BRANDON POV
TUMAWAG si Janina kay Emma at inihatid sa amin ang masamang balita. Nawawala si Clyde. Kaagad kaming umalis at nagtungo sa palasyo.
"Sigurado ka ba na handa ka nang humarap kay Yasser?"tanong ni Emma habang Kami ay naririto sa garden ng palasyo.
"Handa na ako"sagot ko.
"Emma, kuya andito na pala kayo"ani ni Janina
Nakita ko si Yasser na nakatingin sa akin.
"Kuya"sambit niya.
"Yasser patawarin mo ako. Akala ko kasi talaga ikaw ang nagpakalat ng balita na drug lord ako"ani ko.
Nalaman ko na kasi na gawa-gawa lang pala ito ni Jerome. Pinag-away away niya kaming magkakapatid. Walang anu-ano ay bigla niya akong niyakap.
"Patawarin mo din ako kuya nasaktan kita"aniya at umiyak.
"Ayos lang iyon. Kalimutan mo na iyon. Tsaka isa pa diba Sabi ko sayo nagagalit ako pag nakikita kong umiiyak ka??"ani ko.
"Ang anak ko kuya dinukot siya"umiiyak paring sambit niya.
"Inireport na ba Ito sa mga pulis? Anong Sabi?"tanong ko
"Naireport na namin. Kanina, naghanap sila sa bahay ni Jerome pero wala na silang inabutang Tao"aniya pa.
"Hindi na namin alam ang aming gagawin. Para na akong mababaliw kakaisip"naiiyak pang sabi ni Janina.
"Huwag kayong mag-alala. Tutulong kami!"ani ni Emma.
"Salamat sa inyo"sambit ni Janina.
AVENIR POV
KINALADKAD nila kami papasok sa lumang mansyon at nung naipasok na nila kami ay itinulak nila kami. Si Clyde! Nagkasugat siya sa noo!
"ANG BAD NINYO!! WOAAAHHHH"Sigaw niya habang umiiyak!
"Oo talagang masama Kami! Gusto mong makita kung gaano ako kasama?? Conor! Hagupitin ang iyaking Ito ng limang ulit!"utos ni Jerome.
"HUWAG!! BATA ITO JEROME!! WALA SIYANG KALABAN-LABAN SA INYO!! KUNG GUSTO MO AKO NALANG ANG SAKTAN NINYO!!"Sigaw ko dahil sa sobrang awa ko sa bata kaya ko ito nagawa.
"Sige kung iyan ang iyong gusto pero doble ang ipapataw na hagupit sayo! Latig*hin siya ng sampung beses!"utos niya sa kanyang tauhan.
Sampung beses nila akong hinagupit. Napakasakit ng bawat pagtama ng latigo sa akin habang ang batang si Clyde ay walang ibang magawa kundi ang umiyak sa isang tabi at paulit-ulit na binabanggit ang aking pangalan. Matapos non ay kinaladkad nila kami at dinala sa isang silid. Iginapos nila kami at binusalan. Talaga nga yatang wala nang pag-asa.
HINDI ako pwedeng magsawalang bahala na lamang lalo na at narinig ko sa usapan nila mula sa labas ng silid ng silid na Ito na bukas ay pap*tayin na kami. Kailangan kong makagawa ng paraan! Ang pagkakatali sa aking kamay ay inilagay nila sa unahan. Kinuha ko ang kamay ni Clyde at inalis ang pagkakatali sa kamay niya. Inalis ko din ang busal sa bibig niya at sinenyasan ko na huwag siyang mag-iingay inalis niya ang busal ko sa bibig. Sinenyasan ko din siya na alisin ang pagkakatali sa akin pero nahirapan ang bata. Naalala ko na may lighter nga pala sa aking bulsa
"Clyde kunin mo yung lighter sa bulsa ko dali!"bulong ko sa bata at kinuha nga niya.
"Sindihan mo"ani ko na agad Naman niyang ginawa.
Itinapat ko sa apoy ang tali at maya-maya pa ay nasunog na Ito kaya madali naming naalis ang Tali. Nakalagan ko din ang mga paa namin.
"Clyde huwag kang maingay hah?"bulong ko.
"Opo"sagot niya.
Nangnakarinig Kami ng mga yabag ay nagtago kami sa likod ng pinto at nakakuha din ako doon ng bakal nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isa sa mga tauhan ni Jerome. Sisgaw sana siya nang bigla ko siyang pukpukin ng tubo sa ulo dahilan para mawalan siya ng malay. Lumabas kami ng silid at Hindi namin malaman kung saan Kami pupunta dahil ngayon Lang Naman ako nakarating dito. Nais kong bumaba sa hagdan pero hindi ko magawa dahil tiyak na mahuhuli lang kami. Naisipan kong maglakad-lakad nalang muna at makiramdam sa paligid. Mabuti na lamang at marunong makinig ang batang Ito sa mga sinasabi ko. Habang naglalakad ay nakarinig kami ng Sigaw.
"NAKATAKAS ANG MGA BIHAG!! HANAPIN SILA MGA IN*TIL!!"Sigaw ni Jerome iyon ahh.
Parang nagkikipagkarera ang tibok ng aking puso ngayon sa sobrang bilis. Dederetso pa sana kami nang lakad nang mapansin namin na pader na pala ang nasa harap ko.
Tumingin ako sa labas at may nakita akong track na puno ng basura Sa ibaba. Kaagad kong kinarga ang bata.
"Clyde pumikit ka at isubsob mo iyang mukha mo sa balikat ko! Yumakap Ka din ng mahigpit sa akin!"ani ko at sumunod Naman siya.
"Natatakot po ako tita Avenir"naiiyak na Sabi niya habang nasaub-ob ang mukha sa balikat ko
"Huwag kang matakot isipin mo nalang makakaligtas Tayo"sagot ko.
"ANDITO sila!"Sigaw ng isa.
Lalapit na sana siya nang bigla akong tumalon. Bumagsak kami sa mga basura. Sobrang sakit ng aking katawan pero hindi ko Ito pwedeng pakiramdaman sa ngayon. Hindi naman masyadong nasaktan si Clyde dahil nakadapa siya sa ibabaw ko nung bumagsak kami.
"NAKATALON!! HABULIN NATIN!!"Sigaw ng isa pa. Marahil ay sa hagdan sila dadaan!!
Dali-dali akong bumaba sa track habang kalong si Clyde na nag-uumiyak na.
Nakalapit kami sa may gate at nakaawang Ito kaya patakbo kaming lumabas. Hinabol nila kami hanggang sa labas at sumisogaw na Rin kami ng "TULONG" nang may isang kotse ang huminto. Ngunit hindi ko pa man nakikita ang sakay nito ay nakarinig ako ng isang putok ng baril at kasabay non ay naramdaman ko din na may tumama sa likod ko dahilan para bumulagta ako.
"TITA AVENIR!!"Sigaw ni Clyde habang umiiyak.
"AVENIR?? Diyos ko Brandon!! Ito na sila! At si Avenir! May Tama siya ng baril!!"ani ni..
"Emma.. patawarin mo ako"ani ko habang nanghihina.
"Pinapatawad na kita"naluluhang tugon niya.
Matapos noon ay hindi ko na alam ang nangyari dahil nawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
RomantizmSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...