Chapter 33: Roni's Promise

9 2 0
                                    


Pinagupitan ko na ang buhok ko na matagal ko ding pinahaba at inalagaan. Pina-layer ko na lang, hanggang lagpas balikat.

Pagkatapos namin sa salon nagshopping naman kami ng mga damit at sapatos. Nang makaramdam ng pagod si ate, nagyaya naman siya na kumain na muna kami.

"Grabe! Napagod at nagutom ako don huh. Nakakapagod pa lang magpaganda." Biro ni ate.

Natawa naman kami ni Erin sa kanya. Nandito na kami sa isang restaurant sa loob ng mall. Naghihintay ng inorder naming pagkain.

"Nga pala, aattend ako sa isang conference sa Paris. Well, matagal na nila akong nainvite dahil kay Chloe. This conference is about small and large businesses related to clothing and sa mga aspiring and professional designers."

"Talaga? Kelan daw yan?"excited na tanong ni ate.

"That's good Besprend! It would be a great help sa balak nating pagbabranch out! Bukod sa mga mapupulot mo dung strategies sa business may mapupulot ka ding mga bagong designs na pak! Na pak! Tsaka baka marami ka ding mameet na pwedeng maging business partner or investor or partner in llife!" said Erin isa ding excited. Natawa tuloy kami ni ate.

"Naku! Ikaw talaga! But yes! Excited na din ako...sa conference! Kahapon ko lang na-confirmed ang pag-attend ko. Uhm...yung conference sa...sa araw ng kasal ni kenzo at Roni. So...aalis na ko 7pm the day before their wedding. Nasabi ko na yon kay Roni. Baka 4-5 days ako dun." I answered habang nakatingin sa nilalarong pasta sa plato ko. Saglit silang natahimik at natuon din ang pansin sa pagkain nila.

"I understand. Basta mag-ingat ka dun at wag mo kalimutan ang pasalubong namin." Biro ni ate.

I was about to answer her ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Nakatitig lang ako sa cp ko.

"Sino yan?" tanong ni Erin. Nakatingin din sa akin si ate nag-aabang ng pagsagot ko.

"Si..si Roni. Sagutin ko lang." sagot ko sa kanila at saka lumayo sa kanila.

"Hello?" I answered my cellphone.

["Hi Jamie. Sorry for disturbing you huh. I know it's your restday today but I was thinking if it's okay for you to..uhm can we meet?"]

"Ah..bakit?"

["It's about our wedding, can you bring the copies of your designs here?"]

Wedding gown? Hindi naman siguro naisip ni Kenzo na ako ang gawing designer para sa kasal nila.

["Hello? Jamie, are you still there?"]

"Ah ngayon na ba?"

["Uhm..pwede ka ba mamayang six?"]

Hindi pwede. "Ah..sige, s-saan ba?"

["Great! Uhm..sa condo ko na lang. I'll just text you the address."]

"Okay, bye."

Bumalik agad ako sa table namin pagkatapos ko makipag-usap kay Roni.

"Oh ano daw sabi?" tanong agad ni ate pag-upo ko.

"Oo nga. Saka bakit ganyan ang itsura mo? Para kang ex na hindi makamove-on tapos biglang ininvite ng ex-boyfie niya sa kasal nila at kinuhang designer! Kaloka tas kukunin kang ninang pag may baby na sila!? Ay grabi tih!" Segunda ni Erin.

Pinanlakihan naman siya ng mata ni ate. Nag peace sign naman ito ng marealized niya kung anong sinabi niya. Nangiti na lang ako at napailing sabay napatanaw sa labas.

'kaya ko to! Natural lang naman masaktan pero hindi ko na gagawing hobby ang umiyak! Pipilitin kong maging matatag at iiwan ko na lahat. Ang lahat ng sakit sa nakaraan ko.' Kausap ko sa sarili at ngumiti ng tahimik.

I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon