Maaga kaming naghanda para pumunta sa school.
Nagsuot ako ng pantalon at isang simpleng fitted shirt. Suot ko rin ang isa sa mga rubber shoes ko na may hidden wedge. Hindi kasi ako katangkaran kaya, ayun.
Gusto ko sanang mag-shorts para maaliwalas sa legs, kaso baka magalit si Brennon. Hindi siya pumapayag pag shorts or skirts, kahit dress ang suotin ko pag pupuntang school. Hindi raw kasi magandang tingnan dahil nandoon kami para mag-aral, hindi magfashion-show.
Nagsusuot lang ako ng shorts tuwing may lakad sa labas ng school o sa bahay. Dress naman kapag pupunta sa simbahan tuwing Linggo.
Nang makapag-ayos na ako ay pumunta ako sa bahay nina Brennon dala ang requirements ko na nasa isang envelope. Naabutan kong kalalabas pa lang nina Tita Ruby at Rhett sa pinto. Nilapitan ko sila at nginitian.
"Hi, Tita! Hi, Rhett!"
"Hi, Ate Isa."
"Isa," ngumiti si Tita Ruby.
"Nasa taas pa sina Brennon at Riggs. Hintayin na muna natin sila."
"Puntahan ko po muna si Brennon sa taas," pagpapaalam ko rito.
"Sige, mabuti pa nga."
Umakyat ako sa taas at dumiretso sa kwarto ng best friend ko. Pagkatapat ko sa pinto ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto. Nang mabuksan ko ito ay naabutan kong naglalagay ito ng gel sa ulo habang sinusuklay para maayos itong tingnan.
Sinipat ko ng tingin ang kabuuan nito. Tulad ng inaasahan ko, nakasuot na naman ito ng usual get-up niya pag nasa school kami. Longsleeve sweaters na tinupi niya hanggang siko and pants tapos rubber shoes.
"Need help?" Pagtawag ko sa pansin nito.
Tiningnan naman niya ako sa repleksyon ng salamin saka ngumiti.
"Yes, please."
Nakangiti naman akong lumapit dito at pinaupo siya para ako na ang mag-ayos ng buhok niya. Sinuklay ko ito at inayos at nang makuha ko ang tamang porma nito ay ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa magkabila niyang balikat.
"There,"
Tiningnan naman niya ang sariling repleksyon sa salamin bago ngumiti. Kinuha nito ang kamay ko na nasa kanang balikat niya saka dinala iyon sa labi niya para halikan.
"Thanks, Iyah. You’re the best."
Tumayo ito at pumunta sa likuran ko.
"Ikaw naman."
Pinaupo niya ako sa upuan saka sinuklay ang buhok ko. He divided my hair into three portions before starting braiding it. Believe it or not, marunong siya mag-braid. Actually, bukod kay Mama ay siya lang ang gumagawa nito sa akin.
Laging naka-braid ang buhok ko noon pero nang umalis si Mama dito ay lagi ko lang itong inilulugay. Hindi iyon gusto ni Brennon kaya nagpaturo siya sa isang kaklase niya kung paano.
Since then, siya na ang nagpupuyod sa akin. Hindi naman ako nagreklamo. Naaalala ko rin noong sinabi nito sa akin noon na mas bagay daw sa akin. Malinis ang mukha ko at walang nakakalat na buhok.
Nang matapos siya sa buhok ko ay bumaba na kami. Tiningnan ko kung sino ang nandoon. Kami na lang pala ang hinihintay. Nang magtama ang paningin namin ni Riggs ay napaiwas ako bigla.
Naaalala ko pa ang sinabi niya tungkol sakin kagabi. Hindi naman ako galit o ano. Ewan ko ba. Basta.
"Oh tara na. Dala niyo ba mga requirements niyo, Isa at Brennon?" Tanong ni Tita.
"Opo."
"Yes, Tita."
Nagkayayaan na kaming umalis.
Nakaangkas ako sa motor ni Brennon habang sina Tita Ruby, at Rhett ay nakasakay sa tricycle na si Tito Carlos ang nagda-drive. Si Riggs naman ay sa sarili nitong motor. Naiwan si Ate Cai sa bahay dahil hindi naman ito mag-eenroll.
BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
JugendliteraturIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...
