CHAPTER 8: We Meet Again

20 4 0
                                    

"On y va?" yaya sa'kin ni Chloe.

"Huh?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya na hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala.

"I said let's go, J'ai faim."

"Ahh.."

"Are you ok."

"Yeah. I'll just fix myself. Can you wait for me?"

"Sure. "

Pagkaayos ko sa mga gamit ko at sa sarili ko dinaanan ko na si Chloe sa table niya at niyaya na sa cafeteria para mag lunch.

"Jamie."

"Hey! Jamie!"

"Huh?"

"I think you're not okey. Tell me, is there any problem?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.

Huminga ako ng malalim at saka ngumiti sa kanya at umiling. Nag-umpisa na ulit akong kumain pero nararamdaman kong nakatingin parin siya sa akin.

"Jamie-"

"I'm sorry Chloe. The truth is..I'm thinking if I'll be going home this year." Gulat naman ang expression ni Chloe sa sinabi ko.

"Porqoui?" Tanong niya nang makabawi sa gulat.

"I just think that, maybe this is the right time to go back in the Philippines. I also missed my sister so much."

Tumango naman siya bago nagsalita.

"I understand. I will miss you when you left." Malungkot niyang sabi bago ngumiti ng tipid.

"I know. I will definitely miss you too." Sagot ko sa kanya at saka ko siya niyakap.

Ayoko sanang umalis dahil napamahal na din siya sa akin pero hindi din naman pwedeng hindi ako uuwi sa amin. Nando'n ang pamilya ko pati na ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ko. Kung pwede ko lang isama si Chloe gagawin ko.

Pagkatapos namin mag lunch bumalik na agad kami sa kanya-kanya naming gawain.

After ng trabaho niyaya ako ni Chloe na kumain daw sa labas. Sumama naman ako sa kanya para na rin makabawi sa sinabi kong plano kong pag-uwi sa 'Pinas.

"What are we doing here?" I asked in frustration.

Sabi niya kasi kanina, kakain kami sa labas pero dito niya naman ako dinala sa isang Bar and restaurant. Ngumiti lang siya at hinila na lang ako basta sa loob.

"C'mon. Edward is here too. He's waiting inside." Sabi niya habang papasok kami.

Ano ba naman 'tong si Chloe, gawin daw ba akong chaperone. Pano pa ba akong makakahindi sa kanya e hinila na niya 'ko dito sa loob. Napaka kulit talaga ng babaeng 'to.

Hinanap agad namin kung san nakapwesto si Edward at no'ng makita na niya bigla na naman niya akong hinila.

"Hi baby."

Bati sa kanya ni Edward at saka sila nagkiss. Ngumiti naman si Edward sa akin bago niya kami inalalayang makaupo sa table na nereserve niya para sa amin. Magkakilala na kami ni Edward sa isang fashion show, model kasi siya.

Umorder na kami ng pagkain. Habang naghihintay kami ng inorder namin na pagkain nagulat na lang ako nang may isang lalaking umupo sa tapat ko at katabi ni Edward.

"Harry, you're late again." Bati ni Edward sa lalaking umupo sa tabi niya.

Pero hindi sumagot yong lalaki, nakatingin lang siya sa akin kaya naconcious naman ako at iniiwas ang tingin sa kanya. Pero lumipat siya ng upuan at tumabi sa akin.

"Hey, we meet again." Sabi niya.



Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi nito? E ngayon nga lang kami nagkakilala e. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya, pero hindi ko parin talaga siya maalala.

Pero infairness naman kay kuya, ang gwapo niya! Pero waley parin ang style niya sa'kin noh!

"You know each other?" Tanong ni Chloe.

Sabay kaming napalingon ni Pogi kay Chloe tapos ibinalik niya ulit ang tingin niya sa akin.

"Yeah, You're Jamie. Right?" Nakangiti niyang sagot kay Chloe habang nakatingin sa'kin.

Ako naman nakakunot parin ang noo at pilit kinakalkal sa utak ko kung san ba kami nagkakilala ng lalaking 'to.

"Oh by the way, I'm Harry Legrand."

Nakangiti parin siya habang nakalahad ang kamay sa akin.

Parang may bell naman na tumunog sa utak ko ng maalala ko kung saan ko siya nakita. Siya yong lalaki na nakasabay ko sa taxi. Yong antipatikong lalaki na nang-agaw ng pinara kong taxi after ng fashion show. Agad ko namang tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"I heard you're from Philippines."

Tanong niya. Kami na lang ang naiwan ngayon dito sa table. Nagsasayaw na ang magjowa sa gitna ng bar kasama ng karamihan.

Tumango lang ako sa kanya. Hindi pa kasi ako komportable sa kanya.

"Filipino din si Mama."

Nagulat naman ako ng marinig ko siyang magtagalog.

"Talaga? Marunong ka din palang magtagalog?"

I said with excitement in my voice. What a relief, sa wakas may makakausap na din ako nang hindi nagno-nose bleed.

"Yeah. Lagi akong nagbabakasyon sa lolo at lola ko sa Philippines no'ng bata pa ako." He explained, I just nodded.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa hindi ko na napansin ang oras dahil nahihilo na rin ako. Naparami yata ang inom ko, hindi ko na napansin. Naramdaman ko na lang na parang umikot ang paligid ko at parang bumibigat din ang ulo ko.

Kinaumagahan nagising ako na masakit ang ulo ko na parang may nakadagan na hallow block. Pero ang mas ikinagulat ko hindi ko alam kung nasan ako at kaninong kwarto itong tinulugan ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Sa tingin ko lalaki ang may ari ng room na 'to.

Lalaki??! Agad ko namang sinilip ang sariling katawan ko na nakabalot sa kumot.

Kaninong damit 'to? Ano bang nangyari?

Pilit kong inaalala ang mga huling nangyari kagabi. Ang huli ko lang naaalala magkakasama kami nila Chloe kagabi.

Teka si Chloe? Nasan na kaya yon? Yong gamit ko!!!Mababaliw na yata ako.

Pinilit kong makabangon pero hindi ko kaya dahil medyo nahihilo pa ako. Hindi naman kasi ako sanay na uminom ng alak. Pero kailangan kong makaalis dito. Pababa na sana ako ng kama ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto na kinaroroonan ko.

Pumasok ang isang matangkad na lalaki na agad naman niyang nakilala.

"Oh hi! Good morning." Nakangiti nitong bati saka naupo sa gilid ng kama.

Nanatili akong nakanga-nga pero hindi dahil sa 6 pack niya na nakahayin ngayon sa harap ko.

Ano bang nangyari? Bakit nandito din siya? At higit sa lahat..

"Bakit wala kang damit?!!" Hesterikal kong sabi sabay takip ko sa mukha ko.


I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon