Kanina pa palingon-lingon si Brennon sa isang grupong nagkukulitan sa may bandang platform. Nandoon kasi ang banda nina Kiro pati sina Dynsil. Pati si Riggs at ang iba pa ay napapadpad din doon para makipag-kuwentuhan sa bandang tutugtog sa party.
Nasa kabilang banda ako ng hall para i-check sa to-do list ko kung may kailangan pang gawin para sa party na sa isang gabi na gaganapin nang sumunod si Brennon sa akin. Hindi naman niya ako kinakausap. Iyon nga lang ay mas nab-bother ako sa paglingon na ginagawa niya.
Ibinaba ko ang clipboard na hawak bago lumingon sa kanya at tawagin ang atensyon niya.
“Hey, may problema ba?”
Maang naman itong napalingon sa akin, hindi pa ata narinig yung sinabi ko.
“What’s that?”
I sighed. I crossed my arms and raised my eyebrows at him. Umiwas naman siya ng tingin.
“You’re looking like a jealous boy now, Brennon.”
“That’s absurd,” pagak pa itong tumawa.
“I’m not a boy.”
Hinampas ko ito sa balikat kaya napaharap ito sa akin.
“So nagseselos ka nga?”
“Kanino ka natutong manghampas ng ganyan?”
“Don’t change the topic.”
“Kay Sefi siguro? She’s like that with Riggs, too.”
“Is it because of Kiro and Dynsil?”
Hindi ito sumagot.
“Well, bagay naman sila,” sabi ko pa, nang-aasar.
Tiningnan ako ni Brennon nang matalim kaya nginitian ko ito ng matamis. Napasinghap pa ito nang kumindat pa ako.
“Since when did you learn to ‘asar’ me?”
“Since you started liking Dynsil and acting like a jealous kid,” I sarcastically said, not thinking.
I mentally panicked. Nag-isip agad ako ng sasabihin.
“Nagbibinata na kasi ang best friend ko. This is the best time to make ‘asar’ to you, you etorps.”
Kumunot ang noo niya sa huli kong sinabi.
“Anong etorps?”
“Torpe. Baligtarin mo yun, it will give etorps,” sabi ko pa habang binabaligtad ang kamay ko.
Napangiwi siya sa ginawa ko.
“What the hell? Sino nagturo sa’yo?”
“Pinsan mo,” nguso ko pa sa direksyon ni Riggs.
“Torpe ka raw kasi hindi ka maka-amin kay Dynsil, sabi niya,” sumbong ko pa rito.
Natawa ako nang kumunot ang noo niya at tumayo para pumunta kay Riggs. Nang makarating sa pwesto ng pinsan ay inakbayan niya pa ito at binulungan. I grinned at Riggs when he glanced at my direction, looking at me as if I betrayed him.
Natawa ako nang pabirong sinuntok ni Brennon si Riggs, lalo na noong nagsimula na silang maghabulan.
Nitong mga nakaraang linggo, I saw the changes with Brennon and I. Kung dati ay sanay kaming tapusin ang buong araw nang walang ingay kapag kami lang ang magkasama, ngayon, we’re enjoying company with friends.
Those two cousins got closer at school and home. Riggs and I can talk and joke around without Brennon accusing me of flirting. I can roam around school and not stick with Brennon all the time, too. I now have Dynsil, Niiza, and Sefi who always include me in everything they do.
BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Teen FictionIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...