I woke up because of a noise.
Sinubukan kong takpan ang tenga ko pero hindi pa rin nito nagawang pagtakpan ang ingay. Inis akong bumangon at nagpunta sa banyo. Tutal gising na rin naman ako, maliligo na lang ako para mawala ang init ng ulo ko dahil sa ingay na yun.
Saan ba kasi galing yung ingay na yun?
Nang makapagbihis ako at makapagsuklay ay nakasimangot akong lumabas ng bahay at sinundan ang pinagmumulan ng tunog. Lalo akong napasimangot nang makitang si Riggs ang may kagagawan kung bakit ako nagising.
Naabutan kong itong sinisipa ang bola ng football para tumama sa pader. Kung sumipa kasi ito ay buong pwersa kaya pagtama ng bola sa pader ay maingay.
Nilapitan ko ito at sinigawan.
"Ang ingay mo, alam mo ba yun?!"
Lumingon siya sakin pagkarinig sa sinabi ko saka ngumisi.
"Uy, good morning din," nang-aasar namang pagtugon nito.
Inirapan ko lang ito at papasok na sana sa loob ng bahay nila nang magsalita siya ulit.
"Wala pa si Brennon dyan. Hindi pa rin umuuwi."
Napabuntong-hininga naman ako at umupo na lang sa terrace.
"Sino nandito?" Tanong ko.
Pansin ko kasi na parang wala sila sa terrace o sa sala ng bahay. Madalas ko kasi silang maabutang tumatambay dito tuwing umaga.
"Ako lang," sagot nito bago sumipa ulit sa bola.
"Namamalengke sina Papa at Mama. Si Ate Cai pumunta sa botique, tapos si Rhett dinaanan ng mga bago niyang kakilala diyan sa kanto."
Tumango na lang ako dito.
Siya nga lang talaga mag-isa dito. Si Brennon kasi ay nag-overnight kagabi sa bahay ng teammate niya. Hindi naman ako sumama dahil puro lalaki sila doon.
Pinagmamasdan ko lang siyang sumipa nang sumipa hanggang sa lingunin niya ulit ako. Siguro ay naiinip siya o naiilang sa nagawa kong panunuod sa kanya.
"Gusto mong i-try?"
Tinaasan ko ito ng kilay. Gusto niya akong sipain ang bolang yan?
"Sige na, para hindi ka mainip dyan kakahintay kay Brennon."
"Hindi ako marunong niyan."
Inismiran ako nito.
"Sisipain mo lang naman."
Inirapan ko naman ito saka tumayo. Nang makalapit ako sa kanya at sa bola ay sinipa ko agad ito.
"Ouch!"
Hindi ko maiwasang daing dahil una, matigas ang bola, at pangalawa, ang sakit ng hinlalaki ko sa paa.
Inis ko naman itong binalingan nang marinig ko ang malakas niyang tawa. Tinulak ko siya pero hindi naman iyon sapat para matumba siya tulad ng gusto kong mangyari. Patuloy lang itong tumatawa habang sapo ang kaniyang tiyan.
Inirapan ko na lang ito. Umupo ako sa damuhan at tiningnan ang paa ko. Hinilot-hilot ko ito at hindi naman nagtagal ay nawala rin ang sakit. Tumayo ulit ako para umalis na ng bahay nila at pumunta sa bahay ko nang pigilan niya ako.
"S-sandali," sabi pa niya, natatawa pa rin.
Inis kong binalingan ito.
"Ano na naman?"
"Sorry na," sumimangot ito na parang pinipigilan ang pagtawa.
"Mali kasi yung pagsipa mo kaya sumakit paa mo."

BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Fiksi RemajaIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...