Chapter 16: Opening

18 0 0
                                        

Pagkatapos i-bless ni Father ang shop, sabay naming ginupit ni Erin ang ribbon. Nagsipalakpakan naman ang lahat ng dumalo. Konti lang naman ang pumunta, pamilya ni Erin kasama na ang mga pinsan niyang babae.

Nandon din si ate pati na sila Steff at Myreen kasama ang iba pa naming mga kaklase nong high school. Dumating din ang ibang mga kaibigan ni Erin sa College na isa-isa niyang pinakilala sa akin.

Nagpa-cater na lang din kame para sa pagkain ng mga bisita naming. Pinakita ko sa kanila ang mga designs ko na mukhang nagustuhan naman nila. Dahil sa opening namin at sa mga pinresent kong designs may mga client agad kami, una na sa listahan ang pinsan ni Erin na mag-dedebut next month.

Kahit paano masaya namang natapos ang opening ng "Girl's Friend" (pangalan ng shop).

Nagpaalam na ang mga bisita, walang dalang kotse si Erin kaya sumabay na siya sa parents niya pauwi. Si ate naman nauna na may pupuntahan pa kasi sila ni kuya Rob.

Ako na lang ang naiwan dito sa shop, inilock ko na ang pinto ng shop at paalis na sana ako ng may maaninaw akong bulto ng isang lalaki na nakatayo malapit sa akin. Pilit kong inaninaw kung sino siya pero hindi ko talaga siya makilala.

Masyado ng madilim, pinatay ko na kasi lahat ng ilaw pati dito sa labas ng shop. Unti unting lumakad palapit sa akin ang lalaki. Halos manigas naman ako sa kinatatayuan ko.

Juice coloured! Help me please..Ayoko pa pong mateggy.

Mukhang sinadya niyang mag-alisan muna ang lahat para wala akong mahingan ng tulong. Konti na lang..

"Waah-" Agad namang tinakpan ng lalaki ang bibig ko.

Wala na akong pag-asa. Eto na yon, katapusan ko na. Hindi ko na masasabi sa kanya ang totoong dahilan ng paglayo ko.

"Hey! Calm down. Jamie, it's me."

Sabi nong lalaki, pero hindi ko parin minumulat ang mat ako.

Teka, parang kilala ko yong boses na yon ah.

"Jamie." Tawag niya ulit sa pangalan ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko pero hindi ko parin maaninag ang mukha niya.

"Sino ka ba? B-bakit kilala mo ko?" tanong ko sa kanya pagkabitaw niya sa akin.

"Nalimutan muna agad?" Sagot niya na may tono ng pagtatampo.

Lumapit pa ako sa kanya at pilit inaninag ang mukha niya.

"Harry?"

Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon.

"Harry!" Niyakap ko siya sa sobrang excitement.

"Saan ka ba nagsususuot huh?" Tanong ko sa kanya nang magbitaw na kami sa yakapan namin.

"Bakit hindi ka man lang nagpakita saakin bago ako umalis ng Paris? O kaya nagtext ka man lang sana or tumawag sa a-"

"Jamie, relax." Nakangisi niyang sagot.

"Relax mong mukha mo!" Sagot ko sa kanya sabay hampas sa braso niya pero ako pa ang nasaktan sa ginawa ko.

"Let's go." Yakag niya sa akin.

"Saan naman?" tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot. Pinasakay niya ako sa kotse at saka kami umalis.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Basta."

Napasimangot na lang ako sa sagot niya. Kahit kelan talaga pauso tong si Harry e. Pero namiss ko 'to.

I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon