Chapter 11

0 0 0
                                    

Hindi namin natapos ang contest dahil nakaramdam na kami ng antok at pagod. Umuwi na lang kami at nagpasyang magpahinga na.

Kanina pa ako nakahiga sa kama ko pero hindi ako makatulog. I tried rolling on the bed and lying down in any position, but still, hindi pa rin ako makatulog.

I decided to get up and open my social media accounts instead. Baka may update na about sa comeback ng favorite girl group ko, pati na rin sa librong babasahin ko.

Unfortunately, wala pang update about sa magiging comeback ng girls. Mabuti na lang at nang tingnan ko ang story na gusto ko online ay may update na ito. Dalawang chapters na ang nadagdag dito. Pero tulad ng lagi kong ginagawa, hindi ko ito binasa. I want to read it once it's done, para tuloy-tuloy. Tinitingnan ko lang ang update dito para pag natapos yun ay agad-agad kong basahin.

I don't know. Waiting is a bit hard for me. Sinubukan kong gawin iyon noon. Waiting for updates and reading a chapter a week, depende sa progress ng story. It was fun and exciting. Pero nang naging busy ako sa school ay wala akong choice kundi ipagpaliban ang pagbabasa ng fiction stories hanggang sa nakasanayan ko nang hintayin itong matapos bago basahin.

Nang nabuksan ko na ang lahat ng notifications at messages sa accounts ko, wala namang importante doon. Madalas ay puro GC nga lang. Kung may private messages naman ay puro nagpapa-like lang sila or nagpa-subscribe sa accounts nila.

I busied myself scrolling through my news feed. Inaliw ko ang sarili ko sa mga shared posts na nakikita ko at panonood ng ilang videos at stories ng mga friends ko. Siguro, thirty minutes ko na ring ginagawa iyon nang mag-pop ang isang chat head sa messenger ko.

And it has Riggs's profile picture on it.

Binuksan ko ito para makita ang message niya.

Riggs Candice Guzman:
Gising ka pa?

I rolled my eyes in annoyance, at the same time, natatawa na rin.

Isayah Mae Corazon:
Duh. Online pa nga eh.

Riggs Candice Guzman:
Sungit


Riggs Candice Guzman set his own nickname to Boss Candy 😋.

Boss Candy 😋 set your nickname to Princess Sarah 👑.

Boss Candy 😋 changed the chat colors to berry.

Boss Candy changed the emoji to ❤.


Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa pangungulit ni Riggs sa akin ngayong gabi. Una, natutuwa ako kasi kinakausap niya na ulit ako after nyang marinig ang usapan namin ni Brennon noon. Siguro ayaw niya rin ng issue at away sa pagitan nilang mag-pinsan.

Pangalawa, naiinis na naman ako kasi napaka-nonsense na naman ng pag-uusap naming dalawa. And look at him! He's playing with me by changing my nickname into that. I don't even know if I should be offended or what. Pero I'll let this one pass. Tutal, nadawit naman siya sa alitan namin ni Brennon, might at least make it fair for him.

Princess Sarah 👑:
Wth?

Boss Candy 😋:


Because of the heart he sent, may naglabasang mga puso sa screen ng phone ko. It's one of the features the app offers. Dahil wala naman akong mai-reply sa emoji na sinend niya, pinagpatuloy ko na lang ang pag-scroll sa news feed ko. Ilang sandali lang ay nag-message na naman ito.

When My Life Was HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon