CHAPTER 29

1.8K 61 0
                                    

CHAPTER 29

KARINA POV

AYAW sanang tanggapin ni Emma ang bahay at negosyo na iniaalok ko pero mapilit ako kaya tinanggap niya. Kailangan niya ang mga iyon lalo na yung bahay dahil Jerome ay madalas pumunta dito sa amin. Kasama ko siya ngayon sa pagluluto at pagkatapos ay inihain namin Ito sa mesa. Tinutulungan din kami ng mga kasambahay.

"Good morning hon! Good morning Emma! Aba mukhang masarap ang niluto ninyo"nakangiting Sabi ni Yasser.

"Good morning din po Sir"ani ni Emma

"Good morning honey. Favourite mo lahat iyan Diba?"tanong ko.

"Salamat sa inyong dalawa"ani niya at umupo.

"Si Clyde?"tanong pa niya.

"Good morning Mom! Good morning Dad! Good morning Tita Emma"nakangiting bati ni Clyde.

Binati din namin siya. Umupo siya sa aking tabi at nagsimula na kaming kumain.

"Bff ngayong malapit ka nang gumaraduate ano ang Plano mo? Itutuloy mo parin ba ang pangarap mo na maging engineer?"tanong ni Emma.

"Pangarap ko ang maging engineer pero ngayon iba na ang aking plano"ani ko.

"Anong balak mo?"tanong niya pa.

"Siguro magfofocus nalang ako sa pagmamanage ng lahat ng business ko. At may isang bagay pa akong gusto"tugon ko.

"Ano pang gusto mo?"tanong niya.

"Baby"tugon ko.

"You mean gusto mo po akong bigyan ng baby bro or baby sis Mommy?"nakangiting tanong ni Clyde.

"Aba kung ganon bff alam mo na hah? Dapat ninang ako"nakangiting Turan ni Emma.

"Sure"Turan ko.

Hindi nagsasalita ang isang manyak dito. Pero nakangiti siya sa akin ngayon at tila ba iba na naman ang nasa isip. Manyakis talaga.

"Bakit hindi ka nagsasalita?  Ayaw mo ba? Edi huwag"ani ko sa kanya.

"Gusto ko Karina"nakangiti paring tugon niya.

"Paano ba iyan Clyde mukhang malapit ka nang maging kuya!"ani ni Emma sa anak ko.

"Sana nga po tita Emma!"tugon ng aking anak.

Matapos kumain ay nagtungo kami sa salas at nanood ng TV. Balita ngayon.

"Isang misis kulong dahil sa salang pagputol sa Ari ng kanyang mister! Ayon sa naturang Ginang, hindi na Siya nakapagtimpi dahil ang kanyang mister ay manloloko at babaero!"ang pagbabalita ng broadcaster.

"Tama lang iyan! Ganyan ang dapat na ginagawa sa mga lalaking babaero kaya ikaw Yasser umayos ka!"madiing sambit ko sa aking asawa.

YASSER POV

SA totoo lang wala sa isip ko ang pambababae alam ninyo kung bakit? Una sa lahat, Mahal na Mahal ko ang misis ko. Pangalawa, hindi pa man ako nambababae ay katakut-takot na banta na ang inaabot ni junjun mula sa misis ko.

---

KARINA POV

"SIGURADO ka bang isasama pa natin papunta sa Niccodorre ang Jerome na iyon Yasser?? Alam mo naman na nagdidilim ang paningin ko kapag nakikita ko ang mukha niya diba??"inis na sambit ko.

"Kailangan ko siya para maorganize ang Iba pang miyembro ng X-DON roon!"ani niya.

"Huwag mo nalang isipin masyado ang pagkainis mo sa kanya"ani niya.

"Whatever"inis pang sambit ko bago umalis sa harap ni Yasser.

"Wait hon! Dito ka muna"ani niya.

"Pupunta ako sa kusina. Igagawa ko ng pancake ang anak mo!'ani ko bago tuluyang umalis.

Oras na makapunta kami sa Niccodorre ay sisiguruhin kong hindi sila matatahimik. Kung si Emma kaya nilang maliitin at tapak-tapakan ako hindi!

"Hi Mommy ano pong ginagawa ninyo?"tanong ni Clyde na kadarating lang hawak ang bola niya.

"Gumagawa ako ng pancake for you anak"ani ko.

"Yehey! Thanks Mom!"ani niya habang lumulundag. Favourite niya Kasi Ito.

"Anak nakita mo ba ang Tita Emma mo?"tanong ko.

"May bibilhin daw po siya sa coffee shop Mommy"ani ni Clyde.

"Okay"tanging tugon ko. Pero tila ba nag-aalala ako sa kanya. Sana naman umuwi na siya.

"Mommy nandito nga po pala si Tito Jerome. Hinanap niya si Dad!"sambit ng anak ko.

Hayyst speaking of the d*vil! Nandito na naman siya.

BRANDON POV

NANDITO ako ngayon sa bar kasama ang aking mga kaibigan.

"Pards matanong lang kita. Bakit nga ba Hanggang ngayon single ka parin?"tanong ni Leon.

"Oo nga hindi ka na nagkaroon ng nobya magmula ng maghiwalay kayo ni Amanda!"sambit ni Gerald.

"Tama sila. Tingnan mo si Waldo engaged na kay Prinsesa Diana. Si Yasser naman biyudo pero may anak! Aba pare mahirap tumandang mag-isa! Ano ba ang hanap mo sa isang babae? Mayaman? Maganda? Sexy? Mataas ang pinag-aralan?"tanong ni Xian.

Nakakainis talagang kasama ang mga Ito.

"Hindi naman ako naghahanap ng mayaman. Lalong hindi din naman ako tumitingin sa panlabas na anyo. Ang gusto ko responsable, mabait at handang maging asawa ko at handang magpaka ina para sa mga magiging anak ko"tugon ko.

"So simple pala ang hanap mo sa isang babae. Bihira na ang ganyang babae ngayon Brandon kaya good luck nalang sayo"ani ni Xian.

Sa may hindi kalayuan, ay may natanaw ako. Isang babae na tila ba .... TILA BA TATALON SA TULAY NG ILOG MALAPIT DITO!!!

"mga pards sandali lang!"sambit ko at dali-daling umalis.

Lumabas ako ng bar at patakbong lumapit sa kinaroroonan ng babae at hinila siya.

"PWEDE BANG PABAYAAN MO NA AKO?"umiiyak na Sigaw niya.

"Ms hindi solusyon ang pagpapak*matay sa problema"ani ko at natitigang mabuti ang mukha niya.

"Teka ikaw Yung babae sa may ilog nung isang araw!"ani ko.

Tiningnan niya ako at sinipat na mabuti.

"Ikaw?"tanong niya.

"Oo"tugon ko.

"Miss makinig ka pakiusap huwag mo iyang gagawin!"ani ko.

"Hirap na hirap na kasi ako. Tila ba hindi ko parin matanggap ang ginawa sa akin ng dati kong asawa"naiiyak paring sabi niya.

"Palagay mo ba pag ginawa mo iyan masosolisyunan ang problema mo? Hindi! At isa pa tatawanan ka lamang ng asawa mo at ng kabit niya kapag ginawa mo iyan! Papayag ka ba? Papayag ka bang maging maligaya sila oras na mawala ka?"tanong ko.

Biglang dumilim ang mukha niya at iniikom niya ang kanyang mga kamao.

"Hindi! Hindi sila magiging masaya! Sinugatan nila ang puso ko kaya MAGBABAYAD SILA!!"pasigaw na sambit niya.

"Kung ganon at bumangon ka mula sa iyong pagkakadapa at magpakatatag! Ipamukha mo sa kanila na hindi ka mang² na maaari nilang tapak-tapakan!"matigas na sambit ko.

"Salamat Mr?"

"Ako si Brandon"ang pagpapakilala ko sa kanya at inilahad ang aking kamay.

"Ako naman si Emma"ang pagpapakilala niya.

"Maraming salamat muli Brandon"ani niya.

"Walang anuman"tugon niya.

"Uuwi na ako"ani niya.

"Ihahatid na Kita"ani ko.

"Hindi na okay lang kaya ko"ani niya bago umalis.

Mafia lord anakan mo akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon