CHAPTER 25

2K 62 4
                                    

YASSER POV

KAAGAD akong umuwi matapos bilhin ang dalawang teddy bear. Pagkapasok ko ay kaagad akong sinalubong ni Clyde.

"Hi Daddy! Ano pong dala ninyo?"tanong niya habang nakayakap sa hita ko.

"This is for you baby!'ani ko at ibinigay sa kanya ang maliit na teddy bear.

"Wow daddy! Ito po yung bear na tinitingnan ko sa mall nung isang araw thank you po!'ani ni Clyde at ngumuso.

Yumuko ako at hinalikan siya.

"Where's your Mommy?"tanong ko.

"Nasa room po ninyo"tugon niya.

"Okay pupuntahan ko lang. Diyan ka lang magplay okay? Huwag kang lalabas"bilin ko sa kanya.

"Noted po Dad"tugon niya.

Nagtungo na nga ako sa taas at nakita ko siya sa room Namin.

"Masaya ba ang lunch break mo? Ginanahan kaba?"naiinis na tanong niya.

"Hon hindi naman ako sumabay sa kanya sa pagkain!"ang pagpapaliwanag ko.

Nagseselos siya.. ang sarap sa pakiramdam.

"Talaga lang hah!"may paghihinala paring tugon niya.

"Hon totoo naman. Si Jerome ang kasabay ko kanina tsaka si Emma"sambit ko.

"Okay"walang ganang tugon niya.

"Siya nga pala may ibibigay ako"nakangiting sabi ko.

"Ano iyon?"tanong niya.

Inilabas ko ang malaking teddy bear.

"This is for you honey"ani ko at iniabot ang teddy bear.

"Thanks hon!"masayang sambit niya at niyakap ako bago pinaghahalikan.

Kahit na anong init ng ulo ng isang Ito, oras na mabigyan siya ng mga bagay na gusto niya, bigla siyang nagiging malambing.

EMMA POV

NAKAUWI na kaming dalawa ni Jerome. Hindi parin kami masyadong nag-uusap. Nauna na siyang nagbihis. Habang nagbibihis ako sa kwarto namin ay nakita ko ang pitaka niya na nakakalat. Tiningnan ko Ito at nakita ko sa loob na may picture. Siya at isang napakagandang babae. Sino siya? Tiningnan ko ang likod ng larawan at may nakasulat...

"I will love you forever Avenir"

"JEROME?? JEROME!"ang pagtawag ko sa aking asawa.

Kaagad siyang nagpunta.

"Sino Ito?"tanong ko.

"THAT'S NONE OF YOU BUSINESS EMMA!! MASYADO KANG PAKIALAMERA!!"nanggigigil na sigaw niya bago hinablot ang wallet niya.

Nagdadabog siyang bumaba. Ako? Heto naiwan sa kwarto. Hindi ko napigilang mapaiyak. Ano bang nagawa ko para gawan niya ako ng ganito?

JEROME POV

HINDI ko nais na gawin Ito pero ano ang magagawa ko? Si Avenir ay dati kong nobya nung nasa Niccodorre pa ako. Isa siyang court lady noon sa kaharian habang nag-aaral sa Britchen Academy. Maganda siya, mayaman at matalino. Malayong malayo siya kay Emma na Hindi kagandahan, mataba, hindi college graduate at mahirap. Naghiwalay kami ni Avenir nung kailangan kong manatili dito sa pilipinas. Ilang buwan pa lamang akong napapatura dito nang makilala ko si Emma. Ginawa ko siyang panakip butas dahil sa pag-aakalang malilimutan ko din agad si Avenir pero nagkamali ako. Sa tuwing nagsisiping kami ni Emma ay mukha at katawan ni Avenir ang nasa isip ko. Nabigla na lang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"panimula ko.

"Hello Jerome? Si Charles to! Kamusta? Buti naman at Di ka pa nagpapalit ng cellphone number"ani niya.

Si Charles ay isa sa mga imperial knight sa Niccodorre na naging kaibigan ko.

"Ohh okay naman ako. Ikaw kamusta?"tanong ko.

"Heto ayos din naman isa na akong Hepe ngayon"proud na sambit niya.

"Ahm Charles may itatanong sana ako"ani ko.

"Ano iyon?"tanong niya.

"Si Avenir kamusta siya?"tanong ko.

"Ahh yung ex mo naging chief assistant siya ng Hari"nakaktuwang sambit niya.

"Ahh okay. May asawa na ba siya?"tanong ko.

"Wala pa. Magmula ng maghiwalay kayo, hindi na siya nakipagrelasyon ss iba. Isang bagay pa. Patungo siya ng pilipinas dahil may papipurmahan na papeles kay Yasser ang Hari"sambit niya na lalo kong ikinatuwa.

"Kailan ang punta niya rito?"tanong ko.

"Ang alam ko bukas"tugon niya.

"May number ka ba niya?"tanong ko.

"Meron. Wait isesend ko sayo"ani niya at inend ang call.

Maya-maya pa, itinext na niya sa akin ang number ni Avenir. Sa sobrang tuwa ay agad akong lumabas ng bahay at cinontact siya.

"Hello?"ani niya. Napakalambing talaga ng tinig niya.

"Hello. Kamusta ka Avenir?"tanong ko.

"Ayos naman. Sino Ito?"tanong niya.

"Hindi mo na ba ako naaalala babe?"tanong ko.

"Jerome?"nagugulat na tanong niya.

"Ako nga"tugon ko.

Natahimik siya.

"Nung naghiwalay tayo akala ko na malilimutan kita. Ngunit mali ako. Hinahanap-hanap parin kita Avenir"sambit ko.

Narinig ko na napabuntong hininga siya bago magsalita.

"Magkita tayo bukas ng gabi. Madaling araw ang flight ko. Nais kong mag-usap tayo sa personal. Matagal na akong nananabik na Makita kang muli Mahal ko"tugon niya.

"Talaga bang Mahal mo parin ako?"tanong ko.

"Oo Jerome. Walang araw na hindi kita naiisip. I love you babe"sambit niya.

"I love you too babe"tugon ko.

EMMA POV

NARIRITO ako ngayon. Pasimple ko siyang sinundan palabas at ngayon may kausap siyang babae sa phone. Dinig na dinig ko na nag I love you siya. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa aking dibdib. Sobrang hirap pero mahal ko siya at handa akong lumaban. Hindi ko siya susukuan.

Mafia lord anakan mo akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon