“Look, Isa! Ano kayang mas maganda? Itong nude or itong green?”
Tiningnan ko yung dalawang tank top na hawak ni Ate Cai. Pareho ang design non at magkaiba lang ang kulay.
“Uh,” nahirapan pa akong pumili dahil parehong maganda yon at parehong babagay sa kanya panigurado. Sa huli, sinabi ko na lang na bakit hindi niya bilhin pareho. At yun nga ang ginawa nya.
“Isa, what do you think should I buy? Itong wide-legged jeans or itong skin tight?”
“Ahm, tingin ko Ate, mas maganda kung saan ka mas komportable.”
“Hmm…” tiningnan niya ang dalawang pantalong hawak niya.
“Bilhin ko na lang pareho, I’ll make use of them, for sure.”
Lagi akong tinatanong ni Ate Cai sa mga opinion ko. Nahihiya na nga ako eh. Kasi kung hindi niya bibilhin na lang pareho, ang ending, siya pa rin ang pumipili.
“Smell this, Isa! Pareho silang mabango! Hindi ko alam kung ano bibilhin ko.”
Lumapit ako kay Ate Cai na nagtitingin na ngayon ng pabangong bibilhin niya.
“Try this first.”
Inabot niya sa akin ang isang maliit na pink tester para ipaamoy sa akin iyon. Inispray ko naman siya sa pulso ko at sweet-scented iyon.
“Mabango siya Ate, parang kaamoy nung gamit mo ngayon. Mas sweet lang ito.”
“Really?” tumango ako. Inabot niya naman sa akin ang isa pang yellow tester. Inispray ko naman iyon sa kabilang pulso ko.
“Smells like vanilla,” sabi ko.
“Ang bango nito, Ate. I like this.”
“You do?” tuwang-tuwa siya nang marinig iyon galling sa akin. Sabagay, ngayon lang ako nagsabi ng direct opinion ko, simula kanina.
“I’ll buy these two, please. One bottle each,” sabi nya sa saleslady na nag-assist.
After naming bilhin yung pabango ay nagyaya siyang kumain. Sinabi ko sa kanya iyong malapit na kainan dito na nagse-serve ng masarap na siomai rice kaya iyon ang pinuntahan namin. Bago kami umorder ay nilapag na muna namin sa lamesa ang mga paper bags. Namili na rin ako ng ilang damit, pero mas maraming nabili si Ate Cai. Siguro natuwa siya sa murang price pero magandang quality.
“Isa, siomai rice rin ba sa’yo? Isasabay ko na,” tanong ni Ate sa akin na nasa unahan ko.
“Ah, sige po Ate. Siomai rice po tapos yung chocolate milktea,” nag-abot ako ng pangbayad ko pero hindi niya ito tinanggap.
“My treat since sinamahan mo ako ngayon,” tatanggi pa sana ako pero pinabalik niya na ako sa table. Bantayan ko na lang daw ang mga pinamili namin. Wala na akong nagawa kaya naghintay na lang ako sa kanya. Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay namin kaya nagsimula na rin kaming kumain.
“Alam mo, Isa, I don’t mean to pry, ha,” sabi ni Ate Cai habang kumakain kami.
“Pero may relasyon ba kayo ng pinsan ko? Yung actions niyo kasi, parang in a relationship eh.”
“Ah, hindi po, Ate. Magkaibigan lang po kami ni Brennon.”
Tumango-tango ito na parang naiintindihan niya ang sinabi ko.
“Pero may gusto ka sa kanya, tama?”
Bigla akong napaubo sa tanong niya. Uminom muna ako sa milktea ko bago umiling.
“Wala po, Ate. Best friends lang po talaga kami,” pagtanggi ko pa.
“Okay lang, Isa, ano ka ba. Halata naman sa’yo eh. Kaya nga nagtataka ako, kasi saglit pa lang kami rito, pero kitang-kita ko kung paano ka mag-care kay Brennon,” ngumiti ito sa akin.
BINABASA MO ANG
When My Life Was Him
Teen FictionIsayah and Brennon have been best friends ever since they were kids. They were with each other as they grow up, experiencing a lot of things side by side. However, like with any other cliché duo, one fell, and the other did not. Isayah thought that...