Chapter 02

0 0 0
                                    

I woke up because of the song that blasted from my phone. Someone is calling.

Minulat ko ang mga mata ko at inabot ang cellphone ko na nasa ibabaw ng bedside table ni Brennon.

Nang makitang si Tita Alison ang tumatawag ay sinagot ko ito agad.

"Hi Tita, good morning," bati ko.

"Isayah? Did I wake you up, ija?"

Napahikab ako bago sumagot.

"Yes, Tita, but it's okay," dahan-dahan akong umupo sa kama nang hindi masyadong gumagalaw dahil baka magising si Brennon na nakayapos pa rin sa bewang ko.

"Bakit po kayo napatawag, Tita?"

"Sorry about this urgent call, ija," ani Tita.

"Napaaga ang flight ng kapatid ko at ng pamilya niya. Sasabihin ko sana ito sayo nung isang araw pero nakalimutan ko,"

"Oh," humikab ulit ako. Maaga pa lang kasi, it's just four o'clock in the morning kaya nagulat ako nang tumunog ang phone ko.

"What time will they arrive here, Tita?"

"They're actually near, ija. Maybe anytime now, darating na sila. I called them before I call you and malapit na raw sila diyan,"

"Alam nila kung saan ito, Tita? Hindi po sila maliligaw? Do I need to see them sa highway?" They're still from a far place, anyway.

"Oh, no need, ija, thank you. Alam ng kapatid ko ang address ng bahay."

As if on cue, I heard a car machine stopped in front of the house. Bumangon ako sa kama ni Brennon habang hindi pa rin siya ginigising para tingnan kung sino yung huminto sa tapat ng bahay nila.

There is a white transport van parked in front of the house. May bumaba doong limang tao, habang kinukuha ang mga gamit nila sa likod ng van.

"Tita, sa van po ba sila sakay?"

"Yes, Isayah, are they there already?"

"I guess so, Tita," lumabas ako ng bahay nina Brennon at sinuot ang tsinelas ko saka pumunta sa may gate para pagbuksan ang mga bagong dating.

"You want to talk to them, Tita Ali?" Tanong ko kay Tita na nasa kabilang linya pa rin.

"Please, ija,"

Lumapit ako sa mga bagong dating nang may ngiti sa mukha,

"Good morning po," bati ko sa nakakatandang lalaki.

"Kayo po yung kapatid ni Tita Alison?"

Tumango naman ito sa akin at ngumiti.

"Ako nga," tinuro niya ang phone na nasa may tainga ko.

"Siya ba yan?"

"Opo," inabot ko ang phone sa kaniya.

"Gusto niya daw po kayong makausap."

Nang kinuha nito ang phone ko para kausapin si Tita ay bumaling ako sa nakakatandang babae at binati ito.

"Good morning po," ngumiti ako dito.

"Magandang umaga rin," ngumiti ito sa akin.

"Anong pangalan mo, ija?"

"Ako po si Isayah," inabot ko dito ang kamay ko at nakipag-shake hands naman ito sa akin.

"Kaibigan po ni Brennon."

"Babae ka pala," bahagya itong natawa.

"Pasensya na, akala ko kasi lalaki ang tinutukoy ni Alison."

When My Life Was HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon