Days had passed and everything went on smoothly. Kinalimutan namin ang nangyari noong gabing iyon na parang walang nangyari.
Brennon and I enjoyed spending time together all the time since then. As for Riggs, he didn't talk to me after that. Well, I actually think it's better that way.
Kahapon lang ay nakita ko ang status update ng school na ongoing na ang enrolment. Sinabi ko iyon kay Tita Ruby at ngayon nga ay kumakain kami ng agahan at pinag-usapan kung ano ang plano naming kunin para sa Senior High School.
"Brennon, anong gusto mong kunin sa senior high?"
"HUMSS, Tita. Magpu-pulis ho ako."
Brennon always dream of being a police officer kaya hindi na ako nagulat doon.
"Ganoon ba? Si Riggs kasi, STEM ang kukunin. Engineering naman ang gustong kuning course."
Tumango-tango naman si Brennon kay Tita saka tumingin ito sa akin.
"Gusto rin po ni Iyah mag-STEM."
"Talaga, Isa?" Tinanguhan ko si Tita.
"Anong balak mong kunin sa college?" Tanong naman ni Ate Cai.
"Psych po, Ate."
"Balak mo bang mag-doctor? Ito kasing si Cass, Psych din ang kukunin sa Manila."
Tumingin ako kay Ate Cass at ngumiti.
"Talaga Ate? Saan ka papasok?"
"Hindi ko pa alam," umiling ito.
"Sa isang buwan pa ata darating ang results ng exam sa mga university na sinubukan ko."
"Papasa ka, Ate Cai," ngumiti lang ito sa akin.
Napagdesisyunan naming bukas na lang pumunta sa school para asikasuhin ang ibang requirements at para na rin mag-enroll dahil may gagawin sina Tita Ruby ngayon sa bukid na pagmamay-ari ni Tita Alison kasama ni Tito.
Tinawagan ko naman sina Mama at Papa para sabihin na mag-eenrol na kami bukas.
"Hello, anak?" ani Mama na nasa kabilang linya.
"Hi, Ma, si Papa po?"
"Nauna siyang pumasok sa trabaho, anak."
Tumango ako kahit alam kong hindi naman ako nakikita ni Mama.
"Okay po."
"Napatawag ka, anak? May problema ba?"
"Wala naman, Ma. Sasabihin ko lang po na mag-eenrol na kami bukas ni Brennon kasama po ang mga pinsan niya at si Tita Ruby."
"Ah," sabi nito.
"STEM ang kukunin mo diba?"
"Opo, Ma."
"Good, anak." Bakas ang kasiyahan sa boses nito.
"Sasabihin ko sa Papa mo mamaya pagdating ko sa hospital."
"Okay, Ma."
"Sige na, anak. Maghahanda na ako para pumasok na rin sa trabaho."
"Sige po, Ma," napakagat-labi ako.
"Ingat po. Bye," at pinatay ang tawag.
Parehong nagtatrabaho sa hospital ang mga magulang ko. Si Papa ay ang pinakang head ng lahat ng radiation technologist o rad-tech at si Mama naman ay head ng mga midwives.
Pinilit din ako ni Papa noon na kunin ang kaparehong course na kinuha niya noong college, o di kaya ang kay Mama para masundan ko ang trabaho nila, pero humindi ako.

BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Novela JuvenilIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...