CHAPTER 2: Making my dreams come true

37 5 0
                                    

Days gone fast. I am here now in Paris to study Fashion designing at para na din pansamantalang makalimot sa masasakit na nangyari. Habang naiwan naman si ate sa Pilipinas.


Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng wala siya pero kailangan para matupad ang mga pangarap namin ni ate at para maging karapat dapat ako sa kanya.


Hay Nakakapagod! Kakauwi ko lang dito sa maliit kong apartment galing sa school. Tawagan ko nga muna si ate.


"Hello, ate kamusta?"

Namimiss ko na talaga si ate, siya na lang kasi ang kasama ko sa buhay. Bata pa kasi ako noong mawala sila Mama at Papa dahil sa aksidente. At nagayong magkalayo kami ni ate nahihirapan talaga akong mag-adjust.


[" Okey lang ako, ikaw? Kumusta ba ang first day?"] sagot ni ate mula sa kabilang linya.


"Hmm..medyo nakakapagod at nakakanosebleed"

Sagot ko at sabay pa kaming natawa. Marami pa kaming napag kwentuhan ni ate kinailangan na lang niyang magpaalam dahil tapos na ang lunch break niya. Tanghali pa lang pala don samantalang dito naman ay pagabi na.


Naalala ko tuloy, ano na kayang oras sa Amerika? Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Sobrang miss na talaga kita Kian Enzo Lee. Sana mapatawad niya pa ako sa ginawa ko. Sana balang araw masabi ko sa kanya lahat. Sana may chance pa. Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa kanya.


Nagising ako sa ring tone ng cellphone ko. Agad ko naman kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at sinagot ang kung sino mang caller na nag istorbo sa tulog ko.


"Hm..hello?"-

["Hey Jamie!! Where are you?"]

Ano ba yan kaylangan talagang sumigaw? May crack na siguro yong ear drums ko.


" Oh, chloe. I'm still in bed.why?"-

["What?! Are you serious? We have class today."]


Automatic na napamulat ang mga mata ko pagkarinig ko sa sinabi niya mula sa kabilang linya.


"Huh? Quelle heure est-il?" I asked when Im finally get up from my bed.


["Il-est le 9 heure."]


Namilog ang mga mata ko at mabilis na bumaba ng kama ko.


"What?! Okey, au revoir!"


Ibinagsak ko na lang sa kama ang C.P. ko at agad na tinungo ang C.R. para maligo. 9:30am ang klase namin kaya halos 5mins. ko lang tinapos ang paliligo ko. Meron na lang akong 20mins. bago mag 9:30, patay na talaga siguradong late na ako nito. Mabilis akong pumara ng taxi papuntang school.

I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon