BRANDON POV
HINDI talaga niya ako pinapansin. Bakit kaya? Naabutan ko siyang kumakain kaya tumabi ako sa kanya at sumabay sa pagkain. Pero para lang akong hangin sa kanya. Ni hindi man lang ako pinapansin.
"Ahm Emma may problema ba?"tanong ko
"Wala"tipid na sagot niya nang hindi manlang ako tinatapunan ng tingin.
"Galit ka ba sa akin?"tanong ko.
"Hindi naman"sagot niya habang patuloy siya sa pagkain.
"Pero hindj mo kasi ako pinapansin"ani ko
"Eh ano naman ngayon?"pabalang na sagot niya.
Kaysa sa magsalita pa ay nanahimik nalang ako dahil baka lalo pang uminit ang ulo niya. Ano ba ang ikinagagalit ng isang Ito? Hanggang sa bago matulog ay hindi niya ako pinansin o binati bago siya pumasok sa bedroom niya.
KINABUKASAN
YASSER POV
NAGYOYOSI ako dito sa garden nang biglang lumapit sakin si Clyde.
"Dad Tito Brandon I here!"aniya. Kasama niya nga si Kuya..
"Okay. Baby sa playground ka muna bawal mong malanghap ang smoke ng cigarette ko"ani ko at umalis nga Siya.
"Kuya. Kamusta? Bakit parang nakasimangot ka?"tanong ko.
"Si Emma kasi. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko kahapon pa niya ako hindi pinapansin. At isa pa..."natigilan siya.
"At isa pa gusto mo siya"ako na ang nagtulog ng sasabihin niya.
"Huh? P-paano mo nasabi iyan?"tila ba kinakabahang turan niya.
"Halata kaya. Kung paano mo siya titigan. Masaya ka kapag kasama siya"ani ko.
"Paano kaya Ito? Kinakabahan ako"aniya.
"Kuya napakatorpe mo parin hanggang ngayon. Kung may pagtingin ka sa kanya edi sabihin mo"kaswal kong sagot.
"Paano ko uumpisahan?"tanong niya.
"Kailangan mo ng pampalakas ng loob!"sagot ko.
"Mira! Halika dito!"tawag ko kay Mira na nagcecellphone sa labas ng palasyo. Kaya lumapit siya.
"Ano po iyon kamahalan?"tanong niya.
"Kumuha ka ng isang Fundador"utos ko at kaagad naman siyang sumunod.
"Matapang na alak iyon ahh"ani ni kuya.
"Pampalakas ng loob iyon tsaka siguro naman may driver ka"ani ko
"May kasama mga ako"tugon niya.
Maya-maya pa ay Ayan na si Mira dala ang alak na ipinakukuha ko at dalawang kopito. Halata na hindi sanay uminom si Kuya. Ilang tagay palang namumula na siya. At nung nakakalahati na kami...
"M-mauna na ako Yassher!"aniya at tumayo.
Sa paglalakad niya ay halatang may tama na siya. Ano naman kaya ang gagawin niya? Magiging successful kaya?
BRANDON POV
HILONG-HILO ako ngayon. Buti nalang kasama ko itong si Ashton kundi ay hindi ako makakauwi. Pagkauwi ko ay kaagad akong nagtungo sa room ni Emma at inabutan ko siya doon.
"Ohh anong sadya mo?"tanong niya kaya nilapitan ko siya at naupo ako sa kama niya.
"Ahm Emma.. kasi I lov-"hindi ko na natuloy ang sasabihin nung biglang nagdilim ang paningin ko.
JANINA POV
NASA loob ng ako ngayon kasama si Clyde. Tinuturuan ko siya sa mathematics nang biglang pumasok si Yasser na amoy alak at hindi na tuwid ang lakad.
"Amoy alak ka!"inis na sambit ko.
"Ahh nagkainuman kasi kami ni kuya"sagot niya.
"Huwag ka dito ang baho mo!"ani ko
"Ang baho nga po dad!"ani ni Clyde at nagtakip ng ilong.
"Hayaan ninyo nalang ako dito"aniya. Lasing siya.
"Sige pero sa isang kondisyon!"ani ko.
"Ano iyon?"tanong niya.
"Sayawin mo ang gimmie gimmie!"ani ko.
"WTF JANINA!!"Sigaw ni Yasser.
"Gagawin mo oh aalis ka dito at dalawang Gabi ka din na Hindi matutulog dito? At titiyakin ko na bago Ka lumabas ay Tama sayo Ito! Alam mo naman na ang ayaw ko sa lahat ay yung NAG-IINOM Ka!"galit na sambit ko.
"But-"
"Dad pwede po bang sundin ninyo nalang si Mommy? Ayoko po kasi na nag-aaway kayo"ani ni Clyde.
"Fine!"aniya at akmang isasara muna ang pinto nang pigilan ko siya.
"Huwag mong isara"ani ko
"Pero baka may maka-"
"Wala akong pakialam"tugon ko
"Fine!!"aniya at ginawa ang gusto ko.
May mga napapadaan na nakakita at nagtatawa Kami man ni Clyde ay napatawa din.
MIRA POV
IBANG klase talaga.. kapag si Prinsipe Yasser ay lasing si Prinsesa Janina ata ang nagkakagalas!
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
RomanceSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...