Chapter 18

0 0 0
                                    

“Ano ba namang mapa ‘to. Riggs! Balak mo ata kaming iligaw!” rinig kong sigaw ni Niiza mula sa cellphone.

Ngayon ang usapan naming pagpunta sa falls at mamayang gabi ang overnight sa beach. Bukas na kami uuwi at hindi ko pa sigurado kung magkaroon ng biglang lakad bukas para mas masulit namin ang weekend kaya nagdala ako ng isang bag ng pamalit. Ganoon din ang inihanda kong damit kay Brennon.

5:30 pa lang ng umaga at hinihintay na lang naming dumating ang minivan ng tatlo. Ang kaso, hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin sila sa ginawang mapa ni Riggs.

“Mali kasi yung nilikuan niyo, dapat sa kanan—ay hindi! Tama pala! Tama, sige diretso!”

“Gago ka Riggs, pag kami naligaw!” pang-aasar ni Niiza

“Bakit kasi hindi mo ma-gets yung mapa, ang dali-daling intindihin eh!”

“Den-den oh! Hindi mo raw ma-gets!”

“Uy, Den-den, hindi ikaw, ha! Si Niiza talaga ‘yon!”

“So ingay niyo naman in the morning,” sabi pa ni Sefi na narinig kong humikab pa.

Napailing na lang ako habang lumalapit kay Riggs at sumisilip sa video call. Ibinaba niya naman iyon nang kaunti para mas madali kong makita.

“Saang banda na kayo?” tanong ko.

“Dito sa… bakery… may bakery kaming nadaanan,” sagot naman ni Niiza

“Daming bakery dito, hoy,” pang-aasar pa naman ni Riggs kaya sinuway ko na ito.

“Ingay mo naman kasing mag-guide,”

Dahil sa sinabi ko ay narinig kong tumawa ang tatlong kausap namin pati na rin si Brennon sa tabi ko na napaubo.

“Aga mo naman manakit,” umakto pa si Riggs na nasasaktan at humawak pa sa dibdib.

Inirapan ko na lang ito at kinuha ang cellphone sa kamay niya para mas makausap ko nang maayos ang tatlo.

“Wow, pahiram ha,” hindi ko na lang siya pinansin.

Itinuro ko ang mas madaling daan para makarating dito kay Dynsil, at dahil kaming dalawang matino sa umaga ang nag-usap ay nakarating agad sila paglipas ng ilang minute.

“Whoo! Nakarating din! Salamat sa detour, Riggs ha!” pang-aasar agad ni Niiza nang makababa ito galing sa minivan.

“Grabe kayo, sabi niyo sama-sama tayo sa roadtrip. Bakit nauna na kayo?”

“Let’s go na! I’m so excited to hike! Is it far, Isa?” excited na tanong sa akin ni Sefi na kumapit pa sa braso ko.

“Medyo. Pero huwag kayong mag-alala. Hindi masyadong mainit sa lugar na iyon kaya hindi tayo mangingitim sa sikat ng araw.”

“Ooh, I don’t mind a tan!” sagot pa rin ni Sefi na hinila na ako papunta sa minivan.

“Let’s sit here in the middle na lang, Isa!”

Sumunod naman ako kay Sefi na sumakay sa gitnang upuan ng sasakyan. Pagkaupo ko ay tumingin ako kay Brennon na nilalagay ang mga gamit namin sa likod.

“Brennon, dito tayo.”

“I’ll sit in the front, Iyah. Sa tabi ni Dynsil.”

Bago ko pa maisip ang itatanong ko ay nasabi ko na agad.

“Bakit?”

“We’ll take turns in driving,” simpleng sagot pa nito bago pumunta sa harapan para umupo sa passenger seat.

Bahagya pa akong natulala at natauhan lang ulit nang magsalita si Riggs na dadaan sa tabi ko para makaupo sa likod.

“Parang lugi ako rito ha. Ang panget ng katabi ko,” tukoy nito kay Niiza dahil sila ang magkatabi sa likod.

When My Life Was HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon