KARINA POV
MAAGA akong gumising upang tulungan ang mga kasambahay sa paghahanda ng almusal. Masinop naman ako. Kahit may kaya ang aking mga magulang, hindi ako naging spoiled. May alam ako sa mga gawaing bahay. Inabutan ko ang mga kasambahay na abala.
"Ako na po ang bahala sa niluluto mong ulam manang! "Ani ko ng makita si Manang Miranda na nagluluto
"Sigurado ka ba iha?"nakangiting Turan niya.
"Oo Naman po"ani ko.
"Alam mo ba hindi mo lamang kamukha si Prinsesa Janina! Pareho din kayong mabait, magalang at matulungin"nakangiting ani niya.
"Janina? Parang narinig ko na ang pangalan niya. Sino po ba siya"tanong ko
"Hindi mo siya kilala? Marami ang nakakakilala sa kanya! Siya ang anak ng Hari at Reyna ng Niccodorre! Kaisa-isang tagapagmana ng trono at asawa ni Yasser! Ina ni Clyde"ani ni Manang .
Janina?? Hari? Reyna? Niccodorre? Parang narinig ko na lahat ng iyon.
"Ibig sabihin ang ina ni Clyde ay Prinsesa sa ibang bansa o kaharian?"tanong ko.
"Oo"sagot niya
"Nasaan na po siya?"tanong ko.
"Pinaslang siya. Mga armadong lalaki na palagay namin ay miyembro ng Falcon ang dumukot at pumaslang sa kanila"ani nito.
"Ano ang Falcon na iyon manang?"tanong ko
Magsasalita sana siya nang biglang may sumingit.
"Karina! Ipagtimpla mo akong kape!" Maawtoridad na utos ni Yasser at ibinaling ang pansin sa hawak niyang dyaryo.
"Ako na iha"ani ni Manang
"Si Karina ang aking inuutusan manang huwag kang pumapel!"inis na sambit ni Yasser.
Bastos to ahh.
"Ahh okay Lang po ako manang. Ako na pakigising nalang po Clyde"ani ko at kaagad namang sumunod si Manang.
Habang nagtitimpla ng kape ay may naisip ako... Tingnan ko lamang ang yabang mo Yasser! Matapos magtimpla ay kaagad kong iniabot sa kanya ang kape. Kaagad niya itong hinigop ngunit naibuga niya ito at galit na bumaling sa akin.
"BAKIT NAPAKAALAT NG KAPE KARINA?? PINAGLALARUAN MO BA AKO??"nanggagalaiting sigaw niya.
"Hah? Maalar ba? Naku patawad sa halip na asukal ang napalagay ay asin ata!"sambit ko habang nagpipigil ng tawa.
"KARINAAAAAAAA"
--
KARINA POV
AT ayon nga nauwi iyon sa pagtatalo hanggang sa bumaba ng hagdan si Clyde dahilan para matigil kami.
"Good morning Mom! Good morning dad! Nag-aaway po ba kayo?'tanong niya.
"Hindi naman baby. Naglalambingan kami ng daddy mo. Tamang tama luto na ang ulam halika at kumain na tayo!"ani ko.
"Mommy alam mo po ba binigyan ako ni Ma'am ng five star kahapon"nakangiting pagmamalaki ni Clyde sa akin.
"Napakagaling naman ng anak ko. Mana sa akin!"nakangiting turan ko.
"Paano nagmana sayo gayong history pa lamang lagapak ka na?"ani ng isang ep*l dito sa tabi tabi.
"Matataas din po ba ang grades mo mommy? Kagaya ng sa akin?"nakangiting ani niya.
"Oo naman. Matalino kaya ako"sagot ko.
"Matalino pero kapag tinanong kung sino ang ama ni Maria Clara ang alam niya si Andres Bonifacio"bulong isa dito..
"B*nubw*sit mo ba ako Yasser?"inis na tanong ko.
"Naiinis Ka?"nakangising sambit nito.
"Mom, dad can you please stop fighting"ani ni Clyde.
"Okay baby sorry"ani ko.
Matapos nito, naligo na ako nagbihis. Pagbaba ko, inabutan ko na silang nakauniform..
"Ang bagal mo! Mga babae talaga oh!. Tayo na?"inis na ani ni Yasser.
Una muna naming inihatid si Clyde sa school niya bago dumeretso sa university. Malagkit ang tingin ng mga lalaking estudyante sa akin. Malamang seksing sexy Kaya ang sa fitted na blouse at mini skirt ko.
"Kung bakit ba kasi nagpagawa ka ng fitted na blouse at sobrang iksing skirt!"inis na sambit ni Yasser
"Pakialam mo ba?"sagot ko.
Dito kasi sa university, kahit na anong style ng uniform pwede basta ang blouse ay plain na white at sky blue ang skirt.
"Kapag ako hindi nakapagtimpi dudukutin ko ang mga matang nakatingin sayo!"galit na sambit nito at pumasok sa office.
Problema nito?
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
RomanceSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...