KARINA POV
NAGTUNGO ako ngayon dito sa silid kung saan nakapiit si Avenir.
"Nabalitaan ko ang nangyari kagabi matapos ang kahihiyang sinapit mo. Masarap ba ang cupcake na may flavour na ipis?"mapang-asar na tanong ko.
"WALANG H*YA KA TALAGA!!"nanggagalaiting sigaw niya at akmang sasampalin ako nang biglang may sumalag ng kamay niya at hinawakan Ito ng mahigpit.
"WALA KANG KARAPATANG SAKTAN ANG ASAWA KO!!!"nanggagalaiting sigaw ni Yasser.
Akmang sasampalin sana niya si Avenir nang dumating ang Hari at Reyna.
"Anong nangyayari dito?"tanong ng Hari.
"Ang babaing Ito kamahalan! Nais niyang saktan si Karina!"galit paring turan ni Yasser.
"ANG k*pal ng mukha mo! Matapos mong tangkaing saktan ang anak ko kagabi sasaktan mo ulit ngayon??"ani ng reyna at pinagsasampal si Avenir.
Inawat namin siya. Galit na galit siya ngayon.
"MGA kamahalan handa na po ang buong kapulungan ng tribunal"ani ng isa sa limang imperial knights na dumating.
"Kung gayon ay Tayo na! Kunin ninyo ang babaing iyan at iharap sa pagpupulong"ani ng Hari kaya kaagad kaming nagpunta. At nung nakaharap na ang lahat...
"Ang pangyayari kagabi ay isang malaking kahihiyan na naganap dito sa palasyo. Anupat ang balita ay umabot sa buong mundo dahil sa media na nakaantabay kagabi dito. At ikaw Ms. Avenir Vergara ang may kagagawan non! Ngunit bibigyan kita ng pagkakataon na magsalita"ani ng punong Ministro.
"Hindi totoo ang lahat ng ibinibintang sa akin! Ang lahat ng Ito ay gawa-gawa lamang ng Prinsesa dahil umpisa palang ay ayaw na niya sa akin!"mariing sambit niya.
"Maraming evidence laban sayo"Turan pa ng punong Ministro.
"Peke ang lahat ng iyon! Pati yung sinasabing SINIRA KO ang sapatos ng Prinsesa!"ang pagsisinungaling pa niya.
"Anong masasabi mo kamahalan?"tanong ng punong Ministro at bumaling sa akin.
"May isang testigo na lumutang para Ito ay patunayan! Si Binibining Mira Santiago at nakunan din niya Ito ng video panoorin ninyo!"ani ko at ipinlay ang video.
"So totoo nga maging ang affiair mo kay Mr. Chua!"ani ng Punong Ministro.
"NO!!"Sigaw niya.
Umabot ng halos isang oras ang naging pagdinig ngunit iisa lamang ang nailapat na hatol.
"Ikaw Avenir Vergara, ay inaalis sa posisyon bilang secretary ng hari at pinagmumulta ng 10k dollars na danyos!"ani ng Punong Ministro.
"Bye Mistress!"ang pang-aasar ko pa.
"HOW DARE YOU!"Sigaw niya.
"Yes I dare you!'tugon ko.
Akmang susunggaban na naman niya ako ngunit hinarang siya ni Yasser kaya napaatras siya. Malaki talaga ang takot niya sa asawa ko.
"Kaladkarin ang babaing iyan palabas ng palasyo!"utos ng Reyna na kaagad naman nilang ginawa.
"Ikaw babae Ka! MAGBABAYAD Ka SA ginawa mo sa akin!"madiing sambit niya habang kinakaladkad ng imperial knights palabas ng palasyo.
AVENIR POV
NAITABOY nila ako hanggang sa labas. Maya-maya lamang ay lumabas si Jerome.
"Totoo ba ang mga paratang sayo? Huwag kang mag-alala sa sasabihin mo lang ako maniniwala"ani niya
"Hindi totoo hik! Ang lahat ng iyon hik!"umiiyak na turan ko.
"Tahan na narito lang ako para sayo"ani niya at niyakap ako.
Isinakay niya ako sa kanyang kotse at inihatid pauwi ngunit nagulat ako sa tumambad sa akin. Si Mrs. Chua.
" Diyan ka nalang muna"ani ko kay Jerome kaya mag-isa akong bumaba.
"Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?"tanong niya.
"Bahay ko Ito!"galit na Turan ko ngunit isang malakas na sampal ang inabot ko.
"Paano naging Ito gayong sa asawa ko parin nakapangalan ang bahay na Ito??"ani niya
"Ngunit ayon sa kanya ay inilipat na niya sa pangalan ko ang bagay na Ito!"madiing Turan ko
Bigla niya akong binato sa mukha ng isang brown envelope at binuksan ko Ito. Kay Henry parin nakapangalan!
"Lumayas ka na sa pamamahay ko kung ayaw mong ipakulong Kita!!"galit na galit na Turan ni Mrs. Chua.
"Hayaan mo sanang makuha ko ang mga gamit ko!"galit na sambit ko
"Wala kang kukunin ni isang gamit man dito dahil tiyak na porke damit mo ay asawa KO ang bumili!"ani niya.
"Ngunit-"
"LAYAS O KULONG? MAMILI KA!!"Sigaw niya.
Kaya wala na akong nagawa pa.
"Oh ano ang nangyari?"tanong ni Jerome
Nagsinungaling ako sa kanya. Sinabi ko nalang nà Hindi ako nakabayad sa renta ng bahay at sinabi ko din na ang mga damit ko ay nasa mga magulang ko.
"Sobra-sobra ang GINAWA nila sa akin babe! Hindi KO sila mapapatawad LALONG-LALO NA ANG KARINA NA IYAN!!"Sigaw ko.
"Huwag kang mag-alala. Igaganti kita sa kanya! L*ntik lang ang walang ganti!"galit na turan ni Jerome.
"Paano? Tuso siya babe!"Turan ko.
"Tutuklawin natin siya ng patalikod"nakangising turan ni Jerome.
"Magkaibigan kayo ni Yasser Hindi ba?"sambit ko
"Wala akong pakialam. Tsaka isa pa si Karina lang naman ang makakatikim ng galit ko. Hindi si Yasser at titiyakin ko rin na hindi ako mabibisto"Turan pa niya.
"Gagawin ko ang lahat para sayo Avenir!"Turan pa niya
"Salamat babe!"tugon ko.
Dinala niya ako sa bahay niya.
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
RomanceSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...