CHAPTER 61

1.5K 54 0
                                    

WALDO POV

NAKAUPO ako ngayon sa paborito kong sofa habang nanonood ng TV nang lumapit si Diana. Heto na naman siya...

"Nagawa na kaya ng kapatid mo yung nais ko?"tanong niya.

"Humahanap pa siya ng tiyempo"walang ganang tugon ko.

"Aba! Kung ganon ay baka abutin ng siyam siyam bago mangyari ang aking gusto??"galit na Turan niya.

Sa totoo lang pagkagaling ko sa headquarters kahapon ay nagpabook ako ng ticket papuntang Niccodorre.

"Siya nga pala. Kailan ba tayo magpapakasal?"tanong niya.

Naiinis ako dahil nagtanong na naman siya tungkol sa walang kwentang bagay na iyan.

"Tsaka na. Kapag naisagawa na natin ang plano. Siya nga pala kailangan kong magtungo sa headquarters. May mga papeles pa akong pipirmahan"ani ko.

Magsasalita pa sana siya pero umalis na ako agad.pagkabihis ay dumeretso ako sa kotse at nagmaneho patungo doon. Kaagad kong tinipon ang mga miyambro.

"Halos limang taon na rin ang ating mga pinagsamahan. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil naging tapat kayo sa akin. ngunit ngayon ay pinapalaya ko na kayo. Makakabalik na kayo sa inyong normal na pamumuhay"ani ko

Kita sa mukha ng Ilan ang saya ngunit may mga nalulungkot din.

"Boss bakit naman ata biglaan? At paano ka?"tanong ni Greco

"Maging masaya nalang kayo dahil lagi ninyo nang makakasama ang pamilya ninyo. Ako naman, babalik na ako sa aking tunay na pinagmulan"sagot ko.

"Ngunit idineklara ka Doon bilang persona non grata! Dadakpin ka oras na bumalik ka Doon!"aniya pa.

"Kung iyon lamang ang paraan para mabayaran ko ang aking mga kasalanan ay ayos lang"sagot ko.

Hindi na sila umimik pa. Nagpakain din ako sa kanila at nakipagsaya dahil Ito na ang huling araw na kami ay magsasama-sama.

EMMA POV

NAGISING ako sa aking silid. Sa totoo lang hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Nagtapat siya sa akin. Sa totoo lang muntik nang may mangyari sa Amin ngunit napigilan ko. Gagalaw sana ako nang lalong bumigat ang bisig na nakayakap sa baywang ko.

"Where are you going?"bulong niya.

"Magluluto na ako sa ibaba"sagot ko

"Hayaan mo na iyon sa mga kasambahay Emma"sagot niya at muli akong niyakap.

"Siya nga pala may malay na si Avenir"sambit niya.

"Sinong nagsabi sayo?"tanong ko.

"Si Amanda. Iyon yung itinext niya sa akin nung batuhin mo ako ng libro sa ulo"sagot niya.

Iyon Naman pala

YASSER POV

"HON galit ka parin ba?"mapang-akit na tanong niya

"Ano ba sa palagay mo?"inis na sagot ko.

"May Magandang balita ako sayo"sambit niya

"I don't f*cking care Janina!"galit na sagot ko

"Sabi ni Doc malakas ang kapit ni baby at healthy Naman ako Kaya pwwede na daw ang favourite mong gawin natin"nakangiting Turan niya.

"Okay be ready!"ani ko at itinulak siya sa kama.

"Yasser sandali!!"aniya at tumayo.

"Pinapayagan na ako ng doctor na mag jogging ulit. Diba gustong gusto mo din iyon? Tara!"aniya at hinila ako.

Sumunod ako sa kanya ng nag-iinit ang ulo.

JANINA POV

KANINA pa kami magkasama pero wala parin siyang kibo. Siguro ay dahil nadismaya siya kanina. Bigla ko siyang hinalikan sa tabi ng kanyang labi.

"Galit ka pa ba?"tanong ko.

"Hindi na"sagot niya.

"Sana naman maging okay na si Avenir ano? Para naman maging mas mabilis ang usad ng pagsampa ng kaso kay Jerome. Mukha kasing nag-aalanganin ang Korte na tanggapin ang salaysay ng ating anak dahil sa masyado pa itong bata at nattrauma parin Siya"ani ko.

"Sana nga. At sana malampasan na ni Clyde ang trauma dahil sa sinapit nila sa kamay ni Jerome"sagot niya.

EMMA POV

NAGBEBREAKFAST kami ngayon nang biglang tumunog ang phone ni Brandon  at sinagot niya Ito.

"Hah? Sigurado ka ba?"tanong niya sa kausap.

"Kailan ang balik mo dito?"tanong niya.

"Ohh sige sige!"sagot ni Brandon.

"Sino iyon?"tanong ko

"Si Waldo. Babalik na daw dito at susuko. Sa lunes na daw ang balik niya"sagot niya.

"Mabuti at mukhang nakapag-isip ng tama iyang kapatid mo?"ani ko.

"Oo nga ehh. Sana naman maging maayos na din ang lahat"aniya.

JEROME POV

NARIRITO ako ngayon sa labas ng bahay na tinutuluyan ni Emma. Hindi siya mawala sa aking isip. MALAS mo nga lang Brandon. Mali Ka ng binangga. Kukunin ko kung ano ang akin kahit makapat*y pa ako.

Mafia lord anakan mo akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon