Chapter 13

0 0 0
                                        

Dalawang linggo ang nakalipas at ngayon nga ay panibagong buwan na naman, at umpisa na rin ng klase. Kinakabahan ako dahil panibagong environment na naman sa academic field ang kailangan kong harapin, pero excited din dahil ito ang training grounds namin para mapaghandaan ang college.

Dahil first day, naka-civilian pa kami. Suot ang isang simpleng fitted black long sleeves at high waist jeans, syempre pati na rin ang aking wedged sneakers, ay umangkas ako sa motor ni Brennon para sabay kaming pumasok sa school. Noon pa man ay magkasabay kami kapag hindi ako hinahatid nina Mama.

Si Riggs at Rhett ay sabay na papasok gamit ang motor ni Riggs. Tinuro ko na rin naman kay Rhett kung saan ang Junior High building kaya hindi siya maliligaw.

Sa loob ng school grounds ang parking ng mga students kaya kailangan ipasok ni Brennon ang motor niya, dahilan bakit naka-agaw kami ng atensyon. Sabagay, lagi namang ganito sa umaga pag papasok kami. Hindi naman sa pagmamataas, pero ang iba ay sinasabing intimidating ang presensya naming dalawa, lalo na pag magkasama bilang officer ng department at captain ball ng basketball team.

Hindi naman namin iyon sineseryoso ni Brennon, dahil para sa amin, mag best friend kami. Walang posisyon at magkasama kami dahil magkaibigan kami. Iyon lang.

Inaayos namin ni Brennon ang motor niya at ang helmets namin nang makita ko si Riggs at Rhett. Si Rhett ay lumiko na papunta sa JHS building at si Riggs naman ay papunta sa direksyon namin. Tatawagin ko na sana ito para sumabay na lang siya sa amin nang maalala ko si Brennon.

Bahagya akong napaatras at binaba ko naman ang nakataas kong kamay para sana kawayan si Riggs. Napansin ata iyon ni Brennon kaya tumingin siya sa tinitingnan ko.

Napabuntong-hininga ito nang makitang si Riggs iyon. Tiningnan niya ako ng mariin kaya napayuko ako. Nakarinig muli ako sa kanya ng isang malalim na hininga bago siya nagsalita.

“Mukhang hindi maiiwasang magkasama kayo ni pinsan, diba?” napatingin ako sa kanya.

“Guess I should put more trust on you and him. What do you think, Iyah?”

Hindi ko alam ang isasagot ko. Nakatingin lang ako dito, at nang hindi ako sumagot ay ngumiti ito at ginulo ang buhok ko.

“Riggs, dude! Dito!”

Nagulat ako nang siya na mismo ang tumawag sa pinsan niya. Agad namang nakita ni Riggs kung nasaan kami at lakad-takbo siyang pumunta sa’min.

“Papunta na rin ba kayo sa buildings niyo?” tanong nito sa amin.

Si Brennon ang nagsalita.

“Oo, kaso sa Communications building ako kasi nandoon ang classroom ng mga HUMSS student. Diba, pareho kayong STEM?” tanong nito.

Tumango naman si Riggs at tumingin sa’kin.

“Magkaklase nga pala tayo,” tumango lang ako rito.

“Tara na,” nauna na akong maglakad sa kanila dahil ako ang naiilang. Ang unfair. Bakit parang wala lang sa kanila? Ako lang ba nakakaramdam ng tension? O baka dahil ako lang naman ang nap-pressure dahil kay Brennon at sa mga iniisip nitong masama sa amin ng pinsan niya?

Habang naglalakad ay naririnig ko sa likod ko ang usapan nilang dalawa sa posibleng schedule ng tryouts ng sports. Dahil automatic namang kasali si Brennon, nagbibigay lang ito ng advice kay Riggs kung anong dapat niyang gawin at ipasang documents bago siya payagang sumali sa soccer club.

“Finally, Ms. Corazon! Nakita na rin kita!” salubong sa akin ni Sir Ramos.

“Good morning, Sir,” bati naming tatlo. Binati niya rin ang dalawa sa likod ko.

When My Life Was HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon