"Ano bang ginagawa ko dito?" Tanong ko sa kanya matapos siyang magbihis.
Paano ba namang hindi ka maghehesterikal. Unang una nagising ako sa isang kwartong hindi ko alam kung kanino. Tapos iba na din ang suot kong damit at ang mas nakakaloka pa bigla na lang siyang pumasok ng kwarto nang naka topless. Nakakaloka talaga!
"First I would like you to know that I didn't do any harm from you. You're here because you're drunk that you can't manage to walk on your own, so Chloe told me to accompanied you because she's drunk too."
Paliwanag ni Harry. Opo si Mr. Harry Legrand nga po ang may ari ng kwarto na ito.
Tumango tango lang ako saka ulit nagtanong.
"E bakit ka..naka ano. Bakit ka naka topless kanina? At saka sinong nagbihis sa'kin, bakit iba na ang damit ko ngayon?"
Naku ayusin mo sagot mo huh. Isang pagkakamali mo lang babasagin ko talaga yang mukha mong ubod ng gwapo.
"Ah..I'm sorry about that. Sometimes I used to sleep without shirt, just pyjama. And about your shirt, yong si Manang na tagalinis ng unit ko talaga ang nagbihis sayo." He explained again.
Tiningnan ko siya ng hindi ako naniniwala-sayo-look. Natawa naman siya bago ulit nagsalita.
"Hey! What's with that look? You didn't trust me? Sa gwapo kong 'to."
"Oo, wala pa 'kong tiwala sa'yo. We're not friends pa kaya. Wag ka ngang feeling."
"Grabe ka naman. Let's have our breakfast first, it's getting late and I know that you're hungry too." Yaya niya sa akin.
Tumango naman ako at inalalayan niya akong makatayo. Nang makatayo na ako napatingin ako sa malaking portrait na nakasabit sa may bandang ulunan niya. Napako ang tingin ko sa picture niya kaya nawala na sa isip ko na magkasama nga pala kami.
"Hey! Are you ok?"
Napalingon naman ako sa kanya na ngayon ay nakangiti ng nakakaloko sa akin.Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Gwapo ba?" He asked as he smiled playfully.
I turned my gaze to the door cause I can't look directly to his eyes.
"You're more beautiful when you're blushing." He teased.
Inirapan ko lang ulit siya at saka nauna nang lumabas ng kwarto.
"Uhm..yong suot mo do'n sa pic—" He interrupted me.
"Yeah. I'm one of the model in your show and the clothes I'm wearing in that picture is from the collection of the clothing you're workin'."
Automatic naman akong napatingin sa kanya at tumango saka ulit ibinalik ang atensyon sa pagkain. Naiilang kasi ako sa kanya. Palagi siyang nakatingin sa akin tapos lagi pa siyang nakangiti.
Tahimik na kaming dalawa hanggang sa makatapos na kaming mag-agahan. Niyaya niya na agad ako after niyang makapaligo at makabihis.
"Let's go?"
Tumango lang ako at sumunod sa kanya palabas ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at inalalayan hanggang sa makaupo.
Infairness naman sa kuya mo, gentleman lang ang peg. Ok na sana e, gwapo, matangkad, maputi, mayaman at malakas ang arrive. Kaya lang dinaig pa si habagat sa sobrang lakas ng hangin.
BINABASA MO ANG
I Still Love You
RomanceThe moment i first saw you, i knew it was you that i want to spend my life with, the moment that i told you I Love You and you said you love me too, that was the happiest day of my life. and the moment you left, i felt like i was broken. You took aw...
