Chapter 22: Hotel Royal (Fashion Show)

26 1 0
                                    

"Matagal na kong inlove." He said smiling.

"Ows? And who's the lucky one?"

"You know her."

"Hmm..sino?"

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang naka focus sa pagda-drive habang nakangiti.

"Oh c'mon Harry, don't make me guess."

He chuckled before he speaks again.

"I'm not."

"Magtatampo ako sa'yo pag hindi mo sinabi."

"Okay. I'll tell you after your fashion show."

"What? Bakit kailangan mo pang patagalin?"

"Basta. Oh, we're here." Sagot niya habang hinihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Fine."

Bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto ng kotse at alalayan na makababa. Pagkatapos kong makababa ay nagpaalam na din siya.

"Bye, Ms. Beautiful!" Paalam niya bago siya umalis.

Pagkaalis niya saka ako pumasok sa bahay.

"Ms. Beautiful pala huh."

"Oh, ate. Andyan ka pala."

"Oo. Kanina pa."

"Bakit ganyan ka makatingin?" Her eyes narrowed speculatively.

"Hmm..ikaw huh."

"Hay naku ate, time out muna. Alam mo naman bukas na ang fashion show, kelangan ko ng magpahinga."

Iniwan ko na siya at pumasok na ako sa kwarto ko bago pa makasagot si ate Jenna.


Nagpahinga muna ako sandali bago naligo at naghanda ng matulog. Hay.. salamat po sa lahat ng blessings, Lord. Please guide us tomorrow in our fashion show.


Nagising ako dahil sa ring tone ng CP ko. Kinapa ko yon mula sa ilalim ng unan ko at sinagot ng hindi man lang tinitingnan kung sino ang caller.

"Good morning to the most beautiful girl in the world." Bati niya mula sa kabilang linya.

"Harry, bakit mukhang ang saya mo ngayon?" sagot ko. Bumangon na ako at niligpit na ang hinigaan ko.

He just chuckle.

"Hey! Remember you told me you'll introduce me to the luckiest girl in the world."

["I thought you will never bring that issue again."]

"Bakit hindi? E ikaw kaya ang nagsabi non kagabi."

["Anyways,did you take your breakfast?"]

"Ngayon pa lang, kaya baba ko muna 'to huh. Kaw din, kain ka muna."

["Okay. See you later. Bye!"]


Pagkatapos namin mag-usap sa telepono ay lumabas na ako ng kwarto ko. Sa may salas pa lang ng bahay amoy ko na ang niluluto ni ate.

"Hmm..ang bango! Mukhang masarap."

"Oh, gising ka na pala. Maupo ka na at patapos na 'ko dito. Maghahayin na lang ako." Sagot ni ate.

"Okay."

Sabay kaming nag breakfast ni ate. Ngayon lang ulit ito naulit simula nong nagbukas kami ng shop.

"Ahm..ate, maaga akong aalis huh? Kailangan ko kasi i-check yong venue kung okay na. sasabay na ako kay Erin, dadaan daw siya dito e." Paalam ko kay ate habang tinutulungan ko siyang magligpit ng mesa.

"Okay. Don ka na rin ba magbibihis at mag-aayos?"

"Oo."

"Hmm..sige, susunod na lang kami ni kuya Rob mo mamaya."

Pagkatapos namin makapagligpit ay naligo na ako at nag-ayos na ng sarili. Ilang sandal lang ay dumating na si Erin at sabay na nga kaming pumunta sa Royal Hotel.


Maayos na naman ang lahat, cheneck na lang namin kung may kulang pa at kung okay na ang mga gagamitin para mamaya.


Habang inaayos namin ang mga isusuot ng mga model mamaya ay sinabi ko na sa kanya ang nangyari sa meeting namin ni Roni kahapon.


"Erin, may gusto nga pala akong sabihin tungkol don sa napag-usapan namin ni Roni kahapon."

"Roni?" Erin asked and faced me.

"Ah..si Ms. Fernandez."

Sagot ko na hindi pa din tumitingin sa kanya dahil busy pa din ako sa pag-aayos ng isang damit na gagamitin ng model ko.

"First name basis agad? Bakit close na kayo?"

She asked me again. I stop from what I'm doing and faced her.

"Hindi naman. Yon kasi ang gusto niyang itawag ko sa kanya."

"Tss!" Erin snorted and turned her back.

"Hay..anyways, isa siya sa sponsor ng show natin at nag-offer din siya ng partnership sa Shop natin. Ang sabi ko itatanong ko muna sa'yo kung okay lang."

"Bakit naman natin tatanggapin yong alok niya? At bakit gusto niya mag-invest sa isang kabubukas at maliit lang na boutique?"

Erin answered while she turned away again; tugging the hem of one of the model's dress that the mannequin wore as though she needed to have something to do with her hands. I followed her as I spoke.

"Hindi ko alam. Basta sabi niya gusto niya daw akong makatrabaho. Dream-come-true daw sa kanya kapag pumayag tayo. Kaya pumayag na ako, ikaw na lang hinihintay namin."

"Ano? Bakit ka pumayag? Hindi pa natin siya kilala. Bakit ba hindi ka makatanggi?"

Wow! Nabigla naman ako sa reaksyon ni Erin parang nasapian. Bigla na lang nagpi-freak out.

"Erin, relax. Kahit pumayag ako, balewala pa rin yon kasi nga sabi ko sa kanya tatanungin pa kita bago ko tanggapin ang alok niya. Isa pa mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan e."

"Hay naku Jamie! Ewan ko sa'yo. Ang bilis mo magtiwala sa tao, porke mukhang anghel mabait na agad?"

Now she's talking. I don't know where she's coming from, kanina naman okay pa siya ah anyare?? Haisst, she keeps on avoiding me kaya hinarang ko na siya.

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang problema mo? Haisst sige na, pag-isipan mo na lang muna bago ka magdesisyon. Mamaya makikita mo siya baka makatulong yon para makapag desisyon ka."

"Fine. Pero hindi ako nangangako huh."

"Okay."

I sighed as she left the room. Bakit ba ang hirap niya ngayong pakiusapan? Ano kayang nakain nito?


Pagkatapos naming masigurado na okay na lahat ay tinawagan na ni Erin ang dalawang make-up artist na kaibigan niya. Marami kasing kaibigan na bakla si Erin. At nakatulong yon para mabawasan ang bayarin namin. Dito na din namin pinatuloy sa Hotel ang ibang model galing France na kaibigan ni Harry at Chloe.

Habang naghihintay, napagpasyahan muna namin ni Erin na magtanghalian sa restaurant dito din sa loob ng Hotel.





I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon