MIRA POV
NAGTUTUPI ako ng mga damit namin ni Maja habang siya naman ay hawak ang larawan ni Ate Rosa. Siya ay kamag-anak ko. Pitong taon na siyang wala.
"Tita batet po Di tami magkamukha ni Mama Rota?"tanong ni Maja.
"Dahil.. kamukha mo ang iyong ama"tila ba wala sa sariling tugon ko.
Totoo naman kamukha talaga niya si.... Nevermind...
"Wala po ba talaga tayong pityur ni papa?"tanong niya.
"Wala Maja!"sagot ko.
Bakit naman ako mag-iingat ng picture niya? Gayong nagdidilim ang paningin ko kapag nakikita ko siya.
Kita sa mukha ni Maja ang lungkot at pagkadismaya. Pasensya kana Maja. Matapos kong magtupi ay pinatulog ko na siya.
WALDO POV
HINDI ko maiwasang mapangiti kapag naaalala ko ang mga nangyari kanina. Muli ko siyang nakita. Medyo mataba na Siya ng kaunti ngayon at lalong gumanda. Nakakatuwa din ang batang si Maja. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong ako ay bata pa.
KING ARMEO POV
NAPADAAN ako sa tabi ng silid Nina Mira at Maja at nasalubong ko si Mira.
"Ohh Mira gising ka pa Pala"ani ko
"Opo kamahala. Hindi parin Kasi ako makatulog. May kailangan po ba kayo?"tanong niya.
"Wala sa totoo Lang pabalik na ako sa aking silid. Ahm may sasabihin din Sana ako"ani ko
"Ano po iyon kamahalan?"tanong niya.
"Huwag mo sanang isipin na nakikialam ako sa buhay mo pero narinig ko ang pinag-usapan ninyo ni Maja kanina"ani ko.
"Alin po Doon?"tanong niya.
"Tungkol sa mga tunay niyang magulang Mira. Hindi ka ba nasasaktan sa tuwing tinatawag ka niya na tita?"tanong ko.
"Masakit pero mas mainam na nga iyon"sagot niya.
"Bakit?"tanong ko.
"Mas nanaisin ko nalang na kilalanin niya akong Tita kaysa naman malaman niya na anak Siya ng isang disgrasyadang gaya ko tsaka isa pa paano kung hanapin niya ang walang kwenta niyang ama at sumama siya Doon at iwan ako?"naiiyak na sagot niya.
Magsasalita pa sana ako pero bigla siyang punasok sa silid nila.
EMMA POV
NAG-AALMUSAL kaming tatlo nang biglang nagtext sa akin si Janina. Nag-iimbita siya. Birthday ni Yasser ngayon pero private Ito kaya mga kamag-anak at kakilala lamang ang imbitado.
"Nag-iimbita si Janina. Birthday ni Yasser ngayon dadalo ba kayo?"tanong ko kina Brandon at Waldo.
"Oo naman. Ikaw ba Waldo?"tanong ni Brandon sa kapatid
"Oo naman"nakangiting sagot niya.
"Masaya ka dahil makikita mo ulit si Mira"nakangiting sambit ni Brandon kay Waldo.
Napangiti nalang din siya.
"Siya nga Pala Kuya kailan mo ba yayayaing magpakasal itong si Emma?"tanong ni Waldo na ikinabigla ko din.
"Gusto ko sana kapag lipas na ang kaguluhan"sagot ni Brandon.
"Kapag wala na si Jerome"saad pa niya
Meron naman pala siyang balak na pakasalan ako.
JANINA POV
NAGBABASA ako ng book nang biglang pumasok si Yasser sa room namin at niyakap ako.
"Naikwento ng Kuya mo na may isang babae kang nagustuhan. Beatrice ang pangalan. Na siyang bagong assistant ng Hari ngayon"ani ko.
"Oo High school Lang ako noon. Bakit?"tanong niya.
"Paano mo siya nagustuhan? At bakit naghabol kapa sa kanya noon?"tanong ko.
"Bakit ko siya hinabol? Ehh tumatakbo ehh kaya hinabol ko!"ang pamimilosopo niya.
"PILOSOPO?!"Sigaw ko at binato siya ng libro sa mukha.
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
RomanceSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...