“Want more?” alok ni Brennon sa bottled water niya nang makitang mabilis kong naubos ang sa akin.
“Yes, please,” iniabot niya naman ito agad sa akin na mabilis ko ring naubos.
Nasa school cafeteria lahat ng seniors ngayon. Mabuti na lang at kaming mga seniors lang ang nandito dahil magkaka-iba ang schedule ng lunch namin kaysa sa juniors. Ang elementary at college naman ay mayroong sariling cafeteria na malapit sa mga buildings nila.
Buong umaga ay nag-tour kami sa buong high school department. Ipinakita ko sa kanila kung nasaan ang speech at science laboratories, at nag-tour din kami sa mga office ng bawat school clubs na meron dito. Ngayong tanghali ay ako rin ang nanguna papunta rito sa canteen at mamayang hapon naman ay dadalhin ko sila sa campus grounds at covered courts, pati na rin sa gymnasium. Ipapakita ko sa kanila ang indoor pools para mahikayat silang sumali sa swimming team. Bilin ito ni Sir Ramos sa akin dahil bagong-gawa rin ito. Mabuti na lang ay alam ko kung nasaan dahil nakita ko na rin ito nung ginagawa pa lang last year.
Ibinaba ko ang pangalawang bottled water na naubos ko ang laman. Huminga ako ng malalim, mas refreshed na ako ngayon kaysa kanina pagkaupo ko. Kinapa ko ang lalamunan ko. Pakiramdam ko ay kulang pa ang tubig na nainom ko dahil sa walang tigil na pagsasalita ko kanina.
“Tubig pa?”
Napatingin ako kay Riggs na nasa harap ko, kumakain. Inoffer niya sa akin ang tubig niya na hindi niya pa nabubuksan. Lumingon muna ako saglit kay Brennon at nang makitang abala ito sa pakikipag-usap sa teammate niya sa kabilang table ay tinanggap ko na ang tubig.
“Salamat.”
Hindi na ito sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Nagsimula na rin akong kumain dahil one-hour lunchbreak lang ang meron kami. Magpapahinga ako sa matitirang oras para naman may energy na ulit ako mamaya.
Habang kumakain ay nagmamasid din ako sa mga co-seniors ko. Ang iba ay mga dati nang dito pumapasok kaya magkakakilala na sila. Magkakatabi sila sa iisang table. Ang iba naman ay nakikita kong nagkakahiyaan pa habang nag-uusap. Ang iba ay nakikipag-kilala sa mga nasa ibang table.
Nahagip din ng mata ko ang tatlong babaeng nakasalubong namin nung enrolment. Nasa isang mushroom table lang sila kaya wala na rin silang ibang kasama kung hindi sila lang.
Nang iniwas ko ang tingin ko ay napatingin ako sa corndog na dala ng isang lalaki. Napanguso ako at agad natakam. Tumayo ako para bumili noon pero pinigilan ako ni Brennon nung papalabas na ako sa table.
“Iyah, sa’n ka pupunta?”
Tinuro ko ang stall kung saan may nagtitinda ng corndog.
“Bibili lang ako. Gusto mo?”
Tiningnan din niya ang itinuro ko at saka ako pinaupo.
“Ako na.”
Hinayaan ko na lang siya kasi ganyan siya lagi. Kaya nga minsan gusto ko na lang tumakbo agad, kasi kaya ko naman bumili para sa sarili ko. Pero magagalit si Brennon kasi parang tinatakasan ko raw siya pag ganon. Simula noon, pati pagbili ng pagkain ko, kung hindi siya kasama, eh siya lang ang bibili para sa aming dalawa.
“Hindi ba talaga kayo?”
“Huh?”
Napalingon agad ako kay Riggs sa tanong niyang iyon.
“Mukha bang kami?” natatawa ko pang tanong.
“Oo,” diretso niyang sagot.
Naiilang naman akong tumawa sa kanya kasi ang seryoso ng mukha niya.
“H-hindi, nho. Best friends.”
Hindi naman na siya umimik at tumayo para siguro bumili ng inumin, dahil ininom ko yung sa kanya kanina. Bumalik naman na rin si Brennon sa table at iniabot niya sa akin ang corndog na gusto ko, at binilhan niya rin ako ng isa pang bottled water.
BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Teen FictionIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...
