Chapter 18: Preparations

25 0 0
                                    

After 3 months of hard work sa wakas natapos na naming tahiin ang mga damit na dinisign ko. Tinulungan ako ng asawa ng driver nila Erin na si manong Alfred at nang isa pa nitong kasamahan na mananahi din.

Ang sarap sa pakiramdam na makita ang mga designs ko na totoong totoo na dating nasa sketch pad ko lang.

Katatapos lang ng final fitting ng mga models na nakuha ko sa tulong ni Harry, venue na lang ang kulang at pwede na naming iset ang date ng show. Hindi ko na masyadong pinroblema yon si Erin na ang bahalang mag-asikaso non.

Suddenly my phone rings iniwan ko muna sandali ang mga models ko para sagutin ang tawag sa cp ko baka kasi importante.

It's Erin, speaking of...

"Yes, Erin?"

["Besprend!!! Kamusta na fitting ng mga models?"]

"Kung makasigaw ka naman Erin! By the way, everything's fine here. Ikaw? Kamusta appointment mo? Nakapag set na ba kayo ng date?"

["Besprend! sorry...kasi bigla silang nag back out. Hindi daw sila makakapag host ng event kasi naka'book na daw yung place para sa isang wedding reception."]

"Ano?? Okay hayaan mo na, wedding yun eh may date na talaga sila. Hanap na lang tayo ng ibang place para gawing venue."

["Besprend! Sorry ulit...kasi I forgot to tell you I'm going to Cebu tomorrow, kinuha kasi akong Ninang sa binyag ng pamangkin ko."]

"So you're telling me na hindi mo maaasikaso ang paghahanap ng venue for our fashion show? Erin naman..."

["Besprend...sorry na hindi ko agad nasabi sayo ng maaga kasi akala ko okay na yung nakita kong place kasi pumayag na naman sila nung una tapos biglang hindi pala sila pwede sa sinet kong date. Sorry na..."]

"No it's okay, sorry din...stress lang ako masyado dito sa fashion show naten. Sige na umuwi ka na sa inyo and get ready sa flight mo bukas. Ako ng bahala sa paghahanap ng venue patapos na rin naman kami dito."

["Thanks Besprend! I love you so much! Mag-uuwi ako ng maraming pasalubong and uuwi ako dyan bago ang fashion show. Promise."]

"Okay. Tawag na lang ako pag okay na. Ingat ka. Bye."

["Owkie! Kaw rin..bye."]

Pagkatapos ng final fitting ng mga model nagmamadali kong inayos ang mga gamit at nagsara ng shop. Sa taxi na nga ako nag-ayos ng sarili. Sobrang haggard ko na kasi.

I'm on my way to the bar he owns, where we'll meet. Napatingin ako sa wrist watch ko... oh my God...30 minutes late na ko. Siguro naman iniintay pa rin niya ko. Sana lang...hindi pa siya lasing at may kung sinu-sinong kadate.

Matthew promised me he can help me when I asked him for help. Buti na lang nasagot niya agad agad ang email ko dahil kung nagkataong hindi wala akong magagawa kundi maghintay wala naman akong mobile number niya.

"Miss nandito na po tayo." Untag ng taxi driver. Nagbayad na ako at dali-daling bumaba.

Habang papasok ako hindi ko maiwasang maconscious sa sarili ko. Naka-messy bun lang kasi ang buhok ko nag powder lang ako at red lipstick para magkakulay naman ako namumutla na rin kasi ako dahil sa sobrang pagod.

Naka loose sky blue polo, black skinny jeans at ankle boots with sling bag naman ang get up ko. Talaga namang nakaka conscious lalo't pinagtitinginan ako ng mga tao habang papasok ng bar.

I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon