Ang ganda naman ng mga kwarto nila. Well, hindi kasing ganda nong sa kwarto ni Chloe kulay blue kasi ang wall nitong guest room nila. May malaki din namang kama sa gitna at halos kasing laki din ng kwarto nya.
Iniwan niya muna ako para makapagpalit na din ako ng damit. Pagpasok ko sa C.R nila mas lalo akong naamaze. Paano ba naman hindi ka mamangha, e malaki pa ang C.R nila sa apartment na tinitirhan ko.
Grabe talaga! Ano pa kayang sunod dito na ikamamangha ko na naman. Sigurado ako may walk-in closet din si Chloe. Speaking of, kailangan ko nga palang bumalik ulit sa kwarto niya para magreview sa sobrang amazed ko nalimutan ko na ang mga gagawin ko.
Nagmamadali na akong bumalik sa room niya. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa na inupuan ko kanina. Naayos na niya ng pag rereview'han namin dito sa mini living room sa kwarto niya pati mga books at yong laptop niya nakaready na din.
"Let's start?" she asked. I just nodded and take a sit across her.
After an hour may kumatok sa kwarto niya, si nay Loring pala. May dala siyang dalawang baso ng gatas at mga cookies para sa amin.
"Merci beaucoup nay Loring." We said in chorus. Ngumiti siya sa amin at agad din namang umalis.
"Let's take a break?"She said after taking a sip of her milk.
"Sure!" sagot ko habang nag-iinat. Nakakangalay kasi ng batok mag-aral.
"Hey! Can I ask you something? Uhm..personal."
"What is it?" I asked back to her and then take a sip of my milk.
"Did you have a boyfriend?"
Muntik ko ng maibuga ang gatas na ininom ko dahil sa tanong niya. Alam ko ang OA ng reaksyon ko, pero anong magagawa ko? Sa lahat ba naman kasi ng maiisipang itanong nitong magaling kong best friend bakit yon pa?
"Hey! Are you okey?" Mabilis siyang lumapit sa akin at hinaplos ang likod ko.
"I'm okey" Bumalik na ulit siya sa upuan niya nong okey na ako. Pero titig na titig parin siya sa akin kaya tinanong ko na siya.
"Quoi?"
"Tell me about him?"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, ayoko sana siyang pag-usapan pero mukhang wala na talaga akong magagawa. Sigurado din naman akong kukulitin din ako ng isang 'to pag di ko sinabi. Sa huli napilitan din naman akong ikwento sa kanya:
Flashback
"Jamie Torres!"
Halos mag-echo ang boses niya sa buong campus. Napalingon ako sa bandang likuran ko. Nakita ko siyang nakatingin din sa dereksyon ko habang nakapamulsa at Nakangiti.
BINABASA MO ANG
I Still Love You
RomanceThe moment i first saw you, i knew it was you that i want to spend my life with, the moment that i told you I Love You and you said you love me too, that was the happiest day of my life. and the moment you left, i felt like i was broken. You took aw...
