CHAPTER 11: He's Back!

17 3 0
                                    

I'm done packing my things when Mom lounged in my room.

"Mom."

She smiles and sits beside me.

"Take care, ok. Call me when you get there."

Hindi na ako nagpahatid sa airport. Hindi ko na din nakausap si Dad, mas madalas pa kasi siya na nasa mga business trip niya kesa nasa bahay kaya wala akong chance para makausap siya. Pero napag-usapan na naman namin dati ito. Ako na ang paghahawakin niya ng business namin sa Pilipinas sa kondisyon na matatapos ko ang pag-aaral ko.

Gabi na ako nakarating sa Manila, nagderetso na agad ako sa mansion namin. Nadatnan ko doon ang mag-asawa na katiwala namin.

"Sir, good evening po." Sabay na bati sa akin ng mag-asawa.

"Good evening din po."

"Sir, tulungan na po namin kayo mag-akyat ng gamit."

"Naku, thank you po."

Kinuha ng mag-asawa ang mga bagahe na dala ko at saka iniakyat sa kwarto ko.

"Sir, ano pong gusto niyong hapunan?"

Tanong ni Manang Lorie bago lumabas ng kwarto kasunod ng asawa niya na si Mang Dino.

"Wag na po manang. Gusto ko na po muna magpahinga." Tumango lang si Manang bago tuluyang umalis.

Pabagsak ko namang ibinagsak ang katawan ko sa kama at nagconcentrate para makatulog. Kakapikit pa lang ng mata ko ng biglang may pumasok sa kwarto ko.

"Dude! Nandito ka na pala bakit di mo 'ko tinawagan para nasundo kita sa airport."

I knew it will happen that's why I never called him. I didn't bother to answer his question and just lay in my bed. But he keeps on talkin' and asking me gibberish things. I cover my face with pillow and closed my eyes to lessen the noise.

"C'mon dude, let's get out. Don tayo sa bar ko."

Inalis ko ang unan na nakatakip sa mukha ko at tiningnan siya ng masama.

"Ok, ok..sige pahinga ka na. See you tomorrow." He said before he left.

(Jamie POV)

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga lang sa kama ko habang nakikipagtitigan sa kisame. Pansin ko lang nagiging hobby ko na ang pakikipagtitigan sa kisame.

Bukas na nga pala ang reunion.

Dadating kaya siya? Bigla naman nagring ang CP ko, agad ko namang sinagot ng hindi man lang tinitingnan kung sino ang caller, para kasing dumikit na ang paningin ko don sa kisame e. hehe.

"Hello. Bakit po? Sino ka po?" Dere-deretso kong tanong .

"Gaga! Anong sino ka po, hindi ka ba marunong magbasa?"

Si Erin pala.

"Sorry naman, tinatamad kasi akong tingnan e."

"Pati ba naman yon kinatatamaran mo pa?"

I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon