Chapter 19

0 0 0
                                    

“Yuhoooooo!”

Sabay-sabay kaming napasigaw nang marinig ang pagbagsak ng katawan sa tubig.

Nang matapos kasi sa pagkain ay agad kaming nagpalit para makaligo na. unang tumalon ay si Riggs na mukhang mahilig sa ganito at ngayon naman ay chin-cheer namin si Niiza at si Sefi na nagkasundong sabay na tatalon.

“Go girls!” sigaw ko pa sa mga ito habang nagbibilang sila.

“Ahhhhhhh!”

“Whooooooooooo!”

Sabay nilang sigaw. Tuwang-tuwa ako nang sinilip ko sila sa baba at nakitang nilulubog ni Niiza ang ulo ni Riggs pero dahil sa malakas si Riggs ay hindi niya ito malubog nang tuluyan. Nakisali na tuloy si Sefi. Pinagtutulungan nila ngayon si Riggs na kawawang sumisigaw doon.

“Baka malunod niyo yan, ah!” napatingin ako sa katabi kong si Dynsil na may hawak ng camera at nakatutok ito sa tatlo sa baba. Tuwang-tuwa ito sa nakikita niya.

“Gusto mong tumalon?”

Lumingon ito sa akin.

“Mamaya na siguro. Magv-video muna ako.”

“Ako na lang magv-video sa inyo,” alok ko sa kaniya.

“Hindi ka tatalon?”

Umiling ako.

“Nakakatakot,” tumawa pa ako kaya natawa rin siya.

“Okay lang ba?” tanong pa nito habang inaabot ang camera sa akin.

Hindi na ako sumagot at kinuha lang ang camera sa kamay niya pagkatapos ay patuloy na kinuhanan ang tatlo sa baba.

“Thanks,” nakangiting sabi pa ni Dynsil bago pumunta sa parte ng cliff na pwedeng tumalon.

Nilipat ko sa kanya ang video para makuhanan naman ang pagtalon niya. Nag-cheer din ang tatlo sa baba kaya natawa ako.

“Hey, kaya mo?” pasigaw na tanong pa ni Brennon dahil nasa cottage pa siya. Medyo malayo sa kinaroroonan ni Dynsil. Dahil doon ay napalingon pa muna ito bago ngumisi pa kay Brennon na tila nagyayabang.

“Basic.”

Nagulat ako nang bigla siyang tumalon at hindi na nagbilang. Agad kong sinundan siya ng tingin at namangha dahil nakangiti pa itong umahon na parang tuwang-tuwa sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay ako pa ang kinabahan para sa kaniya.

“She’s amazing.”

Nasa tabi ko na si Brennon habang nakatanaw sa baba.

“Dynsil?”

Tumango ito.

Is she now?

Nagkunwari akong abala sa pagv-video sa kanila dahil hindi ko rin alam kung ano sasabihin pagkatapos. Pakiramdam ko ay sumasama ang loob ko.

Naninibago lang siguro ako. Brennon never had a crush inside a friend circle, or something like this now. I mean, yes, we’ve all just met but I think we’re all in a group now.

Right?

And Brennon’s ex-crushes were girls I never usually associate with. Madalas kasi ay inaaway lang ako ng mga ito dahil mang-aagaw daw ako sa atensyon ni Brennon. I laughed, remembering those silly scenarios. Ako pa pala na matagal niya nang best friend ang nang-agaw.

“You won’t jump, right?” tanong niya sa akin.

Dapat ang sabihin ko ay hindi ako tatalon, kasi alam kong ayaw niya, pero ewan ko kung bakit hindi iyon ang sinabi ko.

When My Life Was HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon