"What do you think about this Brennon?"
Tanong ko dito while showing him a hot pink shoulder bag.
"Nope," ngumiwi ito at umiling.
"Too flashy."
Ibinalik ko sa pinagkunan ko ang unang pambabaeng bag na nakita ko. I don't like it, too, anyway. Baka lang magustuhan niya.
Namimili kami ngayon ng mga gamit para sa upcoming start ng school year. Kasama rin namin ang buong pamilya ni Tita maliban kay Ate Cai na wala namang gamit na kailangang bilhin sa ngayon.
Humiwalay kami ni Brennon para tumingin ng mga bags. Supposedly, sina Mama ang bibili ng bag ko galing sa Manila at ipapadala na lang nila iyon sa akin. But I asked for a new laptop instead. Hindi na kasi gumagana ng maayos yung laptop na binili nila sa akin nung grade seven kami.
Pinagpatuloy ko ang pagtingin sa mga bags na nandoon. Those are not as expensive as the bags I had in the past years, pero may ibubuga naman in terms of appearance. Pag may nakikita akong tingin ko ay magugustuhan ni Brennon para sa akin ay pinapakita ko sa kanya. So far, he rejected the hot pink shoulder bag, the white handbag, and another shoulder bag in purple.
Nang tingnan ko pa ang mga nandoon ay nahagip ng mata ko ang isang maliit na backpack na gawa sa leather. Kinuha ko iyon at tiningnan. I like it. It's black and has gold linings. Tama lang ang laki nun para sakin at isa pa, it looks cool and classy at the same time.
Nakangiti ko iyong ipinakita kay Brennon sa pag-aakalang magugustuhan niya iyon, pero nang makita niya ang hawak ko ay kumunot ang noo nito.
"I don't like it."
"Really?" My smile vanished instantly.
"I thought you'd like it."
"Oh? I think it doesn't suit you. Isa pa, hindi ka nagkaroon ng black na bag noon."
"I did-"
"It was a duffel bag, Iyah. Ayos lang na black, but this, it's for school."
Tiningnan ko ulit ang bag. I actually want it. I really do.
"Ayos naman siya, eh," I said, still trying to convince him.
"It looks fine, tsaka-"
"Tara, may nakita na akong bagay na bag sayo."
Hindi ko na natuloy ang gusto ko pa sanang sabihin dahil hinila niya na ako sa direksyon ng iba pang bag. Isinabit niya lang sa isang tabi yung gusto ko at kinuha naman ang bag na sabi niya ay bagay sa akin.
"This."
Tiningnan ko naman ang hawak niya. He's right, maganda naman. It's a beige shoulder bag na gawa rin sa leather at may kalakihan din naman enough to put notebooks or books inside. It also has gold and silver linings na nagpa-classy sa itsura nito.
It's as classy katulad ng bag na gusto ko, pero more feminine. It's his type."Maganda diba?" Ngumiti lang ako sa tanong niya.
Nang mapili niya ang bag na gagamitin ko ay siya naman ang naghanap ng para sa kanya. Nakasunod lang ako sa kanya. Hindi naman kami natagalan dun dahil alam niya kung ano ang gusto niya, at isa pa, hindi niya ako tinatanong.
So technically, pag gusto niya, that's it. Pero pag gusto ko, and ayaw niya, choose another. We’re like this ever since.
Nang makapili na kami ng bag pareho ay sinunod namin ang mga gamit sa school. Pumili lang kami ng tig-isang binder notebook dahil iyon ang sinabi sa aming gamit na kailangan. Bumili na rin kami ng tech pen.
Pagkatapos noon ay namili lang kami ng ibang damit na nagustuhan namin habang hinihintay matapos mamili ng gamit sina Rhett. Mas marami kasi silang kailangan kaysa sa mga senior high school na.
BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Novela JuvenilIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...