WALDO POV
MGA nakagapos kami ngayon at may busal ang mga bibig. Hindi ko inakala na aabot sa ganito ang lahat.ang lahat.
FLASHBACK
MATAPOS kong patulugin ng tanghali ang aking anak ay naisipan kong sumaglit sa bahay ni kuya.
"Movie marathon Tayo?"ani ni kuya.
"Gusto ko iyan"ani ni Emma.
"Sige kuya!"sagot ko.
Habang nanonood kami ay may narinig kaming putok ng baril kaya nilabas namin Ito. At nakita namin ang guard na si Mang Serge na nakabulagta. Wala na siya!!
Kaagad Kaming nilapitan ng mga armadong lalaki. Nanlaban pa kami ni kuya at Emma ay nagtangkang tumakas pero naharang siya ni Jerome.
"Where are you going honey? Hindi mo ba ako namiss?"tanong ni Jerome.
"H*YOP KA JEROME!! TULONG!! TULUNGAN NINYO KAMI!!"Sigaw ni Emma kaya tinakpan ni Jerome ang bibig niya.
Nabugbog kami ni kuya at Hindi na nakalaban pa. Andito Kami sa may garden malapit sa gate.
"Dalhin sila! Pati ang bangkay upang walang makahalata"utos ni Jerome na siyang ginawa ng mga kasama niya.
Kinaladkad kami papasok sa sasakyan at dinala sa isang lumang mansyon! Baka Ito ang sinasabing pinagdalhan kina Avenir at Clyde? Pagkadala sa amin ay kaagad kaming iginapos at binusalan.
"Emma. Nagharap din Tayo Mahal kong asawa"nakangising Turan ni Jerome kay Emma. Ibinaba nito ang busal niya para marinig ang sasabihin nito.
"Hindi mo ako asawa! Ang kap*l ng mukha mo!!"ani ni Emma.
Sinampal siya ni Jerome.
"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan Emma!!"galit na Turan niya.
"Hindi ako nagmamahal ng kagaya mo!!"Sabi ni Emma.
"Bakit? Dahil ba sa kup*l na Ito?"tanong Nia sabay turo kay kuya. Binigwasan niya Ito.
"Tama na pakiusap"umiiyak na sambit ni Emma.
Nakita ni Jerome ang cellphone ko sa aking bulsa at kinuha Ito. Ano ang gagawin niya? Tinawagan niya si Janina...
END OF FLASHBACK
"Oras na sumapit ang gabi ay tiyak na katapusan ninyo na"nakangising Turan ni Jerome.
"Ikaw Emma magsisisi ka sa ginawa mo sa akin!"galit na Turan niya bago tumalikod.
YASSER POV
BIGLANG lumapit si Janina at humahangos siya.
"Ohh akala ko ba pupunta ka sa grocery store?"tanong ko.
"Yasser sina Kuya Brandon, Waldo at Emma dinukot ni Jerome!"umiiyak na turan niya.
"Ano? Paano mo nalaman? At saan naman sila dinala ni Jerome?"tanong ko.
"Tinawagan ako ni Jerome gamit ang phone ni Waldo. Yasser pap*tayin niya sila. Kung saan sila dinala ay Hindi sinabi sa akin"ani pa niya.
Biglang napako ang tingin ko kay Clyde na nagduduyan. Tinawag ko siya at kaagad naman siyang lumapit.
"Anak naaalala mo paba Yung pinagdalhan sa inyo ni Jerome?"tanong ko sa aking anak
"Malaking house po Yun daddy"sagot niya.
"Tanda mo ba ang papunta Doon?"tanong ko.
Umiling Lang siya.
"Ako tanda ko kung saan niya Kami dinala"sambit ni..
"Avenir? Mabuti at nakalabas kana ng hospital!"ani ni Janina
"May mga gamot pa akong iniinom. Pero Hindi mahalagang pag-usapan iyan ngayon. Alam na ba Ito ng Hari?"tanong niya.
"Hindi ko pa nasasabi kay Daddy"ani ni janina.
"Kung gayon ay ano pa ang hinihintay ninyo? Hanapin na natin siya! Malaki ang maitutulong ng Hari!"ani niya.
Pinauntahan namin ang Hari sa opisina niya at ipinaalam ang mga nangyari. Kaagad niyang pinahanda ang isang hukbo na sasama sa Amin. Tinawagan ko din si Gener na aking bagong kanang kamay upang ihanda ang aming mga tauhan.
"Sasama ako sa inyo"ani ni Mira.
"Pero mapanganib Mira"sagot ni Janina.
"Huwag ka nang sumama. Pati ikaw Janina!"ani ko.
"Sasama ako Yasser!"ani ni Janina.
"Ako Din! Hindi ko Kaya na hindi kumilos lalo na at nanganganib ngayon si Waldo!!"ani ni Mira.
"Sasama din ako. Mas gugustuhin kong sumama kaysa maghintay dito ay mamat*y sa pag-aalala sayo!"ani ni Janina.
"Napakatigas talaga ng ulo nitong Janina ko! Huwag kang aalis sa aking tabi"ani ko na ikinatango niya.
Nagpunta muna kami sa headquarters at isinama ang aming mga tauhan. Marami kami.
Halos kalahating oras ang nakalipas nang marating namin ang bahay na itinuro ni Avenir. Sa gate palang ay napalaban na Kami!!
Limang security guards ang napat*y bago kami nakapasok. Nagkabarilan at nagkagulo na ang lahat dahilan para mapahiwalay si Janina at Mira sa akin. Naging madugo ang labanan. Nagkaharap kami ni Jerome.
"Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko para sayo kaibigan?"tanong ko sa kanya.
"Gusto ko. Dahil tiyak na mapapat*y namin kayo!!"aniya at sinunggaban ako.
Nagpambuno kaming dalawa. Natumba siya nung natadyakan ko siya sa tiyan at binunot ko ang aking baril. Akmang babarilin ko na siya nang bigla siyang dumampot ng tubo at pinalo ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang aking baril at sinipa niya iyon bago binunot ang kanyang baril.
Nag-agawan kami ngunit nasipa niya ako sa harap dahilan para makabitaw ako... Tinutukan niya ako ng baril!
"KATAPUSAN MO NA!!"Sigaw niya.
Biglang may yumapos sa akin at siya ang nabaril. Ang Hari!!! Tinamaan siya sa likod.
"H*YOP KA!!"Sigaw ni Janina at pinagbabaril si Jerome.
Hindi niya Ito tinigilan hanggat hindi naubos ang bala ng kanyang baril. At tumakbo siya palapit sa Amin.
"Daddy! Dadalhin ka namin sa ospital. Kumapit ka lang please"umiiyak na sambit ni Janina.
"Nararamdaman kong hindi na ako magtatagal. Pero masaya ako dahil bago ako mawala ay nakita ko ang Magandang mukha ng aking tagapagmana"aniya.
Sumuka siya ng maraming dugo at nawalan na ng malay.
"DADDYY!!!"umiiyak na Sigaw ni Janina.
Halos lahat ng mga tauhan ni Jerome ay nakabulagta na. Kinuha ng imperial knights ang katawan ng Hari at inilabas Ito.
MIRA POV
NAPALABAN din ako. Ginamit ko ang mga itinuro sa akin ng Prinsesa may kinalaman sa pakikipaglaban. Tinulungan ko ang Iba na kalagan sa pagkakatali ang mga bihag.
"Waldo!"
Niyakap ko siya at umiyak sa balikat niya.
"Akala ko hindi na kita makikita!"ani ko.
"Salamat sa inyo Mira! Nailigtas ninyo kami!"aniya at niyakap ako pabalik.
Nung nakalabas na kami ay doon namin nalaman na nabaril ang Hari. Tinangka pa siyang dalhin sa ospital pero idineklara siyang dead on arrival. Si Jerome ay napat*y ng Prinsesa.
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
RomanceSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...