Chapter 31: TORN

30 2 0
                                    



We're on our way back to our shop when my cellphone suddenly rings.




"Harry?" Automatic naman na napalingon sa akin si Erin.


["Hi Jamie! How are you?"] said Harry from the other line.


"Uhm..okay lang naman. Ikaw?" I replied.


["Okay na din. Cause your okay,"]


"Ganon?"


["Yeah. Where are you?"]


"Andito. Sa kotse ni Erin papunta pa lang ng shop. Why?"

["Wala naman. Are you busy?"]


"Hindi naman. Bakit?"


["Uhm..I want to invite you sana for dinner later, if it's okay with you"]

"Ahh..s-sige."




Pagkatapos naming na mag-usap tiningnan naman ako ng makahulugan ni Erin. "Mamaya na ako magkukwento. Magdrive ka muna ng maayos diyan."


Umayos naman siya agad at nagmaneho na lang hanggang sa makarating na kami ng shop. Binate agad kami ni Donna.






Pagkaupo na pagkaupo ko sa upuan ko niratrat agad ako ng tanong ni Erin tungkol sa napag-usapan namin ni Erin.


"Game na besprend, kwento na dali! Anong sabi ni Harry? Magkikita daw ba kayo mamaya? Pupunta daw ba siya dito o ikaw ang pupunta sa kanya?"


"Niyaya niya akong magdinner mamaya." Maikling sagot ko sa kanya.


"Oh-my-God! So what did you say? Did you say yes?" kinikilig na tanong niya sa akin.


"Oo." Sagot ko. Bigla na lang siyang nagtitili kaya nagmamadaling pumasok ng opisina si Donna.


"Nasan ang sunog?" tarantang tanong ni Donna.


"Gagi! Anong sunog ka diyan? Adik ka kasi sa kape masyado." Biro ni Erin. Napapakamot naman sa ulo na lumabas na ulit ng opisina si Donna. Natawa na lang kami ni Erin sa kanya.


"Mabalik tayo kay Harry, besprend. So, may date kayo mamaya? Mabuti naman pinaunlakan mo ang invitation ni Harry sayo. Kesa naman nakasubsob ka lagi sa trabaho." She said seriously.

I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon