Chapter 17: Plan101

17 0 0
                                    

"Good morning!" masayang bati ni Erin sa akin pagpasok niya sa shop. Nauna akong dumating sa kanya.

"Mukhang masaya ka ah." Puna ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at naupo na sa table niya, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo na siya. Pero nag-start na siyang magtrabaho kaya pinagpatuloy ko na din ang ginagawa ko.

"Ah..besprend, what if magpa-fashion show tayo?"

Napahinto naman ako sa ginagawa ko at nag-angat ng tingin sa kinauupuan niya.

"Parang maganda nga yang naisip mo. Kaya lang..wala pa tayong budget para diyan." Sagot ko sa kanya at saka ulit nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Pero kailangan natin ng exposure. Kailangan malaman ng madla ang tungkol sa shop natin. Diba?"

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kanya. Nakabukas ang laptop niya habang titig na titig siya sa monitor nito.

"Tama ka. Pero san tayo kukuha ng pera pambayad sa venue at saka don sa mga model?"

Tumango tango lang siya habang naka focus pa rin sa monitor ng laptop niya.

"Sa totoo lang namimiss ko na nga din mag show, kaya lang alam naman natin na wala pa tayong sapat na budget para makapag produce ng show. Isa pa wala din naman tayong ibang empliyado, mag-isa lang akong gumagawa at tumatahi ng mga designs ko."

Bigla naman siyang nag-angat ng tingin.

"Besprend! Wag ka na mag-alala. Ako na ang bahala sa mga makakatulong mo sa pananahi."

"Oh? Talaga lang huh? Eh diba hindi ka nga marunong manahi?"

"Hay naku, alam ko naman yon. Basta leave it to me."

"O sige. E pano naman yong venue? At yong mga models?"

"Grabe siya. Diba ikaw ang designer sa'tin?"

Tumango lang ako sa kanya.

"Diba nakapag fashion show ka na sa Paris?"

Tumango lang ulit ako bilang sagot.

"E di ikaw maghanap ng model. At maghahanap naman ako ng venue na kakayanin ng budget natin. Magtatanong-tanong ako sa mga batchmate natin, baka may alam sila."

"Ayon, akala ko ba leave it to you? E bakit parang ako din ang gagawa lahat sa huli?"

"Syempre, hindi ko naman yon kakayanin lahat. Saka diba partners in crime tayo?"

Sasagot pa sana ako sa kanya ng biglang may pumasok kaya sabay kaming napalingon sa may pinto ng shop.

"Hi!"

Si Harry pala. Naikwento ko na siya kay Erin pero ngayon pa lang sila magkakakilala on person.

"Besprend, Sino yen? Ang bilis mo nemen makahanap ng mowdel, ang yummy pa." Bulong niya sa akin na may kagat pa sa labi.

Inirapan ko lang siya at ibinaling ulit ang tingin kay Harry.

Hindi ko rin naman masisi si Erin, totoo naman na mukhang anak ng diyos ang nasa harap namin ngayon. Kaya lang wala talaga siyang epekto sa akin. Kahit pa green eyes siya, nakakainggit.

Lumapit si Harry sa table ko at saka nag-beso. Nakikita ko pa ang pagkabigla sa mukha ni Erin nang magbeso kami kaya inunahan ko na siya.

"Ahm..Harry, this is Erin Gabrielle Solis. My bestfriend since grade school. And Erin he is-"

Hindi na niya ako pinatapos, lumapit na siya kay Harry at sinunggaban ang dalawang kamay nito.

"Harry? Oh my God!You're..you're.."

Pareho naman kaming naghihintay ng kung anong sunod niyang sasabihin pero hindi na niya tinuloy ang gusto niyang sabihin at bigla na lang niyakap at nakipagbeso kay Harry.

Nagulat man gumanti na rin siya ng yakap kay Erin.

"Ahm..Harry, why are you here?" Tanong ko sa kanya nang sa wakas ay binitiwan na din siya ng besprend kong baliw.

"I just wanna know if you want to go out and have lunch with me."

"Ah-"

"Sure why not!" Mabilis na sagot ni Erin.

"That's..Great! I'll wait for you in the car."

Wala na akong nagawa kaya ngumiti nalang ako at tumango sa kanya bago siya lumabas ng shop.

"Nakabukas na naman yang kalan mo huh."

Bigla namang napalis ang ngiti niya at inirapan ako.

"Grabe ka naman magsalita, parang hindi mo ko besprend ah. At saka wag mong sabihing hindi ka naapektuhan ng charm ni Harry Potter, ano ka bato?"

"Hay naku bahala ka nga diyan." Sagot ko sa kanya bago ako lumabas ng shop. Nagmamadali naman siyang sumunod sa akin.

"So..affected ka nga?" pangunngulit parin niya.

"Tigilan mo na nga ako, Erin."

Magsasalita pasanasiya ng biglang mag-ring ang CP niya. Sinagot niya muna yon samantalang dumeretso na ako sa kotse ni Harry para don na lang din siya hintayin.

Maya-maya lang ay lumapit nadin siya sa amin ni Harry pagkatapos niya makipag-usap sa telepono.

"Ahm..guys, hindi na ako makakasama sa inyo. Tumawag kasi si Mama, nagpapasama siya sa'kin sa airport. Dumating na daw kasi yong pinsan niya, sunduin lang namin." Paalam niya sa amin.

"Ganon ba? Sige, ikumusta mo na lang ako kay tita." I said before I kissed goodbye to her.

"May isa pa pala. Baka hindi na ako makabalik mamayang after lunch kaya maaga ka na lang magsara huh."

"Okey. Ingat."

"Kayo din."

Umalis na kami agad pagkaalis ni Erin. Huminto siya sa isang hotel and restaurant na pamilyar sa akin. Katulad ng dati pinagbuksan niya ulit ako ng pinto ng kotse at inalalayan na makababa. Magkasabay kaming pumasok sa restaurant.

Pagdating naming sa loob may sumalubong sa amin na waiter at tinanong kung may reservation daw ba kami. Matapos magpakilala ni Harry inihatid na niya kami sa isang table.

Iniikot ko ang paningin ko. Napakalaki ng resto na 'to. Kakaunti din lang ang kumakain dito at mukhang mga class na tao lahat. May isa pa akong napansin, pakiramdam mko kasi nakarating na ako dito.

"Jamie?" untag ni Harry sa akin.

"Huh?" wala naman sa loob na sagot ko sa kanya.

"Are you okey? Is there something wrong?"

"Ah-ano..wala. Mahal na naman dito no?"

Hindi siya sumagot. Tinawanan niya lang ako at saka iniabot ang menu.

"Let's order.I'm hungry."

Habang naghihintay kami ng order, naisip ko nasabihin na din sa kanya ang tungkol sa plano naming ni Erin na fashion show.

"By the way, Harry. Pwede ba akong humingi ng pabor?"

"Sure. Anytime, Jamie."

"We're planning to have a fashion show."

"That's great! So what can I do for you now?"

"I need models. But we don't have enough money for them. I'm just thinking if..pwede mo kong matulungan na maghanap ng models?"

"Ofcourse. I can be your model too."

"Salamat."

"You're always welcome. Let's eat!"

%GWj7


I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon