CHAPTER 26
EMMA POV
NAKATULOG ako sa kaiiyak kagabi. Maagang umalis si Jerome. Kung saan man siya pupunta ay hindi ko alam. Kaysa magmukmok at mag-isip ng sobra ay nagfb na lamang ako at may nakita akong friend request. Karina Aquino? Teka si Karina nga! Ang best friend ko nung first year college! Kaagad ko siyang inaccept. Maya-maya pa ay nagvideo call siya. At kaagad ko namang sinagot.
"Hi bff kamusta ka na?"nakangiting tanong niya. Lalo siyang gumanda at pumuti.
"Heto okay naman. Ikaw kamusta?"tanong ko.
"Okay lang din. May asawa na ako heto siya ohh"sambit niya at ipinakita ang mukha ng isang lalaking natutulog. Teka si Sir Yasser iyon ahh!
"Ikaw ang Karina na napangasawa ni Sir Yasser??"tanong ko
"Oo. Teka kilala mo ang asawa ko?"tanong niya.
"Oo naman kasi kaibigan siya ng asawa kong si Jerome"tugon ko.
"Asawa mo si Sir Jerome??"nagugulat na tanong niya.
"Oo kilala mo siya?"tanong ko.
"Oo Professor ko siya sa Morton University! Kaso nga lang, kailan ko pa siya hindi nakikita kasi, pinagmodule nalang ako ni Yasser"tugon niya.
"Ako naman ay nagtatrabaho bilang bagong librarian Doon"ani ko.
"Talaga ba? Sayang naman di kita naabutan"ani niya.
"Alam mo ba Karina napakaswerte mo dahil Mahal na Mahal ka ng asawa mo"naiiyak na Turan ko
At tuluyan na nga akong napaiyak dahil naaalala ko na naman ang nangyari.
"Bff bakit? May problema ba?"tanong niya.
"Pwede ba tayong magkita mamaya? Mamaya natin pag-usapan"naiiyak ko paring tanong.
"Sure. Pero okay lang ba kung sa hapon? May darating kasing panauhin dito"ani niya.
"Oo naman. Mga 3pm pwede ka ba sa may Jean's coffee shop?"tanong ko.
"Oo sige!"ani niya.
"Paano patayin ko muna. Magluluto lamang ako"ani ko.
"Sige bye! See you later"ani niya bago inend ang call.
Kailangan ko ngayon ng isang kaibigang maaasahan. At iyon ay si Karina. Noong college, kapag may nambubully sa akin siya ang nagtatanggol sa akin. Kahit mayaman siya at mahirap ako kinaibigan niya ako. Hindi niya kailanman hinusgahan ang aking pagkatao lalo na ang aking hitsura.
KARINA POV
NAPAPAISIP ako ngayon. Bakit kaya umiiyak si Emma? Ano kaya ang problema niya.
"Good morning hon"ang pagbati ni Yasser na ngayon ay bagong gising at hinalikan ako.
"Good morning honey. Ahmm hon? Kilala mo ba si Emma?"tanong ko.
"Yeah. Why?"tanong niya.
"Siya yung ikinuwento ko sayo noon na bff ko nung first year college. Ahm hon gusto kasi niyang makipagkita sa akin mamayang hapon Okay lang ba sayo?"tanong ko.
"Sure. Basta isasama mo si Mang Dado"ani niya.
"Thanks honey!"ani ko at niyakap siya.
"Ahmm Sir! Madam! Naririto na po ang secretary ng Hari! si Ms. Avenir Vergara kasam po ang limang imperial knights"Sabi ni inday.
"Sige susunod na kami ng Sir mo"ani ko.
Kaagad kaming naghanda ng aming mga sarili bago bumaba.
"Yasser! Long time no see. Siya ba ang bago mong asawa? Kamukhang kamukha niya si Princess Janina. Oopps sorry"may kaplastikang Turan niya.
"Yes! I'm Mrs. Karina Aquino-Quarles"taas noong Sabi ko.
"Okay let me introduce myself. I'm Ms Avenir Vergara! Nice to meet you Mrs. Quarles!"ani niya at inilahad ang palad niya na kaagad ko namang inabot.
At iyon na nga. Dala niya ang papeles na nagsasabi na si Yasser inaalisan na ng tutulong kamahalan sa Niccodorre dahil sa muli niyang pag-aasawa. Napapansin ko na habang idinidiscuss niya Ito, ay panay ang tingin niya sa akin.
"May problema ba Ms. Vergara?"tanong ko.
"Pasensya na Mrs. Quarles! Napapatingin lamang ako sayo dahil sa taglay mong Ganda"tugon pa niya na hindi ko nalang pinansin.
KARINA POV
NAKADRESS na pula. Yung fitted sana at maiksi ang gusto ko ngunit ayaw ni Yasser kaya itong isang mahaba ang kinuha ko. Suot ang sandals ko at kinuha ko na din ang shoulder bag ko. Naka red lipstick ako at make up na light lang.
"You're so pretty honey"ani niya.
"Thanks hon"nakangiting tugon ko.
"Bye! Take care. I love you ani niya.
"I love you too"sambit ko bago lumabas.
Kalahating oras pang nagdrive si Mang Dado bago kami nakarating sa Jean's coffee shop.
"Mang Dado dito ninyo nalang po ako hintayin"ani ko
"Opo madam"tugon niya.
Kaagad kong kinuha ang phone ko at ichinat ko si Emma.
"Bff nasaan ka na?"tanong ko.
"Nandito na ako bff malapit sa entrance. Nakablue shirt at black pants"reply niya.
Kaya kaagad ko siyang hinanap at nagkita nga kami sa entrance. Kaagad ko siyang niyakap grave namiss ko siya!
"Napakaganda mo talaga Karina"nakangiting sambit niya.
Nakangiti siya pero may naaaninag akong lungkot sa mga Mata niya.
"Hindi naman! Tara sa loob"ani ko.
"Let's go!"sambit niya at pumasok.
Kaagad kaming umorder.
"Bff bakit ka umiiyak kanina? May problema ba? Tell me"ani ko.
Bigla siyang umiyak muli at ikinuwento ang mga nangyari sa kanya.
"Hindi ako makapaniwala na lolokohin ka niya! Sigurado ka ba sa iyong narinig kagabi?"tanong ko.
"Oo Karina! Niloloko lang niya ako"umiiyak pang sagot niya.
"Alam mo ba ang pangalan ng babae? Sabihin mo sa akin! Hahanapin ko at kakalbuhin!"galit na Turan ko
"Avenir Vergara. Ang secretary ng hari ng Niccodorre"sambit niya dahilan para magulat ako.
"Si Avenir??"nagugulat na tanong ko
"Kilala mo?"tanong niya.
"Oo galing siya kanina sa Amin at may pinapirmahang mga papeles"ani ko.
"Siya iyon Karina! Narinig ko pang magkikita sila mamaya"umiiyak paring sambit niya.
"Hindi ko alam kung mamasamain mo o hindi ang sasabihin ko pero hindi kaya mabuti kung iwan mo na siya?"ani ko.
Lalo siyang umiyak.
"Hindi ko kaya bff Mahal na Mahal ko siya"sambit niya habang umiiyak.
Hindi ko napigilang maiyak din sa sobrang awa sa kanya. Lumapit ako at niyakap siya.
"Lagi lang akong naririto para sayo Emma! Kapag may problema tawagan mo lang ako"ani ko.
"Maraming salamat Karina"ani niya.
"Tara manood tayo ng sine!'ani ko.
"Pero wala akong pera"ani niya.
"Huwag mo nang isipin iyon. Treat na kita!"ani ko.
"Huwag na Karina nakakahiya!"ani niya.
"Ito naman para Naman akong others! Tara na para malibang ka din!"ani ko.
"Sige na nga"tugon niya.
Kaagad kaming nagtungo sa sinehan at nanood ng favourite movie namin.
Magkakatuluyan kaya sina Jerome at Emma? O Baka naman may ibang mas deserving.
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
Roman d'amourSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...