? Halimbawa ay naging kabit siya. Ano pong mangyayari sa kanya?"tanong ko pa.
"Matatanggal siya bilang secretary at pagbabawalan nang humawak ng kahit na anong posisyon sa gobyerno at bukod pa diyan ay maaari siyang pagmultahin Ng malaki. Iyan ay oras na mapatunayang totoo ang Bintang. Bakit Ka nagtatanong ng ganyan? May problema kaba kay Avenir?"ani pa niya.
"Wala po dad. Ahm isang katanungan nalang po"ani ko pa.
"Ano iyon?"tanong niya.
"Hindi ba po kinailangan niya na magtrabaho dito sa palasyo noon para maoag-aral ang sarili niya? Ibig sabihin mahirap siya!"ani ko
"Oo. Ang alam ko magsasaka ang kanyang ama at ang kanyang ina ay labandera dati"ani niya.
"Kung ganon bakit po napakayaman niya ngayon gayong hindi naman ganon kalaki ang sinasahod niya dito?"tanong ko.
"Iyan din ang isa sa aking ipinagtataka. Pero ganon pa man personal na niyang buhay iyon at wala nang pakialam ang palasyo sa kanya"tugon ng Hari.
"Salamat po sa pagaagot dad. Mauna na po ako hahanapin ko lang po si Clyde. Baka kung saan na naman nagsusuot ang batang iyon"ani ko.
"Sige iha"Turan ng Hari.
Pagkalabas ko ng opisina ng Hari ay nasalubong ko agad si Avenir at hinarap niya ako.
"Narinig ko ang mga pinag-usapan ninyo"sambit niya.
"Ohh tapos? Anong pakialam mo? Hindi ko alam na uso din pala ang mga USI at MARITES dito"nakangising tugon ko.
"Ano ang ibig mong sabihin? Usi? Marites?? Pakilinaw!"maawtoridad na sambit niya
"Simple lang. USIsera at MARITES o tsismosa! Mga taong mahilig makinig sa usapan ng iba. Diba ganon ka?"nang-aasar na sambit ko.
"Hindi ako ganyan pero narinig ko lamang kasi na pinag-uusapan ninyo ako!"madiing sambit niya.
"Bakit? Natatakot kaba na isumbong kita? Hindi ako ganon kaya huwag kang mangatal"nakangising sambit ko
Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang pinto ng opisina ng Hari.
"Ano ang nangyayari dito?"tanong ng Hari.
Napatingin ako kay Avenir. Namumutla siya ngayon.
"Wala po dad. Nagtatanong lang ako kay Avenir kung nakita ba niya si Clyde"tugon ko.
"Mommy!!"Sigaw ni Clyde habang nananakbo palapit sa akin. Basang-basa na naman siya ng pawis.
"Anak basang-basa ka na naman ng pawis! Halika at papaliguan kita"ani ko.
Huwag kang mag-alala Avenir! Hindi kita isusumbong. Hindi muna. Aalamin ko muna ang lahat ng mga baho mo.
KARINA POV
"SIGE na honey isama mo na ako please"ani ko kay Yasser.
"Hon magpahinga ka nalang dito"tugon niya.
"Sige na please! Gusto kong makita ang headquarters ninyo please hon"ang pangungulit ko pa.
"Arrgh fine!'inis na sambit niya.
"Thanks! Magbibihis lang ako"sambit ko.
"Don't wear your f*cking sexy dress?"inis pang sabi niya.
"Okay don't worry yung formal lang isusuot ko"Sabi ko bago patakbong umakyat sa hagdan.
"Stop running Karina!"Sabi niya pero diko nalang pinansin.
Kaagad akong nagsuot ng blue dress na off shoulder at nagmake up at red lipstick. Isinuot ko din ang bracelet na bigay ni Yasser noong 1st monthsary namin bago ko kinuha ang shoulder bag ko at nagsuot ng sandals na may three inches na takong.bago bumaba.
"Don't wear that fre*king sandals Karina! Baka matapilok ka"inis na sambit niya.
"Honey sanay naman ako ehh"sambit ko at ngumuso.
"Fine! Let's go"ani niya.
"Mommy daddy pwede po ba akong sumama?"tanong ni Clyde nang makita kami.
"Sorry baby but no. Hindi kasi pwede ang bata sa pupuntahan namin"Sabi ko.
"Don't worry son hindi kami magtatagal ng Mommy mo"Sabi ni Yasser.
"Okay Mom dad, take care!"tugon niya.
"Bye Mommy! Bye Daddy! Bye baby"saad pa niya.
"Bye anak'.
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
RomanceSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...