CHAPTER 46

1.8K 59 0
                                    

CHAPTER 46

JANINA POV

NASA playground sina Yasser at Clyde kasama ang Iba pang mga bata. Mainam na nga din Ito dahil napapansin ko na ilang araw na ding walang oras si Yasser sa aming anak.

"Kamahalan may itatanong lang sana ako. Bakit hindi mo sinabi sa asawa mo ang ginawa sayo ni Jerome?"tanong ni Mira.

"Dahil oras na malaman niya Ito at ng aking mga magulang ay tiyak na kung hindi man siya map*tay ni Yasser ay tiyak na ipakukulong nila siya"tugon ko.

"Na siyang dapat na mangyari"Turan niya.

"Na ayaw kong mangyari dahil iba ang balak ko"tugon ko.

"Anong balak mo?"tanong niya.

"Ibabagsak ko siya kasama si Avenir. Dudurugin ko sila sa mga kamay ko at pag walang wala na sila ay doon ko tatapusin ang mga buhay nila"sambit ko habang nakakuyom ang kamao.

"Pero sa ngayon ay iba ang gagawin ko"ani ko pa.

"Anong balak mo ngayon bago iyan?"tanong niya pa

"Birthday ngayon ni Jerome at inimbitahan nila si Yasser na kumain mamaya sa kanila. Sasama ako"Turan ko.

"Bakit?"tanong niya.

"May kasabihan tayo. Keep your friends close but your enemies closer"ani ko at hindi na nga siya sumagot pa.

Inutusan ko siyang kumuha sa garden ng red roses at ilalagay ko dito sa room namin. Maya-maya pa ay pumasok na sina Yasser at Clyde sa room at pareho silang pawisan.
Niyakap nila ako at pinaghahalikan.

"Magpalit nga kayo ng damit basang-basa na kayo ohh"ani ko kaya nga nagbihis sila at umupo si Clyde sa lap ko.

"Alam mo ba hon napakapilyo talaga nitong anak mo! Inaway na naman si Maja kanina"ani ni Yasser.

Si Maja ay pamangkin ni Mira. Ulilang lubos na ang bata at tanging si Mira nalang ang nag-aalaga sa kanya kaya pumayag din ang Hari na dito na siya tumira. Apat na taong gulang palang si Maja at bulol kaya araw-araw siyang inaasar ng aking anak.

"Anak bakit mo naman inaaway si Maja? Bad yon"ani ko sa aking anak.

"Bulol po kasi siya Mommy at natatawa ako sa kanya"tugon ni Clyde

"Pero bad parin iyon! Huwag mo nang uulitin hah?"ani ko.

"Pag-iisipan ko po Mom"tugon ni Clyde.

Napakamot nalang ako sa aking ulo. Kanino ba nagmana ng kapilyuhan ang isang Ito?

"Dad diba po Sabi mo pupunta po kayo kina Tito Jerome mamaya? Pwede po ba kaming sumama ni Mommy?"tanong ni Clyde.

"Oo nga pwede ba?"tanong ko.

"Sigurado ba kayo?"nagtatakang tanong niya.

"Oo naman"tugon ko.

"Ohh sige"tugon niya.
---
JANINA POV

BIHIS na kami ngayon at nakapaghanda na.

"Sigurado ka bang gusto mong pumunta? Akala ko ehh galit ka kay Jerome? Tsaka isa pa tiyak na nadoon si Avenir"Turan ni Yasser.

"Okay lang naman sa akin hon. Narealize ko din na tama ka. Kailangan kong magtiwala kay Jerome dahil nga kaibigan mo siya Kaya huwag Kang mag-alala. Hindi ako sasama sayo para manggulo"tugon ko.

"Well that's good"nakangiting sambit ni Yasser bago ako hinalikan sa pisngi.

"Hi Mommy! Hi Daddy!"ani ni Clyde nung bigla siyang pumasok sa room namin ni Yasser.

Mafia lord anakan mo akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon