CHAPTER 5: Missing You

27 5 0
                                    

Nagising ako nang marinig kong nagri-ring ang cp ko. Agad kong tiningnan kung sino ang caller. Si ate pala.

"Hello te." Bungad ko sa ko sanya.

["Oh kamusta? Bakit ganyan ang boses mo? May problema ba?"]

Nahalata niya agad na may problema ako. Gano'n ba talaga ako ka'obvious? Kahit sa CP lang nahalata agad ni ate. Hindi naman ako makasagot. Hindi rin naman ako makakapaglihim kay ate. Kahit hindi ako magsalita alam kong nararamdaman niya pag may problema.

["Iniisip mo naman ba siya? Umaasa ka pa rin hanggang ngayon na pag nagkita kayo tatanggapin ka pa rin niya." ] tanong niya ulit.

"Ate yon na lang ang meron ako ngayon. Yong pag-asa na sana mahal niya parin ako.kapag Tinanggal ko pa yong pag-asang yon ano na lang ang matitira sa'kin?"

Halos pumiyok na ako habang nagsasallita.

["Alam kong mahirap, pero Jamie sinasaktan mo lang ang sarili mo. Hindi masamang umasa kung may aasahan ka. Sa kaso niyo mahirap ng umasa, napakalayo niyo sa isa't isa. Halos nasa magkabilang panig kayo ng mundo at wala kayong kahit anong kumunikasyon."]

Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. May point naman kasi talaga si ate sa sinabi niya at alam kong wala talaga siyang intension na masaktan ako. Ganito ba talaga kasakit marinig ang katotohanan?

"Anong gagawin ko ate? Hindi ko siya kayang kalimutan. Ang sakit sakit, ate..."

Halos humagulhol na ako sa kaiiyak. Pilit naman akong pinapakalma ni ate mula sa kabilang linya.

Pagkatapos namin mag-usap pinilit kong maghanap ng pwedeng mapaglibangan. Naisip ko din na kahit anong gawin ko alam kong hindi ko siya kayang kalimutan at napagpasyahan ko ng itago siya sa puso ko habang buhay.

Mahirap pero nagawa ko ngang mabuhay sa alala niya sa loob ng tatlong taon alam kong kakayanin ko pa. Naniniwala pa rin ako sa pangako namin sa isa't isa.

Kinabukasan maaga akong pumasok dahil maaga akong nagising. Ang totoo, hindi talaga ako nakatulog pagkatapos ng usapan namin ni ate.

"You ok?" nag-aalalang tanong ni Chloe sa akin. Nandito na kami sa kotse niya papunta ng coffee shop.

Pilit akong ngumiti sa kanya at ibinaling ang tingin ko sa bintana.

"You look depressed."

I took a deep breath and turned back my gaze to her.

"Don't worry about me, I will be ok." I said and forced a smile again to convince her.

"Is it about him?" she asked again.

Hindi ko na siya nasagot at tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Agad naman niya akong niyakap at pinakalma.

"Sshh...Have faith. Everything will be alright. Ok?

Hindi ko na kayang magsalita, para bang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Ayoko na sana muna siyang pag-usapan pero hindi ko kayang ang totoo kong nararamdaman.

Habang tumatagal parang unti-unti na akong pinapatay ng sobrang pagkamiss ko sa kanya. Naisip ko na nga din na baka nga tama si ate, baka nga kailangan ko ng I'let go ang tungkol sa amin ni Kenzo. Pero sa tuwing susubukan ko parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko.

I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon