CHAPTER 28

1.8K 61 0
                                    

KARINA POV

PAGKAUWI ko, kaagad kong ikinuwento kay Yasser ang mga nangyari.

"Totoo ba ang iyong sinasabi? Niloloko ni Jerome si Emma? Hindi ko ito sukat akalain! Nung bago pa magpunta dito si Avenir ay sinabi ko na sa kanya na may asawa na si Jerome para hindi na siya magkaroon ng interes kay Jerome!"nabibiglang ani ni Yasser.

"Higad ang babaing iyon! At iyan namang kanang kamay mo d*m*nito!"galit na sabi ko

"Wala akong magagawa sa bagay na Ito. Hindi ko naman makokompronta si Jerome dahil buhay niya iyon"ani ni Yasser.

"Ano ang ating gagawin kung ganon?"tanong ko.

"Wala akong magagawa pero ikaw meron. Magkaibigan kayo ni Emma. Pwede mo siyang icomfort at kumbinsihing hiwalayan si Jerome"ani niya.

"Wala ka bang magagawa para mapatino si Jerome?"tanong ko.

"Wala dahil una palang naman, ganyan na siya. Nararamdaman ko na pilit lang niyang pinakikisamahan ng maayos si Emma"sambit niya.

"Siya nga pala maiba naman tayo. Next week ay graduation mo na. Saan mo gustong maghanda? Sa hotel kaya hon? What do you think?"saad pa niya.

"Kahit saan! Kahit dito lang bastat huwag ko lamang makikita ang pagmumukha ng Jerome na iyan!"galit na Turan ko.

Napabuntong hininga siya bago nagsalita.

"Okay. Pagkatapos ng graduation mo, dederetso tayo ng Niccodorre"ani niya.

"Excited na ako!"masayang sambit ko.

"Me too honey!"ani niya.

EMMA POV

KAHIT na nasasaktan, ay pinilit ko paring gawin ang mga bagay na ginagawa ko sa araw-araw at bukas may pasok na naman.
Narinig ko ang pagbusina ng sasakyan ni Jerome mula sa labas ng gate kaya kaagad akong napatakbo at binuksan ang gate. Dumeretso siya sa garahe at sinundan ko.

"No. Mag-usap Tayo sa room Emma"malamig na ani niya at dumeretso sa kwarto kasunod ako.

Hindi kaya magtatapat siya at hihingi ng tawad? Sana nga.

Bigla siyang naglabas ng isang brown envelope at isang ballpen.

"Pirmahan mo ang papeles sa loob niyan ngayon din!"maawtoridad na utos niya.

Kaagad kong kinuha ang papel at binasa Ito.

"D-divorce papers?"nabibiglang ani ko.

"Tapusin na natin Ito Emma. Hindi kita Mahal at kailanman ay hindi Kita minahal!"ani niya na ikinapanlumo ko.

"K-kung ganon b-bakit mo pa ako pinakasalan?"tanong ko habang pinipigil ang pagtulo ng aking luha.

"It's simple. GINAMIT LANG KITA AT GINAWANG PANAKIP BUTAS! ANO MASAYA KA NA??"sigaw niya.

"Nakikiusap ako sayo Jerome! Huwag mong gawin Ito"sambit ko habang umiiyak at lumuhod sa harap niya.

"Huwag na nating pahirapan pa ang ating mga sarili Emma! Pirmahan mo na iyan!"utos niya.

"MAHAL NA MAHAL KITA JEROME!"Sigaw ko habang umiiyak.

"PWES MAHAL NA MAHAL KO SI AVENIR EMMA AT SIYA ANG GUSTO KONG MAGING ASAWA!! SIYA LANG!!"Sigaw niya na lalong nagpasakit sa aking damdamin.

"Pirmahan mo na iyan!!"utos niya pa.

"Ano bang Meron siya na wala sa akin?"tanong ko.

"Marami. Kagandahan, kayamanan, pagiging balingkinitan at katalinuhan. Mga bagay na kailanman ay hindi tinaglay ng isang mang² na KAGAYA MO!"pasigaw na sambit niya.

Mafia lord anakan mo akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon