Chapter 1: One last glimpse

120 7 3
                                    

 

 

"Manong sa airport nga po, pakibilisan lang po."

 

Nagmamadali kong sabi sa taxi driver, sa pagmamadali ko hindi ko man lang naayos ang sarili ko pero wala na akong pakialam.


 "Ok po Mam."

 

 Kailangan kong magmadali kailangan ko siyang abutan, makita ko man lang siya bago siya umalis.


Oh by the way, I'm Jamie Alejo Torres. Graduated in St. Lorenzo High as Valedictorian. Pano ako nakapasok sa ganyang kasosyal na School? Well Scholar po ako. Pag-aari ng pamilya ni Kenzo ang School at don din kami unang nagkakilala at naging magkasintahan pero kinailangan ko siyang iwan at ngayon nga hinahabol ko siya dahil sa...hindi ko din alam.   

 Wala pang kalahating oras akong nagbibyahe....


"Manong ano pong nangyari? Kailangan ko pong makarating ng airport on time. Baka nakaalis na siya..."Naiiyak kong sabi kay Manong driver.


"Nakoo sori po Mam, nasira po siguro ang makina ng taxi ko, pasensya na po. Isosoli ko na lang po ang bayad nyo." Sincere na sabi ng driver.


Ano ba naman yan... kung kelan naman ako nagmamadali.


"Matagal po ba pag pinaayos yan?" tanong niya.


 "Opo eh..pasensya na po talaga. Eto po ang pera nyo." Sagot ng driver sabay abot ng ibinayad ko.

 "Wag na po. Ibili nyo na lang po ng pagkaen ng pamilya nyo."

 

Sagot ko na lang, matapos nito magpasalamat umalis na ako at naglakad-lakad, namamara rin ako pag may dumaraang sasakyan.

Hindi ko mapigilang maiyak pag tumitingin sa wrist watch ko. Aabot pa ba ko? Hindi ko na ba siya uulit makikita? Sana naman makita ko siya kahit sandali lang. Napaupo na lang ako sa isipin na baka hindi ko na siya makita kahit sa huling pagkakataon.


Maya-maya lang may tumigil ng kotse. Nakaramdam ako ng pag-asa lalo na nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.


 "Jamie???" tawag ng lalake na nasa loob ng kotse.


 "Adrian. Thanks God."

 

Nasabi ko na lang, sa wakas pinakinggan agad ang panalangin ko. Si Adrian ay isa sa mga kaibigan ni Kenzo. Magkaklase din kame sa high school.


"What are you doing there?"

 

"Ah kasi, pupunta ka ba sa airport?"

 

"Actually..kakagaling ko lang don."

 

"Ganon ba?" I said, feel like I'm hopeless.


I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon