Kanina ko pa tinatawagan si Erin pero hindi parin siya sumasagot. Siguro masama pa rin ang loob niya sa akin dahil sa nangyari kahapon. Ngayon pa naman sana kami maglilinis don sa shop na rerentahan namin.
Kahit hindi ko nakontak si Erin napagpasiyahan kong tumuloy parin at maglinis ng mag-isa.
Naligo na ako at nagbihis ng simpleng gray t-shirt na pinartneran ko ng pantalon at sneaker.
Pagkatapos kong kumain ng umagahan nagpaalam na ako kay ate. Nag-jeep na lang ako papunta sa shop, hindi naman kasi ako nagmamadali.
Mabilis din naman akong nakarating sa shop. Pagkapasok ko napabuntong hininga na lang ako sa dami ng lilinisin ko, tapos wala pa naman akong katulong. Nanghiram muna ako ng mga gamit panglinis sa may ari ng uupahan naming shop, nalimutan ko kasi bumili.
Pabalik na sana ako ulit sa shop ng biglang may biglang kumalabog sa loob ng shop. Nagmamadali akong pumasok sa loob at hinanap ang pinanggalingan ng ingay.
Ano kaya yon? Hindi kaya magnanakaw? Eh ano namang nanakawin niya sa loob? Basura? Sa bagay may pera nga pala sa basura sabi nila.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa may C.R. Papasok na sana ako ng biglang lumabas mula doon si Erin nanagulat din sa akin.
"Waaaahh!!!" Sabay naming sigaw.
Sabay di kaming huminto sa pagsigaw at tumingin sa isa't-isa.
"Erin/Jamie!" Sabay ulit naming sigaw.
Lalapit sana ako sa kanya pero umiwas siya. Nilagpasan niya ako at nagderetso sa may glass wall at nagsimula ng magpunas.
"Huy. Sorry na."
Pero hindi parin niya ako pinapansin at nagderetso lang sa pagpupunas na parang walang naririnig. Nilapitan ko naman siya.
"Huy, wag ka ng magalit. Ayan oh. Pumapangit ka na."
Humarap siya sa akin ng nakasimangot.
"Excuse me! Kahit pa umiiyak ako maganda parin ako no!"
Tumalikod na ulit siya sa akin at nagpatuloy na sa pagpupunas. Niyakap ko siya mula sa likuran.
"Bati na tayo?"
"Oo na! wag muna akong hawakan ang dumi-dumi ng kamay mo e." Maarte niyang sabi habang nakatalikod parin.
Sabi ko na nga ba hindi niya sko matitiis e. Bumitaw na ako sa kanya at nagsimula na rin maglinis.
"Hay..nakakapagod. Grabe!" reklamo ni Erin pagkatapos namin maglinis.
Gabi na kami nakatapos maglinis pero hindi parin naming naumpisahan man lang ang pagpipintura pati ang paglalagay ng decorations.
"Let's go?" yaya ko sa kanya.
"Okey." Sagot niya. Halata sa boses niya ang pagod.
__
"Pambihira, besprend! Anong oras na oh."
Yan ang bungad ni Erin sa akin, dahil late na ako nagising. Paano ba naman, nakakapagod naman kasi ang ginawa naming kahapon.
"Sorry naman, ang sakit kaya ng katawan ko." Reklamo ko sa kanya.
"Nahiya naman ako sayo, parang ikaw lang ang napagod kahapon ah."
"Kaya nga nagtataka ako e, bakit parang hindi ka naman napagod sa ginawa natin kahapon?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Anong iniinom mo—"
"Hoy! Tigilan mo ko Jamie ha! Hindi ako adik no!"
Sagot niya sabay walk out. Habang naiwan naman akong nakangiti lang. Pikon talaga.
Pagdating ko sa loob ng shop agad ko siyang nilapitan.
"Uy, Erin..sorry na, wag mo sabihing naasar ka na agad don sa sinabi ko?"
Tumingin muna siya sa akin at ngumiti ng matamis bago ulit ako tinalikuran.
"Hay naku, sige na nga para bati na ulit tayo ako na lang gagawa ng lahat ng hindi pa natin nagagawa."
Dadamputin ko na sana ang roller at mag-uumpisa ng magpintura nang magsalita siya.
"Anong gagawin mo?"
"Magpipintura."
"Wala ka ng pipinturahan, natapos na ni manong Alfred kanina pa."
Si manong Alfred ang driver nila Erin.
"Talaga?" Hay, salamat. Nabawasan din ang gawain.
"Yep! Decorations na lang."
"Let's start!" yaya ko sa kanya.
Sinimulan na naming ang paglalagay ng dekorasyon sa shop. Kaylangan kasi naming matapos ito ngayon, opening na bukas.
Pinakahuli naming ginawa ang pagpapakabit ng pangalan ng shop. Si manong Alfred din ang nagkabit.
"Hay...sa wakas! Tapos na." Sabi ni Erin sabay dipa ng dalawang kamay.
"Ahm..besprend."
"Hmm?"
"Tungkol don sa nangyari kagabi, pasensya ka na. Sana maintindihan mo kung bakit ko nasabi sa'yo yong mga sinabi ko kagabi. Ayoko lang naman na nakikita kang ganon."
"Alam ko naman yon. Sorry din huh."
"Sino ba naman kasing mag-aakala na magkakaganito kayo, e mala forevermore lang ang peg niyo ngayon teh." Biro niya.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Oo nga e. Kahit sa panaginip hindi ko nakita na mangyayari 'to sa amin ni Kenzo."
Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy ulit.
"Pag kasi kasama ko siya nakakalimutan ko ang agwat ng estado namin sa buhay. Hindi na namin pinapansin yong sinasabi ng mga tao sa paligid namin. Basta masaya kami sa piling ng isa't isa..Hanggang sa..hanggang sa kinailangan ko nang mamili at lumayo."
Nag-uunahan nang pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Pero nagpatuloy parin ako habang pinapakalma naman ako ni Erin.
"Pinili kong lumayo, kahit masakit..mahal ko siya, pero..kapag hindi ako lumayo itatakwil siya ng parents niya. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang offer ng Dad niya."
Nagpatuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.
"Sshh..Tahan na." pag-aalo ni Erin sa akin.
"Erin..Makasarili ba ako? Masama ba ang ginawa ko? Mali ba na pinili kong maging maayos ang buhay niya? I just want him to be happy, but look what happen..Erin, sinasabi niya lang na okey siya, pero alam ko..alam kong nasasaktan din siya."
"Besprend hindi ka masama, you just made a choice. At saka kahit naman alin don ang piliin mo masasaktan parin siya. Pinili mo lang yong alam mong makakabuti sa kanya. And, I think you made the right decision kasi, look pareho na kayo ngayong successful. Kung malalaman niya lang ang lahat ng nangyari I'm sure mapapatawad ka niya. Minsan mas okey na yong mapatawad ka na lang niya kahit hindi na maging kayo basta magkaroon lang ng kapanatagan ang loob niyo pareho diba?"
Ginabi na naman kami kaya nag-offer ulit si Erin na ihahatid na lang nila ako sa bahay. Hindi na rin naman ako tumanggi, wala na kasi akong lakas para magsalita pa at saka gusto ko na ring makauwi agad para makapagpahinga na ako. Opening na bukas kailangan kong ihanda ang sarili ko, hindi pwedeng ganito ako pag humarap sa mga kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
I Still Love You
Roman d'amourThe moment i first saw you, i knew it was you that i want to spend my life with, the moment that i told you I Love You and you said you love me too, that was the happiest day of my life. and the moment you left, i felt like i was broken. You took aw...
