Chapter 25

2 0 0
                                    

“Oh my gosh, we are so late!”

Napailing na lang ako sa pagpa-panic ni Sefi.

Kakagaling lang namin nina Dynsil at Brennon sa school para i-check ang hall kung saan gaganapin ang event ngayong gabi. Pagbalik namin sa bahay ay tumatakbong si Sefi ang naabutan ko habang may curlers pa sa buhok at si Niiza naman ay nasa kusina, naghuhugas ng pinagkainan namin kanina.

“May apat na oras pa before the party. What late is she talking about?” rinig kong bulong ni Brennon kaya tinawanan ko na ito at nagpaalam na aakyat na.

Hindi na nga sila umuwi simula noong isang gabi. Sabi pa nila ay dito rin sila mag-stay sa weekends. Mas maganda ‘yon para makapag-bonding kami.

Naabutan ko si Sefi sa guest room na inaayos ang mga curlers na nasa buhok niya.

“Hey, Isa, need ba na maaga tayong officers?”

“Not really necessary. Maayos naman na lahat doon.”

“Thank G! Akala ko, hindi tayo pwede sa grand entrance!”

“May date ka ba?”

Tanong ko habang sinisilip ang mga damit at masks na susuotin namin.

“Yes, of course! What’s a party without a date, right?”

“Talaga? Sino?” Nakalimutan naming pag-usapan lahat yung tungkol sa date.

“Well, actually, I’m going with Kevon Jase. Sounds familiar?”

Napaisip ako kung sino ang sinasabi niya.

“Really? Si Albania diba? From ICT?”

Tumango-tango siya habang nakangiti kaya pinaningkitan ko ito ng mata.

“Ikaw, Sefi ha,” lumapit ako sa kanya.

“Marunong ka pumili!”

“I know, right!”

Umirit pa kaming dalawa na na-excite bigla.

“Ano ‘yan ha? Anong kaharutan ang tinuturo mo kay Isa, Josefina?”

“It’s Josiefeen! Very far sa Josefina!”

“It’s Josiefeen! Very far sa Josefina!” paggaya ni Niiza. Natawa ako nang may naalala.

“Hala, para kang si Riggs. Ganyan din siya. Manggagaya!”

“Narinig ko pangalan ko!”

Nagulat kaming lahat nang sumilip si Riggs sa pinto.

“Ano yan ha, bina-backstab niyo na ako?!”

“Paano mo nalaman?” pambabara ni Niiza rito na nakapamewang pa habang nakaharap sa kaniya.

“Backstabber! Indianin kaya kita mamaya?”

“Edi go! As if naman.”

“Wait, date nyo isa’t isa?” tanong ko nang maintindihan ang sagutan nila.

“Oo, sabi n’yan ni Josefa,” sabi ni Riggs.

“Ugh,” hindi na siya pinatulan ni Sefi na hindi makapagsalita ng maayos dahil sa face mask na nasa buong mukha niya.

“Ikaw ba, Isa, kayo ni pinsan magkasama?”

“Hindi. Si Dynsil date niya, ah.”

“Weh?” tanong ni Niiza na tinanguan ko naman.

“Edi sinong date mo?” tanong pa niya.

“Si Sir Ramos siguro kasabay ko sa entrance. Kung ayaw niya naman ay kaya ko mag-isa. Hindi naman required. Nasa iisang table lang naman tayong lahat.”

When My Life Was HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon