CHAPTER 10: Welcome Abode!

19 3 0
                                        

"Ate nasan na kayo? Oo, nandito na 'ko. Ok, bye."

Pagkababa ko ng CP, naglakad na ulit ako palabas ng Airport. Aabangan ko na lang sila ate sa labas, on the way pa lang kasi sila.

Kakarating ko lang dito sa Pilipinas ngayon, hindi man lang nagpakita si Harry sa akin bago ako umalis. Si Chloe lang at ang BF niya ang naghatid sa'kin pauwi. Siguro nagtatampo parin si Harry sa'kin kaya hindi na ulit siya nagpakita sa'kin after no'ng huling labas namin.

"Ms. Jamie Torres?"

Nagulat naman ako ng may biglang lumapit sa'kin na isang babae may kasama siyang isang lalaki.

"Uhm..yes? Magkakilala ba tayo miss?"

"No, but here is my ID." Sabi niya sabay pakita ng ID niya sa'kin at inilabas naman ng lalaki mula sa bag niya ang isang camera.

"Ah..ok, so..anong kailangan niyo sa'kin?"

"Konting interview lang, pwede po ba?"

Hindi pa ako nakakasagot sinunod-sunod na agad tanong niya sa'kin.

"Bakit biglaan ang pag-uwi mo ngayon?"

"Huh? Hindi naman 'to biglaan. Matagal ko ng plano 'to."

"Ganon ba? Ano namang dahilan ng pag-uwi mo ngayon?"

Bigla naman akong napaisip sa tanong ng reporter kaya hindi agad ako nakasagot.

Dahil sa ex-bf ko, gusto ko ulit siyang makita para makapagpaliwanag ako sa kanya. Yan sana ang gusto kong isagot sa kanila pero hindi pwede masyadong personal yon. At sigurado akong hindi lang pangalan koang maapektuhan. Mas kilala ang pamilya nila kaysa sa baguhang designer lang na tulad ko.

"Ms. Torrres?" Untag sa akin ng reporter.

"I'm sorry."

Paumanhin ko sa kanya at saka nagmamadaling naglakad palayo sa reporter. Pero sinusundan parin nila ako kahit san ako pumunta.

"Jamie!" Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses ni ate at nang makita ko siya agad niya akong niyakap.

"Ate, mamaya na tayo mag-usap, nasan si kuya Rob?"

"Ah..nandon sa kotse, don na lang daw niya tayo hihintayin."

"Ok, Halika na." Hinila ko na si ate sa pinagparkingan ng sasakyan ni kuya Rob.

Agad naman kaming pinagbuksan ng pinto ni kuya Rob ng makita niya kami ni ate. Nang makaupo na kami ni ate agad niyang pinaandar ang kotse.

"Ok ka lang ba?" Tanong ni ate sa akin habang nakasakay kami sa kotse.

"Oo. Sorry te huh. May reporter kasing makulit kanina do'n e kaya nagmamadali ako."

"Sikat ka na talaga Jai." Sabat naman ni kuya Rob sa amin.

Ngumiti lang ako sa kanya at inilipat ang tingin sa labas ng bintana. Ito ba talaga ang buhay na gusto ko? Gusto ko lang naman matupad ang pangarap ko, never ko naman hiningi na maging sikat ako. Gusto ko lang naman ng simple at masayang buhay kasama ang mga mahal ko sa buhay. Noon pa man bago pa dumating sa buhay ko si Kenzo, tahimik at simple lang ang buhay ko.

I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon