"Oh, besprend. Kumusta ang lakad mo?"
Salubong sa akin ni Erin pagkapasok ko sa shop. Dito ako dumeretso para sana makapag-isa pero hindi din pala mangyayari dahil sa pinakamakulit kong best friend.
"Erin. Kelan ka pa dumating?"
"Ah..kanina lang. Dumeretso na 'ko dito. So, ano ngang nangyari sa lakad mo? Pumayag ba yong hotel?"
Hay..si Kenzo ba talaga yong nakausap ko? Bakit ganon siya magsalita? Parang may ibig sabihin yong mga binibitawan niyang mga salita kanina. He's really turned into someone and it's really hurts to see him changed. Lalo na kung ako ang dahilan. Hay....
"Yoohooo! Calling the attention of Ms. Jamie Torres."
Nakalimutan ko, nandito nga pala si Erin.
"Wag ka ngang sumigaw. Ano nga ulit yong sinasabi mo?"
I asked, but she ignored. Inilapit niya ang mukha niya sa akin habang titig na titig siya sa mukha ko.
"Bakit ba?" Tanong ko sa kanya habang pilit na iniiwas ang mukha ko sa kanya.
"May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" Tanong niya ulit.
I took a deep sigh before I start telling her about what happened earlier.
"Hmm..hindi pa siya nakakapag decide e."
"Huh? Bakit? May conflict ba? Sa schedule? Ano bang pinag-usapan niyo? Baka naman kasi tinarayan mo?"
I just gave her a weak smile.
"Besprend, ano ba talagang nangyari?"
Kahit kelan hindi talaga ako makapagtago ng sekreto ko sa babaeng 'to. Mangungulit lang siya pag hindi ako nag-open.
"Si..Kenzo ang President ng Royal Hotel. Siya ang nakausap ko."
"WHAT!?! So..ano ngang nangyari? Gusto mo bang pag-usapan natin?"
"Wag na muna Erin, sa ngayon gusto ko muna sanang mapag-isa."
"Oh sige, pero kung kailangan mo ako tawagan mo lang ako huh."
Tumango lang ako bilang sagot. Pagkatapos non ay umalis na siya ng shop. Sinubukan kong gumawa ng ibang designs pero kahit anong gawin ko hindi ako makapag-focus. Naaalala ko pa rin siya, kaya naisipan kong puntahan na lang ulit si Matthew. May dapat pa nga pala siyang ipaliwanag sa akin.
Tinawagan ko muna siya bago ako pumunta sa bar niya, baka kasi wala siya don.
"Hello Matt, nasa bar ka ba?"
["Yes, why?"]
"Hintayin mo ko diyan. I'm on my way."
Pagkatapos non binaba ko na ang CP. Hindi ko na hinintay ang sagot niya.
--
Pagkapasok ko ng bar sinalubong ako ng isang waiter at hinatid sa VIP room. Nandon na si Matthew kasama niya si Adrian na umiinom ng alak.
Agad naman silang tumayo nang makita ako.
"Jamie." Bati ni Adrian, saka lumapit at niyakap ako.
"Hi Adrian." Sagot ko sa kanya pagkabitaw niya sa akin.
Pagkatapos non ay si Matthew naman ang lumapit sa akin at akmang yayakap din pero pinigilan ko siya bago pa siya makayakap.
BINABASA MO ANG
I Still Love You
RomanceThe moment i first saw you, i knew it was you that i want to spend my life with, the moment that i told you I Love You and you said you love me too, that was the happiest day of my life. and the moment you left, i felt like i was broken. You took aw...
