CHAPTER 66

1.6K 45 0
                                    

CHAPTER 66

JANINA POV

ISINASAAYOS na namin ang lahat ngayon. Nagtutulungan kaming lahat ngayon. Habang nagluluto ay naramdaman kong may yumakap mula sa likod ko.

"Mukhang enjoy na enjoy ka sa pagluluto buntis?'tanong ni Yasser.

"Oo naman. Hobby ko kaya ito"sagot ko.

"Siya nga pala.may inisip ka na ba na ipapangalan sa ating bunso?"tanong niya.

"Kapag babae balak ko sana siyang pangalanan ng Karina. Kapag lalaki naman ikaw na ang bahalang mag-isip"ani ko.

"Okay Lang kaya kung gawin ko siyang junior?"tanong niya.

"Ok naman"sagot ko.

At nung naayos na ang lahat ay naligo na ako nag-ayos. Ang mga nagtatrabaho sa palasyo ay aming pinatigil sa kanilang Gawain upang makisaya sa amin. Maya-maya pa ay dumating na sina Waldo, Brandon at Emma. Biglang nagpaalam si Mira na hahanapin lamang si Maja. Halata na naiilang siya kay Waldo.

MIRA POV

NAKITA ko siya nung pumasok sila. Malagkit ang titig niya sa akin Kaya nailang ako at nagpaalam na hahanapin si Maja. Pero ang totoo ay dumeretso ako sa kwarto namin. Kung bakit ba Kasi kailangan pa niyang bumalik gayong tahimik na ang buhay ko??

WALDO POV
.
HALATA kay Mira na nailang siya at nagtanim ng sama ng loob sa akin. Hindi ko siya masisisi. Kasalanan ko naman talaga. Hindi pa nagsisimula ang oras ng kainan kaya lumabas muna ako sandali at naglakad-lakad. Hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa playground. Nakita Kong naglalaro ang mga bata kabilang na sina Clyde at Maja.

"Hi Tito Waldo!"bati ni Clyde sa akin at nanakbo palapit kasama ang Iba pang mga bata.

"Hi my little Prince!"ang pagbati ko.

"Hi Maja!"ang pagbati ko sa kanya

"Hi Tito Waldo"aniya at niyakap ako.

Bumalik sila sa paglalaro. Natutuwa akong pagmasdan silang lahat lalo na yung dalawa. Si Clyde ay mapang-asar habang si Maja naman ay Jolly.

"Ohh andito ka pala"biglang sambit ni Janina.

"Hinahanap ka Kasi ni Yasser"saad pa niya.

"Ahhm Janina may itatanong lamang ako"ani ko.

"Ano iyon?"tanong niya.

"Tungkol kay Maja. Kilala mo ba ang mga magulang niya?"tanong ko

"Hindi ehh basta ang Sabi lang niya naiwan sa pangangalaga niya ang bata nung namatay ang mga magulang nito"aniya pa

"Ilang taon na siya?"tanong ko pa.

"Four"sagot niya.

Kung nabubuhay lamang ang anak namin ni Mira ay kasing edad na niya siya.

MIRA POV

LUMABAS ako at hinanap si Maja nung nag-umpisa na ang kasiyahan. Hinanap ko siya sa playground ngunit wala siya. Pero nakita ko ang batang si Clyde.

"Nakita mo ba si Maja?"tanong ko sa kanya.

"Nasa loob po sumabay siya kina Tito Waldo at Mommy sa pagpasok sa loob"sagot ng bata.

Kaya dali-dali akong pumasok at nakita ko siyang nakakandong kay Waldo habang kumakain ng marshmallows. Masaya siya. Nakita ko pang sinubuan siya ni Waldo.

"Maja"mahinahong tawag ko sa kanya.

Dali-dali siyang lumapit sa akin at mukhang nakakaramdam siya ng takot.

"Torry po tita. Hinti ko po tinunod ang tinabi ninyo"nakayukong sambit niya.

"Okay lang. Tara doon tayo malapit kina Clyde?"ani ko.

"Okay po"sagot niya.

Bago kami umupo ay kumuha muna Kami ng marshmallows at pagkain. May mga alak din na inihanda. Napapansin ko siya na tingin ng tingin sa amin ni Maja. Napapansin ko din ang Hari na napatingin kanina pero binalewala ko nalang. Hanggang sa nagsimula na din ang inuman. Bukod ang Babae at lalaki. Inihatid ko muna si Maja sa kwarto namin at pinatulog bago ako muling bumaba at nakipag inuman sa kanila. Si Janina ay hindi uminom. Bawal kasi sa kanya. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng pag-ihi kaya nagpaalam muna ako na magccr.

Nagcr na ako agad at naghugas ng kamay pagkatapos. Paglabas ng cr ay biglang tumunog ang cellphone ko. Sumandal muna ako sandali dahil nakaramdam ako ng konting pagkahilo. Si Flora nagtanong Kung pabalik na ako sa inuman. Ibang klase din ang isang Ito... Naririto lang ako sa palasyo nagtext pa. Inilagay ko na agad ang cp ko sa aking bulsa ngunit nabigla ako nung iangat ko ang mukha ko. Nakita ko ang mukha niya na namumula. Mukhang may Tama na ata.

Dadaan Sana ako sa kanang tabi niya nang iharang niya ang kanyang braso. Dadaan Sana ako sa kaliwa ngunit hinarangan ulit niya ng isa pa niyang braso. Nacorner na niya ako.

"Ano ba ang kailangan mo hah Waldo?"inis na tanong ko.

"Ikaw"sagot niya.

"Kung ako sayo umuwi Ka nalang. May Tama kana! Alis!"galit na Turan ko.

"Sabi ni Janina dito na kami matulog binigyan nga Kami ng kanya-kanyang kwarto"sagot niya.

"At nasaan ang pakialam ko?"inis na tanong ko.

"Gusto Kong makausap ka Mira"aniya.

"Nag-uusap na Tayo ahh"inis pang tugon ko.

Bigla niya akong hinila at wala na akong nagawa. Dinala niya ako sa isang silid.

"Akin ka Mira. Sa ayaw at sa gusto mo akin Ka Lang. And this night, we will talk with our body!"Turan niya....

Mafia lord anakan mo akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon