CHAPTER 7: Mr. Yabang!

31 5 0
                                    

First day na namin ni Chloe sa trabaho, hindi na kami dumaan sa basics dahil may tiwala naman daw sa amin ang may-ari ng company. Binigyan agad kami ng projects ng boss namin na agad namang kinagat ng mga costumers.


Sa pagdaan ng araw mas lalo pang dumarami ang may gusto sa mga designs namin, kaya pinangakuan kami ng boss namin ng fashion show next month.


"Hey Jamie, you know what? I'm so excited for the fashion show."


Masayang sabi ni Chloe pagbalik namin sa table namin.


"Yeah right."


After a month natapos na din namin ang mga designs na gagamitin sa Fashion show namin ni Chloe. Agad inayos ang hotel na paggaganapan ng show. Maraming designers and media ang dumating para suportahan ang mga designs namin.


"And now, presenting the designs of Ms. Chloe Voudjer and Ms. Jamie Torres." Announce ng MC.


At nagsimula na nga ang fashion show habang hindi parin ako mapakali dito sa back stage kasama si Chloe.


"Hey! Calm down. Everything will be fine." Sabi ni Chloe ng mapansin niya na hindi ako mapakali.


I just smiled and nodded to her.

After a while the fashion show ends well, we almost didn't notice the time. Tinawag kami ng MC sa stage para makapag-bow kasama ang mga model at nagpasalamat na din kami sa mga dumating at sumuporta sa mga baguhang tulad namin.


Pagkababa ko ng stage may humarang sa amin na mga media. Agad ko namang nakilala ang isa sa kanila. Siya din yong reporter na nag-interview sa akin no'ng graduation. Nilapitan ko siya at agad naman niya akong kinamayan. Sandali akong nagpa-interview sa kanya at saka nagpaalam. Hinila na kasi ako ni Chloe.


Pagkapasok namin ng dressing room nagpaalam sa'kin si Chloe.


"I'll go ahead." Paalam niya sa'kin.


"Where are you goin'?"


"Didn't I tell you that I have dinner date with Edward?"


"Oh I forgot."


Sumabay na din ako sa kanya palabas ng hotel at naghintay ng taxi Pagkaalis nila ng BF niya.


Maya-maya lang may pumara na rin na taxi sa tapat ko. Pasakay na sana ako ng may lalaking biglang sumakay sa taxi na pinara ko.


"Hey! Don't you know the first come first serve basis?" Sita ko sa kanya na sitting pretty sa loob ng taxi.


He just shrugged and flashed a smile to me.


"Hoy! Wag mo nga akong gamitan ng charm mo." Sigaw ko sa kanya.


"Pardon?" He said.

I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon