Chapter 17

0 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang dalawang araw, and today is already Friday. Ngayon gaganapin ang meeting para sa mga gustong tumakbo sa SSC. Kasalukuyan kong nirereview ngayon ang mga kailangan kong i-discuss mamaya.

Si Sir Ramos ay dadalo rin pero hindi ito ang magli-lead sa meeting. Sabi niya ay kaya ko na raw ito. Wala naman akong magawa kundi pumayag, syempre. Dagdag pa niya ay ako rin daw ang magiging lider ng SSC at gabay lang siya kaya dapat ngayon pa lang ay ipakita ko na ang authority ko bilang president ng batch.

Noong Wednesday ay sa ICT at HE strands kami nag-observe ni Sir. Marami rin kaming kinonsidera ni Sir Ramos pero base sa pag-announce ko kahapon ay kaunti lang ang nakitaan ko ng kagustuhang tumakbo. Kahapon naman ay nasa classroom ng STEM, kung saan din ang classroom ko. Sa dalawang araw kong nakasama si Niiza ay hindi ko inakalang officer din ito. Mukha kasi siyang pasaway dahil sa taas ng energy niya, lalo na kapag nakikipag-asaran kay Riggs.

Nang mag-announce ako roon kahapon, nakita ko ang mukha ng mga kaklase ko. Ang ilan ay mukhang interesado pero karamihan ay sinabing pass muna sila dahil mahirap ang subjects ng strand namin.

Kung tutuusin naman ay mahirap ang subjects na ite-take ng bawat strand. Siguro nga lang ay may iba-ibang priorities bawat strand, at sa kanila ay calculus.

“Wala pa ba sila?”

Napalingon ako kay Sir Ramos na kakarating lang. Chineck ko ang oras. 7:55 AM. 8 AM ang usapan namin.

“Parating na rin siguro, Sir. May 5 minutes pa.”

Hindi naman ako nagkamali. Pagkaupo ni Sir Ramos ay isa-isang nagsidatingan ang mga inaasahan ko.

“Good morning, Isa!” bati sa akin ni Sefi na agad ding pumasok at umupo.

“Good morning,” bati ko sa kanya pabalik, pati na rin kay Niiza na kasama niya. Tumingin pa ako sa may pintuan nang hindi ko makita ang isa pa dapat nilang kasama.

“Si Dynsil?” tanong ko kay Sefi.

“Oy,” lumingon ako sa nagsalita at nakitang si Dynsil iyon na tinatawag si Sefi. Hinagis nito ang susi ng kotse bago tumabi kay Niiza. Nang lumingon ito sa akin ay nginitian ko ito.

Akala ko ay hindi siya pupunta.
Sunod-sunod na ring dumating ang galing sa iba pang strands. Pagpatak ng 8:15 ay sinimulan ko na ang meeting.

Mayroong 11 na candidate ang nandito sa ngayon. Nakakatuwa dahil andito ang mga pinaka-inaasahan namin ni Sir Ramos. Nakakalungkot lang na ang iba pa sa mga nakitaan namin ng magandang record ay wala nang interes maging student officer. Sabi nila ay mas gusto nilang mag-aral na lang para mapasama sa honor roll at makakuha ng scholarship sa college.

Sinimulan ko ang meeting tungkol sa pag-uusapan namin ngayon at kung anong mga positions ang tatakbuhan nila.

“Ang vacant positions ay ang Vice President, Secretary, at ang Treasurer at Auditor ay isang tao ang tatakbo para roon, at dalawang marshalls. Out of 11 na nandito, lima lang ang mae-elect.”

Tinanguan ako ni Sir Ramos, sign na magpatuloy ako.

“Sa ngayon ay gusto kong sabihin ninyo kung anong positions ang balak niyong takbuhan.”

Pumunta ako sa whiteboard kung saan nakalista ang mga positions. Ilalagay ko ang pangalan sa tapat ng position na gusto nilang takbuhan.

“If you have any position in mind, please raise your hand.”

Agad namang nagtaas ng kamay si Sefi kaya pinatayo ko ito para magsalita.

“Sexy-tary here, Pres,” pabiro nitong sabi na ikinatawa naman ng lahat.

When My Life Was HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon