Chapter 16

0 0 0
                                    

“Hi! Diba, ikaw yung president? Isayah, diba?”

Nabaling ang atensyon ko kay Josiefeen nang kausapin ako nito.

“Ah, oo. Isa na lang,” I smiled at her.

“Josiefeen, right?”

Nakangiti naman itong tumango-tango sa akin.

“Sefi na lang. Ang oldie pakinggan ng Josiefeen, eh.”

Ngumiti na lang ako rito saka tinanaw si Brennon na bumibili ng pagkain naming dalawa.

“Mag bf-gf ba kayo ni Brennon?”

“Huy, Sefi! Tsismosa ka!” natatawang saway ni Niiza sa nagtanong na si Sefi.

Umiling lang ako sa mga ito para itanggi iyon.

“Best friends kami. Neighbors na rin.”

“Ay, so kapitbahay mo rin si Boss Candy?” tanong ni Niiza.

“Nabanggit niya kasi kanina na kina Brennon sila nakatira habang ginagawa pa yung bahay nila rito.”

“Ano ba, Mae! Riggs na nga lang sabi!”

“Eeeeewwwww! ‘Wag mo’kong tawaging Mae!”

“Edi tawagin mo’kong Riggs!”

“Riggs! Riggs! Riggs! Okay na? Happy?”

“Hoy, kayo lang maingay dito,” napalingon naman kaming lahat kay Dynsil nang magsalita ito.

“Lagot kayo kay Den-den!” parang batang pananakot naman ni Sefi sa dalawa na may kasama pang panduduro. Natawa na lang ako.

“So, kapitbahay nga kayong tatlo?” gulat ako nang direkta akong kinausap ni Dynsil.

“Oo,” sagot ko.

Tumango lang ito sa akin saka tumayo para siguro bumili ng pagkain. Sumunod naman si Sefi at si Niiza sa kanya at si Riggs naman ay tumayo na rin nang dumating na si Brennon.

“Sorry, ang haba ng pila.”

“Okay lang.”

Hinintay muna namin ang mga kasama namin sa table bago magsimulang kumain. Come to think of it. Paano nga ulit kami naging magkakasama?

Naaalala ko noon, kung hindi kaming dalawa lang ni Brennon, ay kasama namin ang ibang basketball players na kaibigan ko rin. Minsan naman ay kasabay ko ang mga kapwa ko officers sa pagkain, lalo na pag may events at hindi nagsasakto ang schedule namin ni Brennon.

To be in a table, eating lunch with new faces, it somehow felt… refreshing. Kahit na medyo bothered ako kung may something between Brennon and Dynsil, it still feels better to have a chance of befriending other people aside from my best friend.

Habang kumakain kami ay nagk-kwentuhan sila sa nangyari sa unang oras ng first day nila sa classroom. Hindi naman ako maka-relate kasi may iba akong gawain.

“Bakit nga pala wala ka sa classroom kanina, Isa?” tanong ni Riggs sa akin.

“Ah, may kailangan kaming gawin ni Sir Ramos. Naghahanap kasi kami ng potential officers ng council eh.”

Naalala ko sina Sefi at Dynsil.

“Actually, Sefi at… Dynsil, gusto niyo bang tumakbo para sa election ng SC?” diretso kong tanong sa mga ‘to.

“Against you? Ayoko nga!” agad namang pagtanggi ni Sefi.

“Hindi,” sagot ko.

“Nakita ko ang records niyong dalawa, at kasama kayo sa mga inoobserbahan namin ni Sir kanina. Pag-isipan niyo sana. Sa Friday ko pa naman ipapatawag lahat ng gustong tumakbo.”

When My Life Was HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon