CHAPTER 12: The Reunion

25 3 0
                                        

7PM daw ang start ng reunion sabi dito sa invitation. Sinulyapan ko ang alarm clock sa side table ko, quarter to 6 pa lang pero nagready na din ako baka kasi dumating na si Erin. Susunduin niya daw kasi ako dito sa bahay para sabay na kami pumunta sa reunion. Lumabas ako ng kwarto para don na siya hintayin sa salas

After almost an hour, Erin's finally came. Sinalubong siya agad ni ate.

"Hi ate Janna!" Bati niya kay ate saka sila nagbeso.

Minasdan ko siya habang papalapit sa akin. Masasabi kong mas gumanda siya ngayon kaysa nong high school kami which is 5 years ago. She's wearing a peach tube dress na bumagay naman sa sapatos na binigay ko sa kanya. Mas lalo pa siyang nagmukhang eligante sa bago niyang hair style na bob cut na pinakulayan niya ng brown.

Naalala ko pa dati ayaw na ayaw niyang pagupitan ang buhok niya na hanggang bewang na at ako naman ayokong magpahaba ng buhok noon. Hanggang balikat lang talaga dati lagi ang buhok ko. Nahihirapan kasi ako magsuklay.

Ngayon baliktad na, sinubukan ko ng magpahaba ng buhok simula no'ng naging kami ni Kenzo. Gusto niya daw kasi sa babae yong mahaba ang buhok.

"Wow! Besprend, mukha kang dyosang bumaba sa langit. Kinabog mo naman si Katniss."

"What do you mean?"

"Eh kasi diba si Katniss girl on fire, ikaw naman lumalagablab."

Napailing na lang kami ni ate sa biro ni Erin. Simple lang naman ang suot ko, White long sleeve contrast lace panel with Black lace waist body con dress na pinartneran ko ng silver stiletto. Hindi ko na tinaas ang buhok ko na halos umabot na sa bewang ko.

"Hm! Tara na nga! Dami mong alam baka malate na tayo." Awat ko sa kanya. Tumawa lang siya.

"Sige ate, alis na kami." Paalam k okay ate at saka hinila kona palabas si Erin.

"Ok. Ingat kayo."

Nag wave na lang kami kay ate bago pinaandar ni Erin ang kotse niya.

Maya-maya lang nandito na agad kami sa hotel na paggaganapan ng reunion. Grabe din 'tong si Erin magpatakbong sasakyan e, feeling ko tuloy humiwalay na ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko.

"Ready?" Tanong niya sa akin pagkababa namin ng sasakyan.

Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kanina pa. Naghahalo ang excitement at kaba. Excited akong makita silang lahat lalong lalo na siya pero kinakabahan din ako, pano kung galit parin siya sa akin?

"Hey!" Untag niya sa akin at saka hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya saka ulit nagsalita.

"Nervous?" Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

"Don't worry, ok? I'm here."

Nabawasan ang kaba ko pagkatapos ng sinabi ni Erin sa akin. I force a smile before we decided to go inside.

Pero no'ng nasa harap na kami ng pinto ng hall na paggaganapan ng reunion, parang unti-unti ng nanghihina ang tuhod ko. Letse! Naka 4 inches pa naman ako. Bubuksan na sana ni Erin ang pinto nang pigilan ko siya.

I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon