“Cheers!”
Ang dami nilang energy!
Sinilip ko ang oras sa cellphone na nasa bulsa ng jacket ko. 8:05 PM pa lang pala.
Nakarating kami dito sa beach resort na tutulugan namin ng 3PM. Akala ko nga ay magpapahinga na lang kami para makapag-bonfire pa mamaya pero naligo pa rin sila sa dagat. Hindi na ako sumama kasi napagod ako sa pag-swimming sa falls.
Nang sinabi ko iyon sa kanila ay pinilit pa nila akong maligo sa dagat kasama nila dahil iba naman daw ang tubig non. Maalat daw. Tinawanan ko lang sila dahil sa sinabi nilang yon. Halatang sabik sa outing ang mga ‘to. Wala bang tubig sa kanila dati?
Tinigilan lang nila ako nung sinabi ni Brennon sa kanila na hayaan akong mag-stay sa buhanginan kasi mabilis akong mapagod pag may ganito. Ngumiti lang ako sa kanya.
Umahon lang sila para magbanlaw at mag-dinner. Pagkatapos kumain ay inayos agad ni Brennon at Riggs ang bonfire kaya ngayon, nakapalibot kaming lahat dito at nagsimula nang uminom.
Oo, kasama ako. Wala akong magagawa sa kakulitan ni Sefi. Sa sobrang persistent niya, pati si Brennon ay pumayag na rin sya sa huli, basta mababa lang ang alcohol content. Pumayag din naman si Sefi don.
“Chill ka lang, mas malakas yung pinainom ko sayo sa bahay kaysa dyan,” sabi ni Riggs na umupo sa tabi ko.
Tinawanan ko lang ito.
“Here.”
Lumingon ako kay Brennon na kararating lang na umupo sa tabi ko. Binigyan ako nito ng junk food.
“Chichirya?” tanong ko rito. Hindi nga kasi kumakain nito kasi di daw healthy.
He chuckled at my reaction.
“Just for tonight, Iyah. Do you think it’s cool to eat crackers while drinking alcohol?”
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Na-imagine ko pa ang sarili kong kumakain ng sky flakes habang ginagawang punchum ang beer na hawak ko. Agad akong napailing tsaka kinuha sa kamay niya ang inaabot niya.
“Hindi ka pa pagod?” tanong pa nito.
Umiling ulit ako.
“Nakapag-pahinga naman ako habang naliligo kayo sa dagat,” uminom ako ng konti sa boteng hawak ko. Umubo pa ako ng konti dahil hindi pa ako sanay sa lasa non.
“Ikaw? Hindi ka pa pagod? Feeling ko ang dami niyo pang energy,” tawa ko pa sa mga ito.
“That’s because we exercise, Iyah,” ginulo pa nito ang buhok ko bago uminom sa bote niya.
“I should ask Den to take you to the gym with them,” dugtong pa niya.
Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya na nasa ulo ko at binaba ito bago humarap sa kaniya.
“Since when did you start calling her Den?”
Brennon was never the type to give nicknames, aside from me which is because we’ve known each other for long, and Iyah is my nickname at home, back when my parents are still here.
I find it really weird that he’s calling a new friend with her nickname. Minsan nga ay naririnig ko pang tinatawag niyang Josiefeen si Sefi kaya naman tawang-tawa si Riggs kapag naririnig niya iyon.
“Since we met her during the enrolment.”
“You two talked that day?”
“Just for a bit,” he shrugged.
“Isa!” aga akong napalingon kay Sefi na tinawag ang pangalan ko.
“I look pale kapag night, oh! Hindi talaga bagay sa akin ang black hair!” nag-pout pa ito kaya natawa ako.
BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Teen FictionIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...
